IKAAPAT NA KABANATA

611 22 0
                                    

Pag uwi ko sa bahay

Agad akong sinalubong ni Mama

"Naomi, may bisita ka"

"Sino ma?"

"Si Jonghyun!"

"Ano? Bakit daw sya nandito?"

"Hindi ko alam, oh pumunta ka na dun kanina pa naghihintay yun sayo" tinulak naman ako ni mama papasok ng bahay namin, at nakita ko si Jonghyun na nakaupo sa Sofa at may dalang kuting, kulay puti yung kuting at may ribbon sa leeg

"Hi Jonghyun!" kinawayan ko naman sya, kaya napatayo sya at binuhat yung kuting at lumapit sa akin

"Naomi, sorry talaga ha? Dahil hindi natuloy yung date natin"

"Ok lang Jonghyun, bakit ka nga pala nandito?"

"Gusto kong makabawi sayo, eto oh dba mahilig ka sa pusa" inabot nya sa akin yung kuting

"Thank you ha?" kiniss ko sya sa cheeks, medyo matagal na rin kaming hindi nakakapagbonding

"Anong gusto mong ipangalan sa kuting na yan?" sabi ni Jonghyun

"Umm.." ano nga kayang maipangalan sa kuting na ito

"Ahh Naomi uuwi na ko ha? Gabi na kasi ehh"

"Uyy teka lang! Dito kana kaya magdinner!" sigaw ko sa kanya kasi medyo malayo na sya

"Wag na lang, Bye Naomi!" bigla naman akong napatingin sa kuting na kinakarga ko

Pumunta na ko sa kwarto ko para makapagpalit ng damit, kaya binaba ko muna sa kama yung kuting

Pagkatapos ko naman magbihis kinuha ko yung cellphone ko sa bag para tignan kung may nagtext o tumawag sa akin, pagbukas ko ng Cellphone sakto namang tumawag si Suho sa akin, sasagutin ko ba yung tawag nya? Haayst sige na nga

"Hello? Suho bakit ka napatawag?"

"May kailangan kasi akong itanong sayo"

"Ano naman yun?"

"May alam ka bang magandang restaurant?"

"Umm.. Oo dun sa may EXO st. Maraming magagandang restaurant dun! Bakit mo ba natanong?"

"Magdidinner kasi kami ni Suzy ngayon" bigla kong naalala yung nangyari sa mall kanina nung narinig ko ang pangalan ni Suzy

"Ahh ganun ba? O sige bye na!"

"Teka lang! Naomi!" pinatay ko na agad yung call, ayoko muna silang kausapin ni Suzy ngayon

Tinignan ko naman yung kuting sa kama ko pero wala sya dun

"Shet naman oh! Asan ka ba?" hinanap ko sya kung saan saang parte ng kwarto ko pero hindi ko makita

"Lumabas ka naman oh! Problemado na nga ako kay Kim Joonmyeun ehh" bigla naman lumabas yung kuting sa ilalim ng kama ko at lumapit sa akin

"Alam ko na kung ipapangalan ko sayo! Joonmyeun! Yun ang pangalan mo" binuhat ko naman yung kuting at niyakap ko

"Dito ka muna Joonmyeun ha? Kakain lang ako" iniwan ko sya dun sa kama at sinara na yung pinto para hindi sya makalabas

Paglabas ko ng kwarto ko naamoy ko agad yung nilutong ulam ni Mama, hmmmm nagugutom lalo ako, pumunta ako sa dining room namin at tinignan kung ano yung niluto ni Mama

"Wow! Caldereta?"

"Ayy hindi! Adobo yan!" pamimilosopo ni Mama sa akin HAHA, may pagka bagets kasi itong mama ko

Naupo agad ako sa upuan at kakain na sana ng biglang hampasin ni Mama yung kamay ko

"Hindi ka kakain hangga't hindi mo kinukwento kung anong pinag usapan nyo ni Jonghyun!"

"Mama naman ehh! Ok sige na nga, gusto daw kasi nyang makabawi sa akin kaya pumunta sya dito at binigyan nya ako ng kuting, ok na ma? Pwede na kong kumain?"

"Ahh ok, sige kumain ka na"

------

Pagkatapos kong kumain agad akong pumasok sa kwarto ko, karaniwan akong nakikipaglaro kay Joonmyeun ngayon

"Joonmyeun, sa tingin mo kailangan ko bang sabihin kay Suho yung tungkol kay Suzy" para naman akong tanga na nakikipag usap sa pusang eto, pagod na siguro ako kaya kahit pusa kinakausap ko

"Nevermind na nga, tulog na tayo Joonmyeun"

------

VOTE & COMMENT PLEASE :)















Bestfriend! I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon