"Saan mo ba 'ko dadalhin?" tanong ko kay Suho habang hinihila nya ako papalabas ng gate ng school namin, inexcuse nya ako sa mga teachers ko at sinabing may importante kaming pupuntahan
Yung mga teacher ko naman, naniwala sa sinabi ni Suho kaya excused ako sa buong klase namin ngayong araw
"Basta" sabi nya habang patuloy parin sa paghila sa akin hanggang sa nakarating kami sa tapat ng kotse nya
"Sumakay ka" utos nya sa akin
Tinignan ko muna sya bago ako pumasok sa kotse nya, pumasok na rin naman sya pagkatapos kung pumasok
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanya
Ngumiti sya pagkatapos ay pinaandar na nya ang kotse nya, tumingin sya sa akin
"Secret!" sabi nya sabay wink
Habang nasa kalagitnaan na kami ng traffic, may kinuha si Suho sa bag nya at inabot ito sa akin
"Magpalit ka ng damit, hindi pwedeng naka uniform ka sa pupuntahan natin" utos nya sa akin
"Seryoso ka? Magpapalit ako ng damit dito sa kotse mo?!" tanong ko sa kanya, hindi naman sa iniisip kong silipan ako ni Suho dahil alam ko namang gentleman sya
Kaso lalaki parin sya no!
"Oo, hindi naman ako titingin kaya bilisan mo na lang" sabi nya sabay taklob sa mga mata nya
"Sige na nga" sabi ko sa kanya
***
11: 30 na ng umaga nung makaalis kami sa traffic, dalawang oras din kaming naghintay dun
Kasalukuyan paring nagdadrive si Suho habang ako naman ay nanonood ng mga videos sa youtube
"Oy! Saan ba talaga tayo pupunta?" tanong ko sa kanya
"Secret nga!" sabi nya pagkatapos ay tumawa sya ng mahina
After 30 minutes ay nakarating kami sa Sky ranch sa tagaytay. So, inexcuse nya ako sa mga teacher ko para lang dito? Pwede naman sa weekend na lang kami pumunta dito
"Anong gagawin natin dito?!" pasigaw kong tanong sa kanya nung nakababa na kami sa kotse
"Common sense naman Naomi! Malamang sasakay tayo sa rides" sarkastiko nyang sagot sa akin pagkatapos ay umirap sya. Hinawakan nya ang braso ko at hinila na papasok sa Sky Ranch
"May itatanong ako sa'yo Suho" sabi ko sa kanya habang naglalakad kami sa loob ng Sky Ranch
"Ano yun?" huminto sya sa paglalakad at tumingin sa akin
"Umm, date ba 'tong ginagawa natin?" tanong ko sa kanya sabay kamot ko sa ulo ko
"Ano sa tingin mo?" lumapit ang mukha nya sa mukha ko, pero sa tuwing umaatras ako ay lalo pa nyang inilalapit hanggang sa magdikit na ang mga ilong namin
"Ahh umm, sa-sakay tayo dun oh!" pag-iiba ko ng topic sabay turo dun sa Sky Eye, natawa naman sya at bigla nyang hinawakan ang braso ko
"Sige, sakay tayo dun!" bigla naman nya akong hinila papunta dun sa Sky Eye
***
Kanina pa ako nalulula dahil sa sobrang taas ng Sky Eye na 'to, kaya si Suho kanina pa tawa ng tawa. Nakakatawa daw ang itsura ko, takot kasi ako sa matataas na lugar
"Ang tagal namang bumaba!" reklamo ko habang nakayuko, ayokong tumingin sa labas baka masuka lang ako
"Nagrereklamo ka na ngayon, eh ikaw naman ang may gustong sumakay dito" sabi nya sa akin, oo nga no? Ako nga pala ang nagyaya dito
Lumapit sya sa akin at hinawakan ang kamay ko
"Wag kang matakot, nandito lang ako" tumingin ako sa mga mukha nya at nakita ko ang matamis nyang ngiti
"Try mo lang tumingin sa labas, mawawala ang takot mo dahil napakaganda ng makikita mo" sabi nya sa akin, napayuko naman ulit ako
Itinaas nya ang mukha ko
"Wag kang matakot" inulit nya ang sinabi nya kanina pagkatapos ay ngumiti ulit sya, unti-unti akong tumingin sa labas at nakita ko ang napakagandang tanawin sa labas kaya napangiti na rin ako
"Oh, hindi naman nakakatakot diba?" tanong nya sa akin habang nakatingin rin sya sa labas, nagnod na lang ako at ngumiti sa kanya
***
Pagkatapos ng 10 minutes naming nakasakay sa Sky Eye ay kumain na agad kami, tanghali na rin kasi kaya gutom na gutom na kaming dalawa"Anong susunod nating sasakyan?" tanong nya sa akin pagkatapos ay uminom sya ng tubig
"Umm, sa Zipline na lang tayo!" sabi ko sa kanya sabay ngiti
"Sure ka? Akala ko ba takot ka sa matataas na lugar?" Nag-aalala nyang tanong sa akin
"Oo, kasama naman kita kaya hindi ko na kailangang matakot pa" napangiti naman sya sa sinabi ko kaya biglang pumasok sa utak ko kung ano ang nasabi ko sa kanya kaya bigla akong namula
"Ok, sabi mo yan eh" sabi nya pagkatapos ay tumawa sya ng napakahina
Pagkatapos naming kumain ay naglakad na kami papunta sa Zipline, medyo mahaba pa yung pila kaya matatagalan pa bago kami makasakay ni Suho.
Sa totoo lang, kinakabahan pa rin ako, hindi mawala sa isip ko ang takot ko sa matataas na lugar, pero kailangan ko itong mapaglabanan kaya sasakay pa rin ako sa Zipline. Saka kasama ko naman si Suho kaya wala dapat akong ikatakot
"Ang tagal naman" reklamo ni Suho
"Hahaha, ok lang yan. Worth it naman ang paghihintay natin" sabi ko sa kanya pagkatapos ay ngumiti ako sa kanya
"Tama ka" ngumiti rin sya sa akin
Bigla namang nagring yung cellphone ko, kinuha ko ito sa bulsa ko at nakita ko si Jonghyun na tumatawag sa akin
"Hello?"
"Asan ka Naomi?! Sinong kasama mo?! May importante ka daw pupuntahan! Totoo ba?" pasigaw na tanong ni Jonghyun sa cellphone
"Kumalma ka lang Jonghyun, kasama ko naman si Suho" medyo lumayo ako kay Suho para hindi nya marinig ang pag-uusapan namin ni Jonghyun
"Bakit mo kasama ang lalaking 'yan?!" pasigaw nyang tanong sa akin
"Wag ka ngang sumigaw! Kumalma ka muna, pwede?!" medyo napasigaw na rin ako
"Ok, kakalma na ako, asan ka ba? Saka bakit kasama mo si Suho?" malumanay nyang tanong sa akin
"Nandito kami sa Sky Ranch"
"Anong ginagawa nyo dyan?! Akala ko ba importante yang pupuntahan nyo?!" pasigaw na ulit sya kung magsalita
"Hays, mag-eexplain na lang ako pag-uwi ko, bye muna"
"Teka la--" naputol ang sasabihin nya nung inend call ko na, sigaw kasi sya ng sigaw, naiirita lang ako
Suzy's POV
"Kuya.."
"Anong ginagawa mo dito Suzy?" tanong nya sa akin, nakaupo sya ngayon sa sofa habang naninigarilyo
"Dinadalaw lang kita Kuya, hindi mo ba namimiss ang bunso mong kapatid?" tumawa sya ng mahina pagkatapos ay inilagay nya ang sigarilyo nya sa ash tray
"Oh come on Suzy, hindi ka pupunta dito kung wala kang kailangan sa akin, kilalang kilala na kita" tumayo sya at lumapit sa akin
"Anong kailangan mo bunso?" tanong nya sa akin, inabot ko ang isang picture sa kanya
"Gusto kong takutin mo ang taong yan Kuya" pagkatapos nyang tignang mabuti ang picture ay nag smirk sya
****
Vote & Comment Please ヾ(●⌒∇⌒●)ノ
- UaenaXOXO
BINABASA MO ANG
Bestfriend! I love you
RomancePara sayo ano ang LOVE? Love is like a rosary, full of mystery Love is blind Love is in the air Love is sacrifice at maraming pang iba... Maraming nasasaktan at nakakasakit dahil sa LOVE na yan Kung ikaw ang papipiliin.. Ang PUSO ba na nakakaramdam...