IKALABING PITONG KABANATA

445 17 8
                                    

Suho's POV

"Naomi!" sigaw ko nung nakita kong nalulunod si Naomi, tumakbo ako papunta sa pool pero bago ko pa sya maiahon ay nawalan na sya ng malay, shit!

Dinala ko sya sa gilid ng pool at sinubukan gisingin pero hindi sya magising

"CPR na yan! Wooh!" sigaw ng isang lalaki

"CPR na yan!"

"iCPR mo na!" sabay sabay na sigaw ng mga classmates ko kaya napatingin ako kay Krystal na nakangiting nakakaloko

Gagawin ko ba?

Aish! Sige na nga para kay Bestfriend!

Unti-unti ko nang nilapit ang mukha ko sa mukha nya, lumapat na ang mga labi namin at nagCPR na ako

--------

Naomi's POV

Nagkaroon na ako ng malay, unti-unti kong minulat ang mga mata ko at nakita si Suho na hinahalikan ako

"Aaahh!!" sa sobrang gulat ko ay naitulak ko sya kaya muntik na syang mahulog sa pool

"Aray!"

"Sorry" lumapit ako sa kanya at inalalayan na tumayo

"Ikaw na nga tong tinulungan, nanulak ka pa!" galit na sya, ramdam na ramdam ko

"Sorry na! Nabigla lang naman ako ehh" sabi ko pero mukang hindi na nya ako narinig dahil bumalik na sya sa cottage

Bigla naman hinawakan ni Krystal ang balikat ko

"Pagpasensyahan mo na si kuya! May regla kasi! Hahahaha"

Nginitian ko na sya at bumalik na rin ako sa cottage

-------

6: 30 na at nag-aalisan na yung iba naming mga kaklase, anim na lang kaming naiwan dito, nakaupo ako ngayon sa gilid ng pool habang nasa tubig ang paa ko, yung iba naman ay nagpapalit pa ng damit s CR

"Ate Naomi!" sigaw ni Krystal na kakalabas lang ng CR habang papalapit sa akin

"Oh bakit Krystal?"

"Sasabay ka ba sa amin pauwi? Hatid ka na namin!" naupo sya sa tabi ko

"Wag na lang, galit pa ata sa akin kuya mo ehh" sumimangot sya bigla

"Oo nga pala, ikaw kasi tinulak mo pa si kuya! Gusto mo rin namang mahalikan ka nya!" hinampas ko sya bigla sa braso

"Nabigla lang naman kasi ako! Hindi ko naman alam na magagalit sya sa ginawa ko" pagpapaliwanag ko sa kanya

"Haiszxt sumabay ka na sa amin, ako ang bahala sayo!"

"Sus! Wag na, kaya ko naman umuwi mag-isa hindi na ako bata"

"Hindi pwede! Sumabay ka na sa amin ni Krystal!" rinig kong sabi ni Suho mula sa likod namin

"Kanina ka pa dyan kuya?"

"Hindi naman, kakalabas ko lang ng CR" napabuntong hininga naman si Krysyal

"Wag na Suho, may pera pa naman ako para sa pamasahe dito"

"Hindi nga kasi pwede! Gabi na, delikado para sayo ang mag-isa lalo na at babae ka" nagblush naman ako bigla sa sinabi nya kaya tumungo ako

"Si-sige na nga"

"Tara na Krystal! Naomi!" sabi ni Suho at naglakad na sya papunta sa parking lot kung saan nakapark ang kotse nya

"Yes sir!" sabi ni Krystal at nauna na syang pumasok sa loob ng kotse

Habang nasa byahe kami ay nakatulog na si Krystal, medyo malayo kasi yung resort kaya matagal pa bago kami makauwi

"Ahh, Suho?"

"Bakit Naomi?" medyo awkward ang atmosphere namin ngayon :/

"Sorry nga pala sa nagawa ko kanina, nabigla lang ako"

"Ok lang, I understand" medyo cold ang pagkakasabi nya nun, halatang galit parin sya

"Galit ka pa ehh" kinurot ko sya sa braso nya kaya nakiliti sya

"Ano ba?! Muntik na tuloy na tayong mabunggo!" nagpout ako bigla

"Sorry na kasii!" sabi ko with matching pacute pa at aegyo

"Aish! Sige na nga, kung hindi lang kita bestfriend matagal na kitang naipatapon sa pluto"

"Weh? Sa cute kong ito, maipapatapon mo ako sa pluto?"

"Ewan ko sayo! Basta sa susunod wag ka ng lalangoy sa malalim na pool! Sa kiddie pool ka na lang"

"Ano ako?! Bata?"

"Oo, yung height mo pangbata" ayy ganun?

"Eh di wow, nahiya naman ako sa height mo tol!"

"Hoy! Anubayan?! Ang ingay nyo! Natutulog yung tao ehh" sabi ni Krystal sa amin habang nakapikit parin ang mga mata

Nagkatinginan na lang kami ni Suho at tumawa

------

"Salamat sa paghatid ha? Pasok ka muna sa loob!" sabi ko kay Suho habang nasa labas parin kami ng bahay ko

"Wag na, kailangan ko ng umuwi, gabi na kasi saka strict na yaya ko may curfew na kami" Eh di wow, strict pala yaya nila

"Sure ka?"

"Oo"

"Sige good night na!" sabi ko pagkatapos ay hinalikan ko sya sa pisngi

Teka? Bakit ko ginawa yun?!

Ang tanga mo!

Ang tanga! Tanga mo Naomi!

"Para saan yun?" tanong nya habang nakahawak sa pisngi nya

"Aahh.. Wala lang, bakit? Masama na bang humalik sa pisngi ang bestfriend?"

"Hindi naman"

"Yun naman pala ehh! Sige umuwi ka na baka mahuli ka pa sa curfew nyo!" tinulak ko sya papasok sa kotse nya

"Sige, bye Naomi!"

"Bye Suho!"

-------

VOTE & COMMENT Please :)

-UaenaXOXO

Bestfriend! I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon