3rd person's POV
"Ano ba talagang nangyari?" Tanong ni Suho kay Suzy
"Nagbreak na kami ni Sehun kagabi.." biglang nakaramdam ng saya si Suho dahil tagumpay ang plano ni Hyeri at hindi na nila kailangan magpanggap
"Tapos?"
"Sinubukan ko syang hanapin kung saan-saan pero hindi ko sya makita" nag-umpisa ng tumulo ang mga luha ni Suzy habang nagsasalita
"Inabot na kami ng gabi sa paghahanap sa kanya, habang pauwi kami nabangga kami ng isang truck" hinawakan ni Suho ang balikat ni Suzy at niyakap
"Iiyak mo na lahat para maubos na lahat ng luha mo" biro ni Suho kay Suzy
"Haha, bitawan mo na ako, ok na" sabi ni Suzy kaya naupo na lang ulit si Suho, bigla namang may pumasok sa isip ni Suho
'Bakit kaya sila nagbreak?' Tanong ni Suho sa isip nya
"Suzy"
"Hmm, bakit?"
'Itatanong ko ba talaga sa kanya?' Tanong ulit ni Suho sa sarili nya
"Bakit pala kayo nagbreak?" Tanong ni Suho kay Suzy, bigla namang natahimik si Suzy dahil dun
"Ah, ok lang kahit mo saguti--" naputol ang sasabihin ni Suho ng biglang magsalita si Suzy
"Nagbreak kami dahil narealize ko na mahal pa kita"
***
Naomi's POV
"Hep hep! Saan ka galing?" Tanong sa akin ni June nung pagkadating ko sa Hotel
"Wala" sabi ko habang naglalakad papunta sa room ko, bigla nya akong hinawakan sa braso kaya naphinto ako sa paglalakad
"Yung totoo?" pinaharap nya ako sa kanya saka tinitigan ako ng mabuti
"Malungkot ata ang mukha mo, anong nangyari?" Tanong nya sa akin
Sasabihin ko ba sa kanya? Hindi naman sa hindi ko sya pinagtitiwalaan ng mga secrets ko, kay Jonghyun lang kasi ako naglalabas ng lungkot
"Ahh Ano kasi--" naputol ang sasabihin ko ng bigalng dumating si Jonghyun at nagsalita
"Naubusan kasi yan kanina ng paborito nyang magazine, hindi kasi bumibili agad" sabi ni Jonghyun kay June
"Tumahimik ka nga Jonghyun! Hindi ikaw ang tinatanong ko!" sabi ni June kay Jonghyun pagkatapos ay pinaghahampas si Jonghyun sa braso
Ang sweet talaga tignan ng dalawang 'to, naalala ko tuloy yung sinabi sa akin ni June noon
Flashback
"June! Anong ginagawa mo dyan?" tanong ko kay June nung nakita ko sya na nasa tapat ng locker ni Jonghyun
"Ah, wala! Hehe" napansin ko na may hawak sya pero tinatago nya
"Ano yang hawak mo?" Pawis na pawis na sya at mukhang kinakabahan
"Wa-wala, tara pu-punta na tayo sa room, huehue" bigla ko naman hinawakan ang mga braso nya at tinignan ko kung ano ang hawak nya
"Chocolate? Letter? Anong gagawin mo sa dalawang 'to?" Tanong ko sa kanya
Teka, nasa tapat sya ng locker ni jonghyun at may hawak na chocolate at letter, hmm
"May gusto ka kay Jonghyun no?!" medyo napalakas yata ang pagkakasabi ko nun kaya biglang tinakluban ni June ang bibig ko
BINABASA MO ANG
Bestfriend! I love you
RomancePara sayo ano ang LOVE? Love is like a rosary, full of mystery Love is blind Love is in the air Love is sacrifice at maraming pang iba... Maraming nasasaktan at nakakasakit dahil sa LOVE na yan Kung ikaw ang papipiliin.. Ang PUSO ba na nakakaramdam...