IKADALAWAMPU'T APAT NA KABANATA

386 15 1
                                    

"Krystal!" Tumakbo naman sya papalapit sa akin nung makita nya ako, nandito kami sa beach, gabi na madilim na sa labas, buti na lang at nagdala ako ng flashlight

"Anong gusto mong pag-usapan?" tanong ko sa kanya, pero bago sya magsalita ay hinila nya muna ako papunta sa isang cottage na malapit sa may pool

"Umm.. Gusto ko na kasi na magka-usap kayong dalawa ni Kuya" magsasalita na sana ng magsalita sya ulit

"Pero kung ayaw mo pa, ok lang naman sa akin" sabi nya sabay ngiti sa akin at hawak sa kamay ko, nasabi ko na ba sa inyo na laging sinasabi si akin ni Krystal ang mga ginagawa ni Suho nung 1 month na hindi kami nag-uusap at nagpapansinan sa school, gustong gusto nya na magkatuluyan kaming dalawa ng kuya kahit medyo malabo nang mangyari

"Sa totoo lang krystal, hindi ko parin alam kung paano ko sya kakausapin pagkatapos kong umamin sa kanya, saka dba may girlfriend na sya? Kaya siguro dapat ko na lang kalimutan itong nararamdaman ko" natawa naman sya bigla, mukha ba akong nakakatawa? Yung totoo?!

"Kaya ba ayaw mo na syang kausapin simula nung umamin ka sa kanya ay dahil may girlfriend na sya?" sabi nya habang nagpipigil ng tawa

"Umm.. Oo, isa na yun sa dahilan kung bakit, bakit ba?"

"Hahahahahaha! Dapat pala sinabi mo sa akin noon pa!" sabi nya sabay hawak sa balikat ko at tinitigan ako

"Wala talaga syang girlfriend Ate Naomi?" Ano daw? Tama ba ang narinig ko? Walang girlfriend si Suho? Pero ano yung narinig ko noon?

"Ha? Hindi nga? Eh ano yung mga narinig ko noon sa School?" tanong ko sa kanya

"Maupo ka ate Naomi, at ieexplain ko sayo ang lahat"

***

Suho's POV

"Hyeri! Nakita mo ba si Krystal?" tanong ko kay Hyeri na nakahiga sa kama nya at naglalaro ng COC, dun sya matutulog sa guest room namin

"Hindi ehh, baka naman nasa CR lang?"

"Wala sya dun eh, wala ba syang sinabi sayo kung saan sya pupunta?" tanong ko ulit sa kanya

"Wala eh, tignan mo sa labas baka nasa beach lang!"

"Hindi mo ba ako sasamahan?" tanong ko na naman sa kanya

"Hindi pwede, ikaw na lang! Busy pa ako dito" sabi nya pagkatapos ay pinagpatuloy na nya ang paglalaro ng COC sa cellphone nya, matanong ko kayo nakakaaddict ba talaga ang larong yun? Hindi kasi ako naglalaro nun ehh

"Ahh ok, sige laro ka lang dyan" sinarado ko na yung pinto ng guest room, lalabas ako ngayon ng bahay para hanapin si Krystal

Pagkalabas ko ng bahay, naramdaman ko agad ang malamig na simoy ng hangin, madilim na rin dahil gabi na, una kong tinignan kong nasa beach sya pero wala sya, asan kaya ang babaeng yun? Hindi kaya....

Ugh, wala naman siguro sya dun, naisipan kong puntahan ang pool baka nandun sya pero wala rin, baka nga nandun sya.. Haiszxt no choice na kundi puntahan ko sya dun

***

Naomi's POV

"Nagpapanggap lang sila ni Hyeri?!" medyo napalakas yata yung pagkakasabi ko nun kaya napataklob ako sa bibig ko, tulog na kasi sina Mama at Tita Grace, katapat pa naman sila ng room ko, kaya dapat hindi ako mag-ingay kung ayaw kong magising sila , nandito pala kami sa hotel, sobrang dilim na kasi sa labas kaya naisipan namin na dito na lang kami mag-usap

"Oo, gusto ni Hyeri na magkabalikan sila ni Sehun kaya humingi sya ng tulong kay kuya para pagselosin sina Suzy at Sehun" pagpapaliwanag nya sa akin

"Pero bakit hindi nya sinabi sa akin?"

