IKALABING WALONG KABANATA

454 18 1
                                    

Monday na naman, ibig sabihin kailangan ko na namang gumising ng maaga para pumasok sa school lalo na ngayon hindi ako pwedeng malate kailangan kong bumawi sa grades ko

"Kumain ka na! Luto na ang pagkain mo, bilisan mo na ang pagbibihis mo!" sigaw ni mama mula sa kusina

"Opo!" sabi ko habang nagmamake-up

Pagkatapos kong mag-ayos ng gamit ay bumaba na rin agad ako

"Wow! Ang sarap ng ulam ahh" sabi ko kay mama nung nakita ko ang niluto nya

Bacon, hotdog at egg

"Wow ka dyan! Bilisan mo nang kumain dahil malapit ka ng malate!" napatingin ako sa wristwatch ko at tama nga si mama, malelate na ako

Habang ako ay kumakain, may biglang kumatok sa pinto binuksan naman agad ni kuya ito

"Ikaw pala Suho! Anong ginagawa mo dito?" tanong ni mama sa kanya

"Ahh, susunduin ko po sana si Naomi, pwede po ba?" napatingin sa akin bigla sa mama

"Sige Suho, saka baka malate pa tong si Naomi pag nagcommute pa"

"Hahahaha, actually late na po sya, nagtext na po sa akin si Jonghyun, mag-uumpisa na daw po yung klase namin" nanlaki ang mga mata ni mama at lumapit sa akin

"Yan na nga ba ang sinasabi ko ehh! Tumayo ka na dyan! Late ka na!" sabay hampas sa mga braso ko

Bakit parang naging sobrang maabuso na sa akin si mama ngayon? =___=

Hindi naman sya ganyan dati

Tumayo na ako agad at kinuha ang isang hotdog, kakainin ko ito sa byahe huehuez

"Hoy! Ibalik mo yang hotdog! Yan na yung last ehh" rinig kong sigaw ni Kuya nung papasok na ako ng kotse ni Suho

"Wag mo nang pansinin yun! Tara na, malelate na ako" sabi ko kay Suho sabay pasok na sa loob ng kotse

Pinaandar na ni Suho yung kotse, nakita ko naman si Kuya na lumabas ng bahay at sinubukang habulin ang kotse ni Suho

"Akin na yung hotdog ko!!!" muntanga lang si Kuya, pinagtitinginan na sya ng mga kapitbahay namin dahil sa ginagawa nya

Natatawa na talaga ako, hahahahaha

--------

"Ok Class dismiss" hayszxt sa wakas recess na rin, ang favorite kong subject Huehuez

"Naomi! Kakain ka?!" lumapit sa akin si April at nagtanong

"Of course, favorite ko yatang subject ang recess!" sabi ko pagkatapos ay nakipaghigh five sa kanya

"Ahh, kaya pala nawala ka sa top 10 kasi recess pala favorite mong subject" sabi ng isang palaka sa likod ko

"Hahahaha, atleast ako nalaglag lang sa top, ehh ikaw? Kamusta naman ang 70 na average mo?" nagulat sya sa sinabi ko at nagwalk-out na lang, hahahaha

"Kain na tayo?"

"Tara na!"

---------

Pagkatapos naming kumain nina April, May at June dumiretso na agad ako sa room, may assignment pa akong tatapusin Huehuez nakatulog na kasi ako kagabi nung ginagawa ko yun

"Naomi! Tapusin mo na agad yan!" pumasok si June ng room na hingal na hingal

"Bakit?"

"Paparating na si Ma'am K" Ma'am K or Ma'am Kagandahan, mas tinatawag lang syang Ma'am K kasi hindi bagay sa mukha nya yung surname nya, teacher nam

"Huh? Shit" nagpanic ako bigla, sana kanina ko pa tapos to kung nandito lang si Suho, busy kasi sya ngayon, tatakbo syang student council president 2 ang kalaban nya

Huli na ang lahat, pumasok na ng room si Ma'am K

"Good Morning class, pass your assignments now!" nagtayuan lahat ng mga kaklase ko at nagpasa ng mga notebook nila, ako lang yata ang walang assignment T^T

"Naomi! Asan ang assignment mo?! Bakit hindi ka nagpasa ng notebook mo?" tanong nya sa akin, kinakabahan na ako

"Kinain po ng aso ko" palusot ko na nakuha ko sa palusot.com.ph

"Anong klaseng dahilan yan?! Be honest Naomi, hindi naman ako nangangain ng hindi gumagawa ng assignment"

Napakamot bigla ako sa ulo ko

"Ganyan naman kayo Ma'am ehh! Lagi nyo nalang akong hindi pinaniniwalaan, ganyan ba talaga kayo kagalit sa akin? Alam ko na ang lahat! Ako ang tunay nyong anak! Pinaampon nyo lang ako dahil anak nyo ako sa kalandian nyo noon!" bigla naman akong tinaasan ng kilay ni Ma'am

"Anong pinagsasabi mo?" shit, ano nga bang pinagsasabi ko?

"Huehue, sorry Ma'am linya ko pala yun sa play namin mamaya sa Filipino, Sorry pooo" /Chichay's Tone/ sorry na nadala lang ako sa eksena namin

"Haiszxt, maupo ka na nga lang Naomi" napafacepalm naman sya, Huehuez

Suho's POV

Andito ako ngayon sa Student Council room kasama si Sir Berting

Habang inaantay ko yung mga magiging kalaban ko sa President ng Student Council ay naglalaro ko muna ang aking bird....

Si Flappy bird!

Bigla namang may kumatok sa pinto, kaya tinignan ni Sir kung sino yun

"Nandito na sila, pumasok na kayo" sabi ni Sir Berting

Pumasok na sa loob ang mga makakalaban ko, yung isa ay babae na maputi at straight ang buhok yung isa naman ay lalaking matangkad at malaki ang tenga

Kahuli-hulihan na pumasok ay si..

Suzy

"Suho, sila nga pala ang makakalaban mo, si Bang Minah, Park Chanyeol at Bae Suzy"

Nakipagkamay ako kina Chanyeol at Mina at nginitian

Hindi kami nagpansinan ni Suzy, ang awkward ng atmosphere namin ngayon dito sa room

Mukhang mahihirapan akong manalo pag sila ang kalaban ko...

-------

VOTE & COMMENT Please :)

-UaenaXOXO


Bestfriend! I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon