Suho's POV
Nagising nalang ako na katabi ko si Naomi. Anong ginagawa nya dito? Bumangon na ako sa kama ko at napansin na nagising narin si Naomi
"Oh Naomi! Mabuti nagising ka na! Bakit ka ba nandito?"
"Pinuntahan kita dito dahil nag aalala ako sayo, ilang araw ka nang hindi pumapasok ahh" bumangon na rin sya at naupo sa kama ko
"Hindi mo naman kailangan pumunta dito. Ok lang naman ako" napatayo sya bigla
"Anong ok lang?! Naabutan kita ditong naglalasing?! Tapos sasabihin mo na ok ka lang?"
"Pwede ba Naomi! Umuwi ka muna! Gusto kong mapag isa" padabog naman syang lumabas ng kwarto ko
"Bahala ka na nga sa buhay mo!" sigaw nya mula sa labas
------
Naomi's POV
Pagkauwi ko sa bahay namon ay agad akong sinalubong ni Jonghyun. Anong ginagawa nya dito?
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya
"Hindi ka kasi pumasok kahapon, kaya naisipan kong puntahan ka dito, ano bang problema?"
"Mahabang storya"
"Makikinig ako kahit gaano pa kahaba yan.."
------
"So.. Mahal mo na sya?" tanong sa akin ni Jonghyun
Nagnod nalang ako
"Ahh.."
"Umm.. Jonghyun"
"Bakit?"
"Sorry dahil hindi ko masusuklian ang pagmamahal mo, hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sayo.." nginitian ko naman sya
"Ok lang yun. Basta tatandaan mo! Pag sinaktan ka nya, andito lang ako" hinampas ko sya sa braso dahil sa sinabi nya
"Aray!"
"Osige, pag sinaktan nya ako, sasabihin ko agad sayo" tumayo na ako sa sofa
"Kain tayo! Nagbreakfast ka na ba?"
"Hindi pa ehh. Sige ba! Ano ba ulam nyo?" tumayo na rin sya at sinabayan ako sa paglalakad paountan
"Tapsilog. Teka hindi ka ba papasok?"
"Oo ehh.. Ikaw?"
"Hindi rin"
"Hahahaha" natawa nalang sya sa akin
------
Suho's POV
"Umm.. Andyan po ba si Suzy?" pagkaalis ni Naomi sa bahay ko agad kong pinuntahan si Suzy sa bahay nya
"Opo sir. Pasok po kayo" mabuti nalang pinapasok ako ng katulong nila
"Asan sya?" tanong ko nung pagkapasok ko sa loob
"Wait lang po, pupuntahan ko po si Ma'am sa kwarto nya" bago pa man makapunta yung katulong sa kwarto ni Suzy ay nakalabas na sya ng kwarto
"Suho! Anong ginagawa mo dito?"
"Suzy! Mahal parin kita! Gagawin ko ang---" napatigil ako sa pagsasalita ng biglang lumabas ng kwarto nya yung pinalit nya sa akin
"Anong ginagawa ng lalaking yan dito?!" bumaba ng hagdan si Suzy kasama yung lalaki nya
"Anong pakialam mo? BREAK na tayo Suho!" lumapit ako sa kanya pero hinarangan ako nung lalaki nya
"Pare! Break na kayo! Kaya pwede tantanan mo na sya?" sinuntok ko naman sya sa mukha kaya natumba sya sa sahig, agad naman syang nilapitan ni Suzy
"Ano ba?! Bakit mo sinuntok si Sehun?"
"Sehun? Sehun pala ang pangalan ng gagong pinalit mo sa akin" tumayo si Suzy at sinampal ako
"Umalis ka na! Umalis ka na sa bahay ko, baka kung ano pa ang magawa ko sayo!! ALIS NA!"
"Bago ako umalis, gusto ko lang sabihin sayo na.. Mahal na mahal parin kita" pagkatapos kong sabihin yun ay agad na akong lumabas ng bahay nila
------
Hello! Sorry kung maikli yung UD ko! Haha
VOTE & COMMENT Please :)
- UaenaXOXO
BINABASA MO ANG
Bestfriend! I love you
RomancePara sayo ano ang LOVE? Love is like a rosary, full of mystery Love is blind Love is in the air Love is sacrifice at maraming pang iba... Maraming nasasaktan at nakakasakit dahil sa LOVE na yan Kung ikaw ang papipiliin.. Ang PUSO ba na nakakaramdam...