kailanman hinding hindi ka nya mamahalin
Paulit-ulit sa utak ko ngayon ang mga sinabi sa akin ni Suzy kanina, nakahiga lang ako sa kama ko at iniisip ko yung nangyari kanina
"Naomi kakain na tayo!" sigaw ni mama mula sa labas ng kwarto ko
"Busog pa po ako!" bumangon ako sa kama at kinuha ko yung Ipad ko, naglog in ako sa facebook. Sakto namang pag open ng facebook ko ay tumambad na agad sa akin yung status ni Suho na nakatag sa akin
Hindi ko pa pala sya na-uunfriend
Mahal na mahal kita Naomi, Uulit ulitin ko ang mga salitang 'to hanggang maniwala ka sa akin
Merong 143 likes at 69 comments ang status nya, famous eh..
Tinignan ko yung mga comments, maraming nagulat, maraming kinilig at merong XD lang ang nilagay, sa lahat ng comment na nabasa ko, isa lang ang umagaw sa attention ko
Yun ang comment ni May
May Suarez: Go! Ayieh ang sweet naman ng Pandak Couple
Medyo masakit lang, hanggang ngayon hindi ko parin matanggap ang height ko.
Suho's POV
Gagawin ko ang lahat, mahalin mo lang ulit ako
Kanina ko pa iniisip kung anong pwede gawin ni Suzy makuha lang nya ako ulit, ganun na ba talaga sya kadesperada?
"Uy! Kuya, kanina ka pa dyan tulala, ano bang iniisip mo?" tanong sa akin ni Krystal
"Ah wala lang" sabi ko pagkatapos ay nginitian ko sya, umupo naman sya sa sofa at kinuha yung cellphone nya sa bulsa nya, inagaw ko ito sa kanya
"Kuya akin na yang cellphone ko!" sabi nya habang sinusubukan nyang agawin ang cellphone nya pero hindi nya maabot ang kamay ko
"Tapusin mo na yang assigment mo bago ka mag-internet!" sabi ko sa kanya pagkatapos ay tinago ko ang cellphone nya sa bulsa ko
"Bakit ikaw nagfafacebook ka na agad?" tanong nya sa akin habang nakaturo sa laptop na nakapatong sa thighs ko
"Wala kang pakialam! Saka tapos ko na ang mga assignments ko" inirapan naman nya ako pagkatapos ay nagpout sya
"Eh di ikaw na nga ang masipag kuya" hindi ko na sya pinansin, chineck ko yung status na pinost ko kanina
Meron na itong 143 likes at 69 comments. Nakita ko rin na inalis na pala ni Naomi yung pagkakatag sa kanya ng status ko. Hindi parin ba sya naniniwala? Akala ba nya pinaglalaruan ko lang ang damdamin nya?
Binuksan ko yung messenger ko, umaasa ako na online si Naomi kaso hindi sya online. Naisipan kong pumunta sa profile nya, nagpalit na pala sya ng cover photo, pinalitan na nya yung picture naming magkayakap saka inunfriend na rin pala nya ako
Galit ba sya sa akin? Bakit?
Napansin ko naman na katabi ko na pala at nakatingin na rin si Krystal sa laptop ko
"Inunfriend ka na pala ni Ate Naomi" sabi nya pagkatapos ay nagpout sya
"Diba sinabi ko sa'yo na tapusin mo na yung mga assigments mo?"napakamot sya ng ulo bago lumayo sa akin
"Oo na po, tatapusin ko na" binalik ko ang tingin ko sa facebook ko, nagmessage bigla si Hyeri
Hyeri: Uy! Suho!
Hyeri: Uy! Pandak!
Hyeri sent a sticker
You: Bakit?
Hyeri: Wala lang.. Nandito na nga pala ako sa New york
New york? Kailan pa? Bakit hindi nya sinabi sa akin? Alam na ba 'to ni Naomi? Maraming natanong ang nabuo sa isipan ko, napatingin ulit ako sa messenger ko
Hyeri: Uy, andyan ka pa ba?
Hyeri: Galit ka ba Suho?
Hyeri: :(
You sent a sticker
You: Bakit hindi mo sinabi sa akin?
Ilang minuto kong inantay ang reply nya pero offline na pala sya, kinuha ko agad ang cellphone ko para tawagan sya kaso naalala ko na nasa New York na nga pala sya
Nalungkot bigla ako, hindi man lang sya nakapagpaalam sa akin
Naomi's POV
12: 30 am na pero gising parin ako, hindi ako makatulog feeling ko tuloy may insomnia na ako. Sigurado akong mukha na akong zombie bukas, ay mali mamaya pala dahil sa eyebags ko
Kanina pa ako nagbabasa sa wattpad, naka-off na yung ilaw ko para hindi malaman ni mama na gising pa ako. Kasama ko rin pala si Chorong na magpuyat, pinilit ko sya para dalawa na kaming mukhang Zombie mamayang umaga. Haha
"Uy! Hindi ka pa tutulog Naomi? Umaga na oh" tanong ni Chorong sa akin
"Hindi pa! Mamaya na tayo matulog Chorongie!" sabi ko sa kanya habang nakapout
"Aish! Sige na nga" pinisil nya ang ilong ko pagkatapos
Bumalik ang atensyon ko sa cellphone ko, may nagtext dito pero hindi ko kilala kung sino ang may-ari ng number na 'to. Hindi sya familiar sa akin
From: 0915*******
Naomi, magkita tayo bukas sa Uaena park, kailangan kitang makausap
Kinurot ko ng mahina si Chorong sa braso para magising sya, pumipikit na kasi ang mga mata nya
"Familiar ba sa'yo ang cellphone number na 'to?" tanong ko sa kanya habang nakaturo ako sa cellphone ko
"Hindi eh" sabi nya habang kinukusot ang mga mata nya
Sinubukan kong tawagan yung cellphone number ng nagtext sa akin pero hindi sya sumasagot. Hindi kaya stalker ko lang 'to?
From: 0915*******
Kung gusto mong malaman kung sino ako, makipagkita ka sa akin bukas
Gusto kong malaman kung sino sya, saka may feeling ako na gwapo sya kaya pupunta ako sa Uaena park bukas. Huahua
****
VOTE & COMMENT Please ヾ(●⌒∇⌒●)ノ
-UaenaXOXO
BINABASA MO ANG
Bestfriend! I love you
RomancePara sayo ano ang LOVE? Love is like a rosary, full of mystery Love is blind Love is in the air Love is sacrifice at maraming pang iba... Maraming nasasaktan at nakakasakit dahil sa LOVE na yan Kung ikaw ang papipiliin.. Ang PUSO ba na nakakaramdam...