Suho's POV
"Yaya! Pakilagay po ito dun sa car" sabi ko sabay abot ng bag ko kay yaya, pupunta akong baguio ngayon kasama si Krystal
"Sige po Ser Suho"
Pumunta ako sa tapat ng kwarto ni Krystal
"Krystal! Hindi ka pa ba tapos mag-ayos ng gamit mo?" sabi ko mula sa labas ng kwarto nya
"Hindi pa! Tulungan mo nga ako Kuya!" sigaw nya mula sa loob kaya pumasok na ako sa loob at nakita yung tatlong bag nya na punong puno na, tapos may isa pa syang bag na nilalagyan ng mga gamit
"Yung totoo?! Saan ka pupunta? 3 araw lang tayo dun sa baguio" tumingin sya sa akin saglit tapos pinagpatuloy yung pag-aayos nya ng gamit
"Ano bang laman ng mga bag mo?"
"Buksan mo kaya para makita mo, hayszx" lumapit ako sa isa nyang bag at binuksan, puno ito ng mga damit nya
Yung isang bag naman ay puro make-up, Juice colored ang mga babae talaga
Yung pangtatlong bag naman ay puno ng pagkain, karamihan dun ay chocolates
"Saan galing tong chocolates?"
"Sa Refrigerator"
"Kaya pala nauubos ang stack kong chocolates dahil sayo" pabulong kong sabi habang sinasarado yung mga bag nya
"Anong sabi mo?"
"Huehue, wala, sabi ko bilisan mo na"
After 123456789 years natapos din mag-ayos ng gamit si Krystal, papunta na kami sa car ngayon
"Kuya iihi muna ako" sabi nya tapos binigay sa akin yung mga bag nya nang biglang may nagdoorbell
"Yaya, pakilagay na nga itong mga bag ni Krystal sa car"
"Sige po, Ser Suho" inabot ko yung mga bag kay yaya at pumunta sa may gate, nakita ko si Naomi na may dalang bag
"Naomi? Anong ginagawa mo dito?" binuksan ko yung gate at pinapasok sya
Naomi's POV
"Naomi? Anong ginagawa mo dito?" sabi habang binubuksan yung gate
"Kailangan ko tulong mo"
"Tulong?"
"Kailangan kong pumunta sa baguio, susundan ko sina Mama iniwan kasi nila ako, kaya kung pwede ihatid mo ako papunta dun, kulang kasi pera ko sa pamasahe pa lang, hindi man lang nag-iwan si Mama ng pera" sabi ko tapos nagpout ako
"Talaga? Ehh di sumabay ka na sa amin"
"Pupunta rin kayong baguio?" nagnod na lang sya
"Pwedeng pasabay?" nagnod na lang ulit sya kaya kinurot ko pisngi
"Thank you! I Love You talaga Suho" papasok na ako sa kotse nang narealize ko kung ano yung nasabi ko kaya napatingin ako kay Suho na natatawa na ngayon
#TangaMoNaomi
"Hoy! Bakit ka tumatawa dyan?! Masama na bang mag ILY sa Bestfriend?"
"Hahaha oo na! Pumasok ka na sa loob" binuksan nya yung pinto at pinapasok na ako
Binuksan ko muna yung Cellphone ko at nagplay muna ng music dahil wala pa naman sina Suho at Krystal sa loob ng car
Mamaya lang ay pumasok na sila kaya umalis na kami, katabi ko si Krystal ngayon, tapos si Suho naman ang nagdadrive
BINABASA MO ANG
Bestfriend! I love you
RomancePara sayo ano ang LOVE? Love is like a rosary, full of mystery Love is blind Love is in the air Love is sacrifice at maraming pang iba... Maraming nasasaktan at nakakasakit dahil sa LOVE na yan Kung ikaw ang papipiliin.. Ang PUSO ba na nakakaramdam...