1 Month After...
"Naomi!"
"Naomi!!" nagising ako dahil sa sigaw ni mama, haiszxt sumigaw ba naman ng pabulong, gets nyo?
"Maaga pa ma ehh! Bakit ba?!"
"Nakalimutan mo na ba?" sabi nya habang nakapameywang
"Ano bang meron ma?"
Napabuntong hininga sya
"50th Anniversary na ng lolo at lola mo! Kaya pupunta sila dito para magcelebrate, nirent nila ang isang resort for 1 week"
Teka..
50th Anniversary?
Resort?
1 week?
Awesome!
Napatayo ako bigla
"Ngayon na ba sila dadating?" tanong ko agad kay mama
"Oo, pwede kang magsama ng friends mo dun kaso.."
"Kaso ano?" yumuko si mama saglit pagkatapos ay tinignan ako
"Resort ni Suho yung nirent nila.." Resort ni Suho?
Napabuntong hininga ako at lumapit kay mama
"Ok lang ma, nakamove-on na naman ako" sabay ngiti sa kanya
"Sure ka?" nagnod na lang ako kahit alam ko sa sarili ko na
May feelings parin ako sa kanya
----------
After 1 hour, nakadating na sa bahay si Chorong dala na rin nya ang mga gamit nya
"Anong oras po dadating sina lolo at lola?" tanong ni Chorong kay mama
Bigla namang lumapit sa akin si Joonmyeun, ay este si Marshmallow, pinalitan ko na sya ng pangalan, naglalambing sya sa akin ngayon
Binuhat ko sya at yakap-yakap ko na ngayon
"Hindi ko alam ehh, basta dun na daw sa resort magkikita-kita" sabi ni mama habang inaayos ang mga dadalhin namin
Sakto namang pumasok sa loob sina Jonghyun, April, May at June
"Paano kaya nakapasok?! Nakalock ang gate ahh!" tanong ni mama sa kanila
"Ahh, hindi po nakalock ehh, naiwan nyong bukas" sagot ni Jonghyun
Natawa naman si Chorong, si mama talaga makakalimutin na
Pagkatapos mag-ayos ni mama ng mga gamit namin ay sakto namang dumating na si Tita grace, ang nanay ni Chorong kaya sabay-sabay na kaming umalis sa bahay, sakay kami sa kotse ni Tita Grace
Mabuti naman at tahimik si Jonghyun pati ang tatlong baliw sa byahe, marunong din pala silang mahiya hahahaha
45 minutes lang ang naging byahe namin, medyo malapit lang kasi yung resort.. Ni Suho
"Asan na daw sila?" tanong ni Tita Grace kay mama na tinatawagan si Lola, on the way palang kasi sila
"Ewan ko, hindi pa nila sinasagot ang tawag ko" sagot naman ni mama
Andito pa nga pala kami sa labas ng resort, ayaw pa kaming papasukan ng guard, ayaw kasi nilang maniwala na kasama kami sa nagrent ng resort! Kaya heto nakaupo ako sa ilalim ng puno ang init kasi ng sinag ng araw
"Cannot be reached sila ehh" sabi ni mama kay Tita Grace
"Ugh, no choice tayo kung hindi maghintay dito" sabi ni Tita Grace sabay buntong hininga
BINABASA MO ANG
Bestfriend! I love you
RomancePara sayo ano ang LOVE? Love is like a rosary, full of mystery Love is blind Love is in the air Love is sacrifice at maraming pang iba... Maraming nasasaktan at nakakasakit dahil sa LOVE na yan Kung ikaw ang papipiliin.. Ang PUSO ba na nakakaramdam...