IKATATLUMPU'T ISANG KABANATA

275 13 1
                                    

"I want to talk about us, Naomi maha--" pinutol ko ang sasabihin nya at nagsalita ako

"Us? Walang tayo Suho" Sabi ko bago ako bumaba mula sa rooftop, pinunasan ko ang luhang tumutulo mula sa mga mata dapat hindi ko na sya iiyakan pero mahirap rin pala na iwasan ang taong mahal mo, masakit pero kailangan kong gawin para tuluyan na akong makamove-on sa kanya at makalimutan ko na lahat ng sakit na naidulot ng lecheng pag-ibig na yan

Biglang tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito mula sa bulsa ko at nakita kong nagtext si Chorong

Pumunta ka na dito sa room , nandito na si Sir. Asan ka na ba?

-Chorongie

Hindi ko na sya nireplyan at pumunta na lang ako sa room

***

Gabi na kami nakauwi ni Chorong sa bahay, hindi naman kami natagalan sa byahe or natraffic lalo na't may sumusundo at naghahatid na sa amin papunta sa school, pumunta lang kaming Bookstore para bumili ng kakailanganin namin para sa activity bukas

Dun na nga pala muna tumitira si Chorong sa amin para mas malapit sya sa school, binibisita na lang sya ni Tita Grace tuwing weekends

Pagpasok ko sa kwarto ko ay nakita ko ang isang bouquet ng pink roses pero walang nakalagay na letter kung kanino galing pero sigurado akong malapit sa akin ang nagbigay sa akin nito dahil alam nyang pink roses ang favorite ko

Bumaba ako papuntang kusina para tanungin si Mama kung kanino galing ang mga pink roses na nasa kwarto ko

"Ma! Kanino galing 'to?" tanong ko habang hawak yung bouquet

"Ah! May babaeng nagdala nyan kanina, familiar yung mukha pero hindi ko na maalala kung sino" sabi nya habang kinakamot ang ulo nya

"Hay nako, kumain ka nga ng mani ma para hindi ka maging makakalimutin" Ilang weeks na syang ganyan, nagiging makakalimutin na tumatanda na kasi

"Saan naman ako kukuha ng Mani?" tanong nya sa akin

"Kainin mo na lang yang iyo" pabulong kong sabi pero mukhang narinig parin nya kaya hinampas nya ako ng mahina sa braso

Napansin ko na napalayo na pala ang pinag-uusapan namin ngayon, mula sa bulaklak ay napunta sa mani

"Kaya mo bang idescribe yung babae ma?" tanong ko sa kanya, napahinto naman sya sa paghihiwa ng sibuyas

"Umm maputi, matangkad at mas maganda pa sa'yo" Diniinan nya pa talaga yung pagkakasabi nya sa "Maganda pa sa'yo" kaasar lang

Hindi naman siguro si Krystal yung nagdala dito at galing kay Suho yung bulaklak, mas maganda ako dun eh huahua

"Sige, balik na ako sa kwarto ma, tawagin nyo na lang kami ni Chorong pag luto na ang dinner"

Pinuntahan ko sa Chorong sa kwarto nya na dating kwarto ni Kuya, nasa baguio kasi si Kuya dun na sya magtatrabaho bilang chef, bigla ko tuloy syang namiss nung naalala ko sya

"Anong ginagawa mo?" tanong ko kay Chorong na nakadapa sa kama at hawak nya ang cellphone nya, mukhang hindi nya ako narinig kaya lumapit ako sa kanya at napansin na nakaheadset pala sya

Tinanggal ko ito at tinanong ulit sya

"Ano yang nilalaro mo?"

"Clash of clans, hindi ka ba naglalaro nito?" tanong nya sa akin habang tutok na tutok sa paglalaro, ni hindi man lang nya ako nilingon

"Tapos mo na ba ang assignments mo?" tanong ko sa kanya

"Oo naman!"

"Good" sabi ko sa kanya pagkatapos ay kinurot ko ang braso nya, naisip ko bigla, nagkaboyfriend na kaya 'tong pinsan ko?

"Matanong nga kita Chorongie, nagkaboyfriend ka na ba?" napahinto sya sa paglalaro at naupo sa tabi ko

"Hindi pa eh, ikaw ba Naomi? Nagkaboyfriend ka na ba?" tanong nya sa akin habang nakatingin sa sahig

"Uhh, Oo" inangat nya ang ulo nya at tumingin sa akin

"Sino? At bakit kayo nagbreak?"

"Sya si M--" naputol ang sasabihin ng biglang sumigaw si mama mula sa kusina

"Bumaba na kayong dalawa! Luto na ang dinner natin!" medyo paos na si mama pero sumigaw parin sya, pwede naman kasing kumatok sa kwarto namin diba? Hys ngayon alam ko na kung kanino nagmana si Kuya ng katamaran

"Chorong!" tinawag ko sya bago sya makalabas ng kwarto

"Bakit?"

"Ikukwento ko na lang sa'yo next time kung sino sya" sabi ko pagkatapos ay nginitian ko sya

***

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami ni Chorong sa kanya-kanya naming mga kwarto pero si Mama ay nanonood parin ng paborito nyang teleserye sa sala

Nakahiga ako ngayon sa kama at katabi ko si Kuro, yung kuting ko na ngayon ang malaki at matabang pusa na, matagal ko nang napalitan ang pangalan nya para mas madali akong makamove kay Suho

Biglang tumunog ang cellphone at nakita kong nagsend ng message si Jonghyun sa Facebook

Jonghyun: Kamusta ang araw mo ngayon?

Nagreply din naman agad ako

You: Nakausap ko sya kanina.. Sa Rooftop

Jonghyun: Sinong "sya"?

You: Wag kang magkunwari na hindi mo alam kung sino ang tinutukoy ko

Jonghyun sent a sticker

Jonghyun: Anong sabi nya?

You: Gusto raw nyang pag-usapan ang tungkol sa amin pero ayoko

Jonghyun: Tungkol sa inyo? May posibilidad kaya na mahal ka na nya? Diba dapat masaya ka?

You sent a sticker

You: Seryoso ako sa sinabi ko noon, magmomove-on na ako kahit anong mangyari

****

VOTE & COMMENT Please ヾ(●⌒∇⌒●)ノ

-UaenaXOXO


Bestfriend! I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon