IKAAPATNAPU'T DALAWANG KABANATA

117 9 0
                                    

"Ah sa wakas! Natapos ko rin yung essay na ginagawa ko" Nag-inat si Chorong pagkatapos ay ibinalik na nya yung ballpen nya sa bag nya

"Hindi ka pa tapos Naomi?" tanong sa akin ni Chorong, umiling na lang ako bilang sagot sa tanong nya

Pinaggawa kasi kami ng 5000 words na essay about kay William Shakespeare, ang una daw makatapos ay pwede ng lumabas ng room at maglunch

"Tulungan kita, gusto mo?"

"Ah, wag na lang mauna ka ng maglunch, patapos narin naman ako dito" sabi ko pagkatapos ay nginitian ko sya

Ang hirap kasi nitong essay na ito, parusa talaga 'to para sa akin, hindi pa naman ako ganun kagaling sa paggawa ng essay. Pinapahirapan talaga kami ni Ma'am pagdating sa mga activities

11:45 na at malapit nang matapos yung time pero mag-iistay si Ma'am dito sa room hanggang sa oras na mismo ng lunchbreak, sa madaling salita. Hindi talaga makakakain hangga't hindi natatapos ito

Bigla namang nagvibrate yung cellphone ko sa bulsa ng palda ko, kinuha ko ito at nalamang nagtext pala si Suho sa akin

Pumunta ka sa likod ng canteen pagkatapos mong maglunch, aantayin kita ;)

Napangiti ako dahil sa text ni Suho, ano na naman kaya gagawin namin dun?

Suho is calling...

Bago ko pa man sagutin yung tawag ni Suho ay inagaw na sa akin ni Ma'am yung cellphone ko at sinagot yung tawag, iniloud speaker pa nya ito

"Hello? Bakit ka tumatawag sa oras ng klase ko?! Hindi mo ba alam na may ginagawa si Naomi?"

"Ah, Hue-hue. Sorry po" sabi ni Suho at ginaya nya yung tono ng pagsorry ni Chichay

Pagkatapos nun ay inend call ni Ma'am at inilagay yung cellphone ko sa kaliwang bulsa ng palda nya

"Ma'am! Yung cellphone ko!"

"Sa akin muna 'to, hindi ko ito ibabalik sa'yo hanggat hindi mo natatapos 'yang essay" sabi nya habang naglalakad papunta sa table nya

Hys, mukhang kailangan ko na talagang tapusin ang lecheng essay na 'to.

★*゚*☆*゚**゚*☆*゚*★*゚*☆

Pagkatapos ng 30 minutes ay natapos ko rin yung essay, nilagyan ko na lang ng mga hindi related na info kay William Shakespeare para matapos ko lang

Nagpunta na agad ako sa canteen na katapat ng ng para maglunch at nalaman kong kanina pa pala ako iniintay ni Chorong

"Bakit ang tagal mo? 12:15 na oh" bagot na tanong ni Chorong sa akin sabay turo sa wristwatch nya

"He-he, ang hirap kasi nung essay" sabi ko sa kanya habang kinakamot ko yung ulo ko

Napa-'tsk' na lang sya at sinenyasan ako na umupo at kumain na. May araw talaga na moody si Chorong, kanina lang ng umaga ang saya-saya nya pagkatapos ngayon bad mood na sya

Bigla kong naalala, pinapapunta nga pala ni Suho sa likod nitong canteen pagkatapos kong maglunch, ano kayang gagawin namin dun?

Pagkalipas ng ilang minuto ay natapos na rin akong kumain, pinauna ko na si Chorong sa room since pupuntahan ko pa si Suho sa likod nitong canteen

Habang papunta ako sa likod ng canteen ay nadaanan ko ang tatlong malalaking puno ng narra, hindi naman madamo ang daan papunta dun kaya may mga tumatambay na estudyante dun, may mga tao lang na takot pumunta dun dahil may multo daw

Bestfriend! I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon