IKATATLUMPU'T WALONG KABANATA

194 9 0
                                    

Layuan mo si Suho

Kung ayaw mong may mangyaring masama sa'yo

"Uy! Kanina pa tulala ah, ok ka lang?" pinisil ako ng mahina ni Suho kaya bigla akong napatingin sa kanya. Hanggang ngayon hindi ko parin maalis sa isip ko yung message ni Nightmare sa akin kahapon

"O-oo, ok lang ako napagod lang ako sa ginawa naming activity kanina" Alam kong nagtataka na sila kasi nawawala ako sa sarili ko dahil sa kakaisip kung sino ba ang Nightmare na yun, magkahalong kaba at takot ang nararamdaman ko ngayon

Baka isa sya sa mga classmates ko, o kaya nag-aaral rin sya dito sa school na 'to

Nandito ako ngayon sa canteen kasama sina Jonghyun, Suho, Chorong at sina April, May at June. Recess time na kasi namin

"Kanina pa sya ganyan Suho, kanina pang umaga" sabi ni Jonghyun kay Suho pagkatapos ay kumagat sya sa burger na hawak nya

"Ano ba kasing nangyayari sa'yo Naomi? May sakit ka ba?" tanong ni May sa akin

"Ok lang ako guys, promise wag na kayong mag-alala" sabi ko sa kanila pagkatapos ay ngumiti na lang ako

Pagkatapos ng recess time namin, nauna ng pumunta sa room sina Jonghyun at Chorong. Sinabi ko sa kanila na pupunta lang ako sa CR

Nung nakarating na ako sa CR agad kong binuksan ang facebook account ko at viniew ko ang profile nung Nightmare, sinubukan kong maghanap ng info tungkol sa kanya pero nakaprivate ang account nya at kakagawa lang nito nung July 13

Pinaghandaan nya talaga 'to para hindi ko sya makilala

Chineck ko na rin ang messages ko, nagmessage ulit sya at nagsend ng isang picture

Nightmare: Alam ko kung nasaan ka.

Bigla kong nabitawan yung cellphone ko nung narealize ko na picture pala namin ito kanina habang kumakain sa canteen

"Tigilan mo na ako!" napasigaw ako sa takot

Bigla namang may humawak sa balikat ko

"Ok ka lang miss?" tanong sa akin ng isang babae na kakalabas lang ng cubicle

"O-oo, ok lang ako" agad kong kinuha yung bag ko at nagmadaling lumabas ng CR, papunta na ako sa room namin

Sino ka ba talaga Nightmare?

***

Sinusubukang kong magfocus sa klase namin pero hindi ko talaga maalis sa isip ko si Nightmare kaya tuwing natatawag ang pangalan ko o kaya namin tinanong ako ng teacher namin about sa lesson ay hindi ako nakakasagot

Kanina pa din ako tinatanong nina Jonghyun at Chorong kung ok lang ba talaga ako, syempre iisa lang ang isasagot ko sa kanila. Yun ay ang sabihing ok lang ako

"Saan mo gustong pumunta Naomi?" tanong sa akin ni Suho nung pagkalabas ko ng room namin, tapos na kasi ang klase namin

"Pwede bang bukas na lang natin ituloy yung date natin? Masama kasi pakiramdam ko" biglang nawala ang ngiti sa mukha nya pagkasabi ko nun

"Wag ka nang malungkot, masama talaga kasi ang pakiramdam ko ngayon sorry talaga" sabi ko sa kanya pagkatapos ay tumingin ako sa sahig.

Ang hirap pa lang magsinungaling sa taong mahal mo.

"Sige na nga, basta pagaling ka ha? Gusto mo hatid na kita?" hinawakan nya ang chin ko at itinaas ito pagkatapos ay ngumiti na ulit sya

"Naku, wag na lang Suho meron namang naghahatid at nagsusundo sa amin ni Chorong, umuwi ka na lang din ng maaga" sabi ko sa kanya pagkatapos ay ngumiti ako sa kanya

Bestfriend! I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon