"Mama! Chorong! Gumising na kayo!" sumigaw ako mula sa kusina, maaga kasi akong nagising ngayon kaya ako na ang nagluto ng breakfast namin
Excited rin kasi ako mamaya kaya maaga akong nagising, sasagutin ko na kasi si Suho, matatawag ko ng boyfriend ang bestfriend ko ngayon
Ilang minuto na ang nakalipas pero hindi parin lumalabas ng kwarto sina Mama at Chorong kaya naisipan kong puntahan na sila sa kwarto, una kong pinuntahan si Chorong
"Chorong! Gising na, nagluto na ako ng almusal" sabi ko kay Chorong habang inaalog-alog ko yung katawan nya
"Ugh, ang aga pa Naomi" sabi nya habang pikit at nakahiga pa rin sa kama nya
"Anong maaga pa! Isang oras na lang papasok na tayo kaya bumangon ka na dyan"
Napa tsk muna sya bago bumangon sa kama nya at nag-inat
"Ano bang pumasok dyan sa isip mo at gumising ka ng umaga?" tanong nya sa akin
"Hihi wala lang, halika na kumain na tayo" bigla naman nyang hinampas yung pwet ko
"Asus, imposibleng wala kang dahilan kung bakit gumising ka ng ganito kaaga at magluto ng almusal" alam ko namang magtataka sya sa ginawa ko ngayon, ako kasi yung kadalasang tanghali na kung gumising at tamad rin ako pagdating sa mga gawaing bahay kaya hindi mo ako maasahang magluto
"Bakit? Bawal na bang magpakasipag kahit isang araw lang?"
"Hays oo na lang Naomi. Teka gising na ba si Tita?" umiling na lang ako bilang sagot sa tanong nya
"Hayaan muna natin si Mama na matulog, luto na naman ang almusal eh"
★*゚*☆*゚**゚*☆*゚*★*゚*☆
"Good Morning sa inyong lahat!" Sumigaw ako pagdating na pagdating ko sa room namin at isa-isa ko ring binati ang mga classmates ko, may ibang nagtataka dahil hindi naman daw ako ganun kafriendly para batiin sila isa-isa
"Anong nakain mo Naomi at mukhang good mood na good ka ngayon?" tanong sa akin ni Jonghyun na nakaupo sa pinakadulong upuan, hindi ko napansin na nandun pala sya, absent kasi sya ng two days at hindi ko akalain na papasok na pala sya ngayon
"Hue-hue wala lang" Wala pa akong pinagsasabihan sa mga classmate ko na sasagutin ko na si Suho ngayon kahit si Chorong at Mama ay hindi alam ang plano ko, saka ko na lang ipapaalam sa kanila pag kami na ni Suho
Gusto ko kasi kaming dalawa ang magsabi kay Mama, diba ang romantic nun?
"Hay nako kanina pa ganyan si Naomi, gumising sya ng maaga at nagluto pa ng almusal! Hindi naman nya normally ginagawa yun eh" Sabi ni Chorong kay Jonghyun
"Nakadrugs ka ba Naomi? Hahaha" tanong sa akin ni Jonghyun kaya bigla ko syang binatukan
"Sira ka talaga! Hindi ba ako pwedeng magsipag kahit isang araw lang?"
"Magsipag? Haha, wala sa bokabularyo mo yun Naomi" Natatawang sabi ni Chorong
Hys, tamad ba talaga ako?
Biglang nagvibrate yung cellphone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa ko at nakita ang text ni Suho
Good Morning Everyone!
Have a nice day :)
Suho at your screen ;)
PMs and calls are accepted
"Ajujuju, nagtext lang si Suho ngiting ngiti ka na dyan" sabi sa akin ni Chorong pagkatapos ay kiniliti nya ako
"Ah tama na Chorong, nakikiliti na 'ko" tumigil naman sya agad sa pagkiliti sa akin ng biglang magring yung cellphone ko
BINABASA MO ANG
Bestfriend! I love you
RomancePara sayo ano ang LOVE? Love is like a rosary, full of mystery Love is blind Love is in the air Love is sacrifice at maraming pang iba... Maraming nasasaktan at nakakasakit dahil sa LOVE na yan Kung ikaw ang papipiliin.. Ang PUSO ba na nakakaramdam...