Kanina pa ako nandito sa park, hinihintay ko ang text nung makikipagkita sa akin, wala akong idea kung babae o lalaki ba sya
To: 0915*******
Nandito na ako sa park, Anong suot mong damit?
Ilang minuto lang ay nagreply din sya
From: 0915*******
Nakablue akong T-shirt at nakapantalon, nakashades din ako
Tumingin ako sa paligid ko kung may naka T-shirt na blue, nakapantalon at nakashades dito. Meron akong nakitang babae na nasa 40s na ang edad, siguro naman sya na 'to
Lumapit ako sa kanya at inapproach ko sya
"Hello! Anong pag-uusapan natin Miss?" tanong ko sa kanya, tinanggal nya yung shades nya at tinignan ako mula ulo hanggang paa
"Ang galing talagang pumili ni Mr. L, pwedeng pwede ka na iha, kailan mo gustong magsimula?" Huh? Anong pinagsasabi nito?
"Ano pong sinasabi nyo?" tumawa sya ng mahina
"Hindi mo ba talaga alam kung anong gagawin mo? Pinili ka ni Mr. L para magtrabaho sa bar ko bilang---" bago pa nya ituloy ang sasabihin nya ay tumakbo na ako papalayo hanggang sa malayong malayo na ako sa babaeng yun
Nagring naman yung cellphone ko at nakita kong may nagtext sa akin
From: 0915*******
Para hindi ka mahirapan na hanapin ako dahil baka may kapareho ako ng damit, lalaki nga pala ako
Napanganga ako sa nabasa ko, ibig sabihin hindi pala sya yung babae kanina? Hys
Tumingin ako ulit sa paligid ko, may nakita akong nakablue na T-shirt pero nasa 80s naman ang edad nya, siguro naman hindi ganun katanda yung kakausapin ko no?
Mayroon din akong nakitang bata na nakablue na T-shirt, napakabata naman nito. Bakit ba kasi ang dami ng nakablue na T-shirt, nakapantalon at nakashades ngayong araw?
Nakakairita ha.
From: 0915*******
Nandito ako malapit sa nagtitinda ng Ice Cream, oh yan sinabi ko na sana makita mo na 'ko
Muli akong tumingin sa paligid ko, merong akong nakitang Ice Cream vendor sa may kaliwa ko kaya agad akong lumapit dun, sa tapat nung Ice Cream Vendor ay may nakaupong lalaki sa bench..
Dug dug
Dug dug
"Suho? Ikaw ba 'yan" unti-unti nyang tinanggal ang shades nya at nakita ko ang pogi nyang mukha
Oops kalimutan nyo na sinabi ko na pogi ang mukha nya. Hindi sya pogi, tandaan nyo yan
Maglalakad na sana ako papalayo pero bigla nyang hinawakan ang braso ako at pinaupo din sa bench
"Mag-usap muna tayo, please?" sinabi nya yun habang nakatitig sa mga mata ko
"Sige na nga, ano bang pag-uusapan natin?!" napangiti naman sya nun at bigla akong niyakap
Pakshet.
***
"Mahal kita Naomi" natahimik ako bigla sa sinabi nya, inalis ko ang pagkakayakap nya sa'kin
"Wag mong paglaruan ang damdamin ko Suho" Sabi ko sa kanya pagkatapos ay umiwas ako sa tingin nya
"Akala mo ba pinaglalaruan lang kita? Mahal kita Naomi, mahal na mahal" Bakit nga ba? Bakit ba ayaw kong maniwala sa sinasabi nya?
BINABASA MO ANG
Bestfriend! I love you
RomancePara sayo ano ang LOVE? Love is like a rosary, full of mystery Love is blind Love is in the air Love is sacrifice at maraming pang iba... Maraming nasasaktan at nakakasakit dahil sa LOVE na yan Kung ikaw ang papipiliin.. Ang PUSO ba na nakakaramdam...