"Problema? Wala akong problema Suho" pagtanggi ko kay Suho
"Masama ang magsinungaling Naomi" sabi nya habang nakatingin dun sa fishball na niluluto ni Manong. Biglang naging seryoso ang boses nya
Shit. Hindi talaga ako makapagsinungaling sa lakaking 'to
"Oo na, may problema nga ako pero wag kang mag-alala hindi naman mabigat yung problema ko" sabi ko sa kanya pagkatapos ay nginitian ko sya
"Hindi na kita pipilitin kung ayaw mong sabihin sa akin ang problema mo, basta gusto kong tandaan mo na nandito lang ako kahit ano mang mangyari" sabi nya sa akin pagkatapos ay ngumiti rin sya
Bigla namang nagring yung cellphone nya kaya agad nya itong kinuha mula sa bulsa nya.
"Hello? Kasama ko si Naomi ngayon, anong kailangan mo?" sa tono ng pananalita at sa pamamaraan ng pakikipag-usap ni Suho ay nalaman ko kung sino yung tumawag sa kanya, Si Krystal ang kapatid nya
"Ok sige, pupunta na ako dyan" Pagkatapos nun ay binaba na nya yung cellphone nya at inilagay ulit ito sa bulsa nya
"Anong pinag-usapan nyo ni Krystal?" tanong ko sa kanya, tumingin sya ng diretso sa mga mata na para bang may sinasabi pagkatapos ay bigla nya akong hinawakan sa magkabilang braso ko
"Uuwi na si Kuya Siwon mula sa USA!" sigaw nya pagkatapos ay nagtatalon sya habang yakap-yakap ako
"Hindi nga?" naalala ko tuloy nung unang beses kong nakita yung kuya nya sa Skype noon
Flashback ゚*☆*゚*★
Nagmamadali akong hinila ni Suho paakyat ng hagdan hanggang sa loob ng kwarto nya
"Ano ba kasi yung ipapakita mo sa akin?" naiiritang tanong ko sa kanya. Tumawag kasi sya ng alas tres ng umaga para lang papuntahin ako dito. Tumakas nga lang ako sa bahay dahil paniguradong hindi nila ako papayagang umalis ng bahay ng ganito kaaga, sa sobra ko ngang pagmamadaling makapunta dito ay hindi na ako nakapagpalit ng maayos na damit, suot-suot ko pa rin ang yellow kong boxer saka nakasando lang ako
Mabuti na lang at walang rapist ng ganito kaaga
"Secret" sabi nya with matching labas dila pa.
"Siguraduhin mo lang na importante yan, kundi babatukan talaga kita" hindi nya pinansin yung sinabi ko, lumapit sya sa kama nya at kinuha ang laptop sa ilalim nito
"Bakit dun mo tinatago ang laptop mo?" tanong ko sa kanya
"Wala lang, trip ko eh! Bakit ba?" sabi nya pagkatapos ay dumila na naman sya
Naupo kaming dalawa sa kama nya pagkatapos ay binuksan nya yung skype nya sa laptop nya. Tumingin ako sa mukha nya, nakita ko ang abot sa mata nyang ngiti
Ilang minuto lang ay may lalaking nagsalita sa laptop nya, sa mukha pa lang saka sa damit nung lalaki ay parang sumisigaw na sya ng 'mayaman ako!'
"Bakit ka napatawag Suho? Anong kailangan mo?" tanong nito kay Suho, boses pa lang nya ay nakakapanghina na, paano pa kaya kung sa personal?
Napansin ko ang napakatangos nyang ilong pati rin dimples nya. Teka lang, parang kamukha nya si Suho!
"Wala naman kuya, gusto lang kitang ipakilala sa bestfriend ko, si Naomi" sabi ni Suho dun sa lalaki
Teka lang.
Kuya? Kuya nya yun?!
"Naomi, ito nga pala ang kuya ko, si kuya Siwon" so kaya pala nya ako pinapunta dito para ipakilala sa kuya nya? Pero bakit kasi kailangang 3 ng umaga?!
BINABASA MO ANG
Bestfriend! I love you
RomancePara sayo ano ang LOVE? Love is like a rosary, full of mystery Love is blind Love is in the air Love is sacrifice at maraming pang iba... Maraming nasasaktan at nakakasakit dahil sa LOVE na yan Kung ikaw ang papipiliin.. Ang PUSO ba na nakakaramdam...