IKALABING LIMANG KABANATA

403 16 3
                                    

Naomi's POV

"Ano to?!" tanong sa akin ni mama nung nakita yung card ko

Ilang araw na pala ang lumipas simula nung nakauwi kami mula sa baguio, napangiti ako nung naalala ko yung nangyari sa amin ni Suho dun, napag-usapan na rin namin yung nangyari sa amin

Flashback

"Uy! Naomi!" tinignan ko kung sino yung tumawag sa akin at nakita ko yung mukha ni Suho

"Bakit?"

"Ahh.. Yung nangyari sa atin sa baguio.. Yung sa mistletoe" medyo nag-init yung pisngi ko dahil sa sinabi nya

"Tapos?"

tumingin sya sa sahig tapos nagsalita ulit

"Sorry, nadala lang ako yung mistletoe naman kasi ehh" sabi nya sabay kamot sa ulo nya

"Ok lang yun"

"Talaga?"

"Oo"

End of  flashback

"Aba! Ngumingiti ka pa dyan?!" sabi ni mama at hinampas sa akin yung card ko, isa lang naman bagsak ko ehh, bakit ang OA nya? T^T

"Sorry na kasi, promise babawi ako ngayon"

"Ewan ko sayo, simula ngayon grounded ka na at aalisin ko na ang wifi natin para makapagfocus ka sa pag-aaral mo!"

Ok lang kung grounded lang ako, pero yung tanggalin yung Wifi. Huhu

"Wag na ma! Parang awa mo na"

*Ding dong*

Hindi ako pinansin ni mama at lumabas para tignan kung sino yung nagdoorbell

"Naomi! May bisita ka!" agad akong lumabas at pumunta sa gate, nakita ko si Suho na nakasando lang at shorts kasama nya si Krystal, may hawak syang plastic bag na puno ng marshmallows

"Bakit ka nandito Suho?"

"Mag-oouting kami, tapos na naman ang examination kaya pwede na, sasama ka ba?" tumingin ako kay mama tapos tumingin ulit kay Suho

Binalik ko ang tingin ko kay mama at nagpuppy eyes

"Pwede ba akong sumama? Puhlease"

Tinitigan ako ni mama

"Sige hindi ka na grounded pero aalisin ko parin ang wifi natin tsaka dapat bago mag10 nakau--" hindi ko na sya pinatapos magsalita dahil niyakap ko sya ng napakahigpit

"Yehey! Thank you ma"

-------

Pagdating namin sa resort, nakita ko sina Jonghyun, April, May, June at iba pa naming mga kaklase, meron ding ibang tao na nagswiswimming na hindi ko kilala

"Wooh!" Napatingin ako kay April na napasigaw habang nagsaslide

"Huy! Magswiswimming ka ba o hindi?" tanong ni Suho sabay hinubad ang sando nya at tumakbo papuntang pool

Kinuha ko yung sando nya at inamoy

Shet. Ang bango

"Huli ka! Bakit mo inaamoy ang sando ng kuya ko?!" hindi ko napansin na nasa likod ko pala si Krystal

"Wa-wala lang, ang baho nga ehh, yuck!" binigay ko sa kanya yung sando tapos nagpunta na ako sa gilid ng pool

Naupo muna ako dun at inilagay ang papa ko sa tubig

Bigla namang may humawak sa paa ko at hinila ako papunta sa tubig

"Shit!" pinaghahampas ko yung humila sa akin

"Ayy sorry miss, akala ko ikaw yung kuya ko" WTF?! Mukha ba akong lalaki?

Nubayan, mamaya pa sana ako lalangoy ehh =__=

"Hoy! Naomi! Dito ka! Wag ka dyan sa pambata!" sigaw ni Suho sa akin, napansin ko na pambata nga ang pool na ito

Umahon ako at papunta na sa kabilang pool, nung nasa gilid na ako ng pool ay may biglang tumulak sa akin kaya natumba ako papunta sa pool buti na lang nasalo ako ni Suho

Nagkatitigan kaming dalawa

"Ok ka lang?" nagnod na lang ako

"Ibaba mo na ako" sabi tapos binaba na nya ako

-------

"Ate Naomi!" nakaupo ako sa loob ng cottage ng bigla akong tawagin ni Krystal, agad naman akong lumapit sa kanya

"Bakit?"

"Umamin ka nga" bulong nya sa akin

"Ano naman ang aaminin ko?!"

"Sus, kunwari ka pa Ate Naomi" sabi nya

"Ano nga kasi?!" nilapit nya yung bibig sa tenga ko at bumulong

"May gusto ka ba kay Kuya Suho?'" nag-init bigla yung mga pisngi ko

"Wala no! Magbestfriend lang kami, nukaba" pupunta na sana ako ulit sa pool ng bigla nyang hawakan ang braso ko

"Weh? Yung totoo?!"

"Aish! Oo na! May gusto ako sa kuya mo!" sabi ko sa kanya

"Anong sabi mo? May gusto ka sa akin?" Shit. Si Suho, mukhang napalakas yata yung pagkakasabi ko dun

-------

Sorry na kung maikli, busy lang sa school si Author :)

VOTE & COMMENT Please :)

-UaenaXOXO


Bestfriend! I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon