"Anong ginagawa mo dito Suzy?" tanong ko kay Suzy na nakatayo ngayon sa harapan ko, imbis na sagutin nya ang tanong ko ay ngumiti lang sya at akmang lalapit sa akin pero umatras ako
"Kung ipipilit mo lang ang sarili mo sa akin Suzy, wag mo nang ituloy dahil kahit anong gawin mo Si Naomi parin ang mamahalin ko" babalik na sana ako sa loob ng bigla nya akong niyakap ng napakahigpit sa likod
"Hindi ko hinihingi na mahalin mo ako katulad ng pagmamahal mo kay Naomi, ok lang sa akin kahit 20% lang ng pag-ibig at time mo" inalis ko ang kamay nya at humarap sa kanya
"Sorry pero hindi ko magagawa yun" tumulo ang luha nya pagkatapos kong sabihin yun, lumuhod sya sa harap ko at humawak sa paa ko
"Hindi ko kaya na wala ka sa buhay ko Suho" nararamdaman ko ang pagtulo ng mga luha nya sa paa ko
"Kaya mo, kakayanin mo mahahanap mo rin ang taong magmamahal sayo ng totoo" sabi ko sa kanya habang tinutulungan syang makatayo, bigla nya namang hinawakan ang pisngi ko at hinalikan ako ng marahas habang nakahawak sya sa dibdib ko
"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo Suzy?! Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi na kita mahal? Pagkatapos mo akong lokohin noon, hindi ka parin nahiya na magmakaawa sa akin na mahalin kita ulit" inalis ko yung kamay nya sa pisngi ko at itinulak ko sya ng mahina
"Oo na! Makapal na ang mukha ko, pero ginagawa ko lang 'to dahil mahal kita Suho" lumabas ng kwarto si yaya at Krystal, mukhang napalakas yata ang pag-uusap ni Suzy kaya narinig nila
Nagmadaling bumaba ng hagdan si Krystal nung makita nya si Suzy
"Anong ginagawa ng bruhang yan dito Kuya?" bulong nya sa akin, actually hindi talaga bulong ang ginawa nya dahil nilakasan nya ang pagkakasabi nya kaya narinig ito ni Suzy
"Excuse me, napakaganda ko para maging bruha!" sabi ni Suzy kay Krystal, medyo basag na ang boses nya dahil umiyak sya kanina
"Makakabuti kung umalis ka na Suzy" sabi ko sa kanya, pinunasan nya ang luha nya at naglakad papalabas pero bago pa sya makalabas ng gate ay humarap ulit sya sa amin
"Gagawin ko ang lahat, mahalin mo lang ulit ako"
***
Naomi's POV
"Sino yung tumawag sa'yo?" tanong sa akin ni Chorong habang naglalaro pa rin sya ng Clash Of Clans
"Uhh, si Hyeri" simple kong sagot sa kanya pagkatapos nun ay tumabi ulit ako kay Kuro na ngayon ay gising na
"Anong sinabi nya sa'yo? Bakit daw sya napatawag" dahil sa tanong ni Chorong ay naalala ko yung sinabi sa akin ni Hyeri sa akin kaya napailing naman ako
"Ahh wala, nangangamusta lang" sabi ko sa kanya habang nakangiti, ilang segundo syang tumingin sa akin bago sya nagsalita ulit
"Alam kong hindi totoo ang sinasabi mo Naomi, nakikita ko sa mga mata mo na nagsisinunangaling ka, pwede mo naman sabihin sa akin eh" sabi nya pagkatapos ay nagpout sya, tapos na rin pala syang maglaro ng Clash of Clans
"Sinabi nya sa akin na mahal na mahal ako ni Suho" medyo mahina ang tono ng pananalita ko nung sinabi ko 'yun
"Oh yun naman pala eh! Diba dapat masaya ka dahil finally nakaalis ka na sa 'Bestfriendzone'?" sabi nya pagkatapos ay hinawakan nya ako sa balikat ko, oo nga 'no? Bakit hindi pa ako masaya?
"Ewan ko" sabi ko pagkatapos ay nagshrug na lang ako
"Hys, kanina lang ang sigla sigla mo! Samantalang ngayon para kang nawalan ng lakas sa kinikilos mo" sabi nya sa akin at narinig ko syang bumuntong hininga
"Alam ko na! May pupuntahan tayo, sigurado akong magugustuhan mo dun" bigla nya akong hinila pababa ng kama at papunta sa closet ko, kasalukuyan na sya ngayong pumipili sa mga damit ko
"Ito ang isuot mo" sabi nya sabay abot sa akin ng isang white at plain na T-shirt at isang Maong shorts, nagmadali rin syang lumabas ng kwarto ko at pagbalik nya ay dala na nya ang yellow doll shoes ko na binigay sa akin ni Suho noon
Bigla syang napatingin sa doll shoes na hawak nya
"Geez, I'm sorry" lumabas ulit sya ng kwarto at pagbalik nya ay hawak na nya ang pink kong doll shoes na galing sa kanya
"Ok na 'to?" nagnod na lang ako bilang sagot sa tanong nya
Ang hyper ngayon ni Chorong, na sugar rush ba ang babaeng 'to?
"Teka, saan ba tayo pupunta chorong?" tanong ko sa kanya
"Secret, Hihi"
***
Guess what? Dinala ako ni Chorong sa Pink Panda Candy Shop, naglakad lang kami ni Chorong since malapit lang pala 'to sa bahay namin pero actually ngayon ko lang 'to napuntahan palibhasa kasi hindi ako mahilig maggala
Napapaligiran ako ngayon ng mga candies at chocolate, libre daw ni Chorong kaya susulitin ko na! Kumuha ako ng maraming kitkat at toblerone, kumuha rin ako ng marshmallows saka nerds
"Sure ka? Ililibre mo talaga ako? Ang dami pa naman ng kinuha ko" sabi ko kay Chorong nung nasa kalagitnaan na kami ng pila sa counter
"Oo nga! Ginagawa ko naman 'to para sumigla ka" Ginagawa nya 'to para sumigla ako? Hindi naman kaya...
"Baliw ka talaga! Gusto mo talaga akong masugar rush 'no?" tanong ko sa kanya pagkatapos ay hinampas ko sya ng mahina sa kaliwa nyang braso pero tinawanan lang nya ako
Nung kami na ang nasa counter nakita ko na napakalaki ng binayaran ni Chorong sa mga chocolate at candies ko, bigla tuloy akong nahiya sa kanya, ginagawa nya ba talaga 'to para sa akin? Ang bait nya naman
"Tara na Naomi" sabi nya sa akin nung natapos nang ayusin nung babae ang mga pinamili ko, hindi ko napansin si Chorong dahil nakatitig parin ako sa resibo na nakadikit dun sa plastic bag
"Hys, wag mo nang isipin yung binayaran ako, hindi mo naman kailangang bayarin yun eh!" sabi nya sa akin pagkatapos ay hinila nya ako papalabas ng candy shop, habang naglalalad kami ay may nakabunggo akong isang babaeng nakashades, busy kasi ako sa pagkain ng kitkat kaya hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko
"Sorry po Mis--" naputol ang sasabihin ko ng tanggalan nung babae yung shades nya
"Halika na Chorong, may bruha pala dito sa daan na 'to" maglalakad na sana kami papalayo ni Chorong ng biglang magsalita si Suzy
"Bruha na ako kung bruha, hindi naman ako katulad mo na nasa bestfriendzone pa rin" diniinan nya talaga at nilaksan ang pagkakasabi nya sa 'bestfriendzone', humarap ako sa kanya at tinignan ko sya mula ulo hanggang paa
"Excuse me? Ano nga ulit yung sinabi mo?" tanong ko sa kanya, si Chorong naman ay nakahawak ng mahigpit sa braso ko
"Ang sabi ko, hindi ka mahal ni Suho"
"At kailanman hinding hindi ka nya mamahalin"
****
VOTE & COMMENT Pleaseヾ(●⌒∇⌒●)ノ
-UaenaXOXO
BINABASA MO ANG
Bestfriend! I love you
RomancePara sayo ano ang LOVE? Love is like a rosary, full of mystery Love is blind Love is in the air Love is sacrifice at maraming pang iba... Maraming nasasaktan at nakakasakit dahil sa LOVE na yan Kung ikaw ang papipiliin.. Ang PUSO ba na nakakaramdam...