"Yan ang hindi ko alam Ate Naomi.." napatingin sya bigla sa wristwatch nya tapos napatingin ulit sya sa akin

"Patay..." pagkasabi nya nun ay nagmadali na syang lumabas ng kwarto ko, sinubkan ko syang sundan kaso nakalabas na agad sya ng hotel, maliit naman kasi itong hotel kaya hindi na ako magtataka kung nakalabas sya agad

Ano kayang nangyayari sa babaeng yun?

***

Suho's POV

Kaya mo to Suho! Hindi naman kailangan na mag-usap kayo ehh, basta kailangan mo lang puntahan si Krystal sa loob at iuwi na sa bahay, napabuntong hininga muna ako bago ako naglakad papunta sa hotel nina Naomi

May nakita naman akong babae na nagtatakbo habang nakatingin sa cellphone nya at papunta sya sa direksyon ko, dahil sa lakas ng hangin ngayon dito ay natatakluban yung mukha nya ng buhok nya kaya hindi ko makita kung sino sya

Napatingin sya sa akin, teka si Krystal yun ah

"Krystal!" napatingin naman sya sa akin at napahinto sa pagtakbo

"Saan ka galing?" tanong ko sa kanya

"Umm.. Wala lang, gusto ko lang makaramdam ng malamig na simoy ng hangin" kilala ko itong kapatid ko mula ulo hanggang paa, kaya alam ko na nagsisinungaling lang sya

"Yung totoo? Alam na alam ko pag hindi ka nagsasabi ng totoo, kaya sabihin mo na kung saan ka talaga galing" napabuntong hininga sya bago magsalita

"Fine, galing ako kina Ate Naomi, ok na? Pwede bang umuwi na tayo?" bago pa ako makasagot ay nagglakad na sya pabalik ng bahay

Kinabukasan...

"Gising na!"

"Gising na kuya!"

"Ayaw mo talagang magising ha?"

*Pak*  *Pak*

"Aray!" nagising ako bigla dahil sa malakas na sampal ni Krystal, loko talaga to, pwede naman akong gisingin ng maayos ehh

"Bakit mo ba ako sinampal? Pwede mo naman akong gisingin ng maayos ah?" tanong ko sa kanya habang nakahawak parin sa pisngi ko na pulang pula na dahil sa sobrang lakas ng pagkakasampal nya

"Pasensya na! Ayaw mo kasing magising eh, kanina pa kita ginigising"

"Eh ano bang oras na?" tanong ko sa kanya

"10: 30 na kuya! Umalis si yaya, kaya wala pang nagluluto ng breakfast" Sabi nya habang hinihimas ang tyan nya

Teka..

Sh*t, 10: 30 na? Nagmadali na akong bumangon sa kama at inayos ito, pagkatapos ay dumiretso na agad ako sa kusina para magluto, kailangan matapos ko agad ito, marami pa akong gustong gawin ngayong araw

Naomi's POV

*Splash* *Splash*

Maaga palang ay lumabas na kami ng hotel at nagpunta sa may beach habang naiwan naman sa hotel sina Mama, Tita Grace, Chorong, lolo at lola , sabi kasi ni mama na sulitin na namin ang 1 week namin dito sa resort. Marami ding pwedeng gawin dito, tulad ng surfing na gustong subukan ngayon ni Jonghyun

Maganda yung beach dito, sobrang linaw ng tubig kaya kitang kita mo ang mga maliliit na coral reefs at mga isda

Bigla namang napahinto sina April, May at June sa pagtatampisaw sa tubig at napatingin sa akin

"Ahh Naomi, magcCR muna kami ha? Maiwan muna namin kayo dyan" kami? Sinong kami? Tinignan ko sa likod kung may tao ba at nakita ko sya

"Umm.. Hi? Kamusta ka na Naomi?"

***

Hello! HAHAHAHAHA sa wakas bakasyon na! Hooray! Sana magustuhan nyo yung Update :))

VOTE & COMMENT Please \(^-^)/

-UaenaXOXO


Bestfriend! I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon