EPILOUGE

214 9 7
                                    

Ayo Wassup!

We gonna make showtime!

Mabilis na lumipas ang panahon, isang taon na ang nakalipas simula nung maaksidente si Suho at eto ako ngayon, isa nang college student.

R I N G ✧

Be My Bell ✧

Naging mahirap para sa akin ang magmove-on at mag-adjust ngayong wala na si Suho sa tabi ko, sanay kasi ako na nandyan lang sya para sa akin

Marami na rin pala ang nangyari sa loob ng isang taon, naging close na kami ni Suzy. Hindi ko inakala na mabait din pala sya, siguro nga minahal lang talaga nya ng sobra si Suho kaya nakagawa sya ng masama noon

Ring my bell ✧

Ring, Ring, Ring my bell ho! ✧

Naging close na rin si Suzy kina Chorong at Jonghyun pati na rin kay April, May at June, Napag-usapan pa nga namin na sa iisang school lang kami papasok para kumpleto parin ang barkada

Ring, Ring my bell! ✧

Ring my bell! ✧

Si Chorong naman, sa ibang bansa na sya nag-aaral kasama ang Papa nya at mga kapatid, ang nakakatuwa pa nito ay magkaklase sila ni Hyeri dun sa pinapasukan nyang school!

Ring, Ring my bell! ✧

Ring my bell! ✧

Gusto rin sana ni Mama na dun ako mag-aral sa ibang bansa kasama si Chorong pero hindi ako pumayag, ayokong iwanan ang mga kaibigan ko dito

Ring, Ring my bell! ✧

Ring my bell! ✧

LingLing LingLing Ling LingLing LingLing ✧

"Okay! Perfect guys! Oh sige, break muna tayo" Sabi sa amin ng aming Dance Trainor, nagpapractice kasi kami ng sayaw para sa performance number namin sa Program bukas, mabuti na lang at sayaw lang at hindi na kami kailangan pang kumanta

"Gusto mo?" Sabi sa akin ni Suzy habang hawak-hawak nya ang isang mineral water

"Sige, salamat" Apat lang pala kaming na-assign na magperform nitong sayaw, ako, si Suzy, si April at isa pang babae na hindi ko alam ang pangalan

"Uy! Painom din ako sa tubig mo Suzy!" Inabot ko kay April yung mineral at napansin ko yung pangalan nito

Pandak's Mineral Water

Napangiti naman ako dahil naalala ko si Suho, naalala ko yung mga pagsubok na pinagdaanan naming dalawa

Isa na lang dun ay yung nag-away kami ni Suho

Flashback~

"Bakit mo pa pinatulan yung lalaking yun?!"

"Dahil ba kay Suzy?" Tumingin lang sya sa akin

"Dahil ba kay Suzy? Sumagot ka!"

"Putang ina Naomi! Oo, Oo na! Dahil kay Suzy dahil mahal na mahal ko parin sya! Masaya ka na?! Nasagot ko na yang tanong mo!"

"I-I'm Sorry!" Lumapit sya sa akin pero tinulak ko sya at umatras

"Wag kang lalapit sa akin!" Tumakbo ako palayo sa kanya at sumakay ng taxi

Bestfriend! I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon