IKADALAWAMPU'T ANIM NA KABANATA

394 12 4
                                    

"Oo na! Mahal ko parin sya! Masaya ka na?!" bigla akong napatakip ng bibig dahil hindi ko akalain na masasabi ko na yun sa kanya

"P*tang in*!" bigla naman nyang sinuntok ang pader at nakita kong dumugo ang kanan nyang kamay

"Se-sehun! Ok ka lang?" lalapit sana ako sa kanya pero umatras sya sa akin papalayo

"Wag kang lalapit sa akin!" pagkatapos nun ay tumakbo sya papunta sa Guest room, Dun kasi sya natutulog

"Yaya!"

"Yes ma'am?"

"Ikuha mo ako ng alcohol at bulak! Bilis!" pagkatapos kong magpakuha ng Alcohol at bulak ay nagpunta na agad ako sa tapat ng Guest room

"Sehun! Buksan mo 'tong pinto! Let me explain! Please!" kumatok ako ng maraming beses pero hindi parin nya binubuksan, bigla ko namang naalala na nasa akin pala ang susi ng Guest room, pumasok agad ako sa kwarto ako at kinuha ang susi pero bago pa ako makabalik sa Guest room ay lumabas na ng kwarto si Sehun at dala-dala na ang lahat ng gamit nya

"Sehun! Saan ka pupunta?!" tanong ko sa kanya habang bumababa ako ng hagdan

"Uuwi na ako sa condo ko! Hindi ba obvious!" lalabas na sana sya pero hinawakan ko sya sa braso nya

"Let me explain!" inalis nya ang kamay ko sa braso nya at humarap sa akin

"Sige nga! Anong ieexplain mo? Ipapaliwanag mo ba kung paano ka nainlove ulit kay Suho o ipapaliwanag mo kung paano mo ako nagawang lokohin?! Matanong nga kita! Minahal mo ba talaga ako?"

"Oo, minahal kita Sehun, pero narealize ko na mahal ko parin si Suho at hindi ko kayang makita na may kasama syang iba!" Tinalikuran na nya ako at tuluyan ng umalis. Gusto ko pa sana syang habulin pero hindi ko na nagawa

***
Naomi's POV

"Hoy Krystal! Ano na naman ba ang nakain mo? At pinakausap mo pa ang kuya mo sa akin?!" sigaw ko kay Krystal na kausap ko ngayon sa cellphone

"Huh? Anong pinagsasabi mo? Wala akong ginagawa ah!"

"Anong wala! Ang kuya mo pa nga ang nagsabi sa akin na ikaw daw ang namilit sa kanya na kausapin ako!" Napabuntong hininga sya bago magsalita ulit

"Wala talaga akong ginawa ate Naomi, baka naman gusto ka lang nyang makausap, ginamit lang nya yung dahilan" Totoo kaya? Hindi pinilit ni Krystal si Suho na kausapin ako?

"Ate Naomi! Pinapatawag ka ni Lola! Kakain na daw tayo" bigla namang pumasok sa kwarto ko si Chorong

"Ah sige! Pakisabi susunod na ako, may kausap lang"

"Sige" pinasarado ko naman sa kanya yung pinto nung lalabas na sya

"Sure ka ba na wala kang kinalaman dun?" tanong ko ulit sa kanya

"Oo nga! Baka namimiss lang nyang kausapin ang Bestfriend nya" Talagang pinarinig pa nya yung salitang Bestfriend eh no?

"Sige na nga, bye na muna kakain lang kami"

***

Hyeri's POV

You sent a sticker

Rence is typing..

Rence: Oh Hyeri! Ano na naman ang problema?

Nandito lang ako ngayon sa kwarto at nagfafacebook, sina Suho at Krystal naman nasa labas, ako lang mag-isa dito sa bahay ni Suho

You: Ayy.. Problema agad ang tinanong! Hindi ka man lang nangamusta ah!"

Rence is typing..

Si Rence nga pala ang Pinsan/Bestfriend/Childhood friend ko, sya lagi ang nasasandalan ko tuwing may problema ako

Rence: Hoy! Kilala na kita Hyeri, chinachat mo lang naman ako pag may problema o kailangan ka!

You: Oo na! Sige na may problema nga ako

Seen

Aba! Nangsiseen na sya ngayon ha!

Habang naghihintay ako ng reply nya, nakita ko bigla ang status ni Sehun sa facebook

Sehun is now single..

Sakto namang nagreply na si Rence

Rence: Ano na naman ba yun? Hulaan ko! Tungkol yan sa lovelife mo no?

You: Oo eh.. Sa tingin ko

Rence is typing..

Rence sent a sticker

Rence: Sa tingin mo?

You: Sa tingin ko mahal ko na si Suho..

***

Sorry kung maikli yung update ko ngayon! Bawi na lang po ako sa susunod

VOTE & COMMENT Please (^-^)

-UaenaXOXO

Bestfriend! I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon