Happy 7k+ reads! Thank you sa mga nagbabasa ng story na ito, lalo na sa mga nagvovote at nagcocomment. Marami pong salamat ^-^
~~~~~~*
Suzy's POV
"Sehun? Andyan ka ba? Papasukin mo naman ako!" nandito ako ngayon sa labas ng condo unit ni Sehun, gusto kong mag-explain sa kanya
Patuloy parin ako sa pagkatok pero wala paring nagbubukas ng pinto. Bigla ko namang naalala na may susi pala ako ng condo nya, nagpakahirap pa akong kumatok
Pagpasok ko sa loob, tumambad sa akin ang mga basag na pinggan, baso, pati lampshade binasag nya, lalo tuloy akong nakonsensya sa nangyari kanina
"Sehun?! Kung nandiro ka, kausapin mo naman ako! Please?" hinanap ko sya sa buong room pero wala talaga sya dito
Saan naman kaya nagpunta yun?
Kinuha ko yung cellphone ko sa bag at sinubukang tawagan sya
"Shit! Sumagot ka naman, please!" nakailang tawag na ako sa kanya pero hindi sya sumasagot, bigla ko naman naisipan na tawagan sya, baka alam nya kung saan pwedeng pumunta si Sehun
"Hello? Sino 'to?" mabuti naman at sinagot nya yung tawag ko
"Si Suzy 'to, alam mo ba kung saan ang pwedeng uwian ni Sehun maliban sa condo nya?" lakas loob kong tanong sa kanya kahit alam kong hindi kami in good terms
"At bakit ko naman sasabihin sayo?!" tanong nya sa akin
"Please, kung may alam ka sabihin mo na, nagmamakaawa ako"
"Tsk" yun ang sinabi nya bago nya ako pinatayan, bakit ko pa kasi naisipang tawagan sya?
"Ma'am!" narinig ko naman bigla na tinatawag ako ni Manong ben, yung driver
"Bakit Manong ben?" tanong ko sa kanya
"Malapit na po maggabi, umuwi na po kaya tayo"napatingin ako sa wristwatch ko, tama nga si Manong ben 6: 12 na
***
Suho's POVLately i've been, i've been losing sleep
Dreaming about the things we could be
Nandito ako ngayon sa kwarto ko, nagbabasa ng story sa wattpad, yung His Name by UaenaXOXO! Ganda nun! Basahin nyo
Nagpatugtog na rin ako ng mga kanta para mas feel ko ang magbasa
Napatayo naman ako bigla ng may kumatok sa pinto
*Tok tok * *Tok tok *
"Teka lang!" pinatay ko muna yung music, pagkatapos ay bumaba na ako para tignan kung sino yung kumakatok
Si Naomi pala, ano kayang ginagawa nya dito
"Oh Naomi! Bakit ka nagpunta dito?" tanong ko sa kanya, inabot naman nya sa akin ang isang box ng pizza sabay alis
"Ah, teka lang! Bakit mo ako binibigyan nito?"
"Pinabibigay yan nina Lolo at Lola" sabi nya sabay ngiti sa akin
Dug dug
Dug dug
"Pasok ka muna sa loob!"
***
3rd person's POV"Ah, teka lang! Bakit mo ako binibigyan nito?" aalis na sana si Naomi ng bigla syang tanungin ni Suho
"Pinabibigay yan nina Lolo at Lola" sagot ni Naomi sabay ngiti sa kanya, naisip ni Naomi na para bang mas gumwapo si Suho ngayon
'Teka, ano bang pinagsasasabi ko?' Tanong ni Naomi sa sarili nya
"Pasok ka muna sa loob!" sabi ni Suho kay Naomi pero agad syang tumanggi
"Ah, wag na, may gagawin pa kasi ako"
"Please?" Ayun napilitan din si Naomi na pumasok sa loob, hindi nya kasi matiis ang kagwapuhan ni Suho
Bigla namang may tumawag kay Suho, sinagot nya agad ito
"Wait lang Naomi ha?" sabi nya kay Naomi
"Hello? Sino 'to?" tanong ni Suho sa tumawag sa kanya, hindi kasi nakasave yung number nung caller sa contacts nya
"Kaibigan po ba kayo ni Ms. Suzy? Ako po si Nurse Jenny, kagabi pa po sya nakaconfine dito, maari po ba kayong pupunta dito? Wala parin syang malay hanggang ngayon, ginamit ko lang po ang phone para makatawag sa kapamilya or kaibigan nya"
"Ahh, sige pupunta na ako dyan" Lalabas na sana ng gate si Suho ng bigla syang tawagin ni Naomi
"Teka lang! Saan ka pupunta?" tanong ni Naomi kay Suho
"Sa Hospital"
"Sasama ako!" Biglang sabi ni Naomi, pinayagan naman sya ni Suho na sumama pero hindi nya nasabi kay Naomi kung bakit sila pupuntang Hospital
***
Kanina pa iniisip ni Naomi kung bakit pupuntang Hospital si Suho. Nakarating na sila ng Hospital, naglalakad na sila papunta sa room ni Suzy
'Ano kayang gagawin ni Suho dito?' Iyan ang tanong ni Naomi sa sarili nya
"Nandito na tayo" sabi ni Suho nung nasa tapat na sila ng room ni Suzy, napabuntong hininga muna sya bago nya binuksan ang pinto
Biglang kumirot ang puso ni Naomi sa nakita nya sa loob ng room
'Bakit pupunta si Suho dito?'
"Ano pong nangyari sa kanya" tanong ni Suho sa Nurse. Napakabait talaga ni Suho, kahit ex nya handa nyang tulungan
"May nakabanggaan po sila kagabi habang papauwi, nasa kabilang room po yung driver, si Mang ben may malay na po sya"
Napatingin si Naomi sa kamay ni Suho na nakahawak na sa kamay ni Suzy
"Ahh, sige po aalis na kami may pupuntahan pa kasi ako, pakisabi na lang po na nagpunta ako dito pag nagkamalay na sya" sabi ni Suho sa Nurse
"Sige po" lalabas na sila ng room ng biglang magkamalay si Suzy
"Suho?"
"Dito ka lang.. Please" dagdag pa nito at hinawakan ang kamay ni Suho
Hindi na mapigilan ni Naomi ang damdamin nya, maiiyak na sya sa nakikita nya
"Ahh, sige dito ka muna Suho, magcCR lang ako" bago pa sya magsalita si Suho ay nakalabas na ng room si Naomi
Inalis ni Suho ang kamay ni Suzy at sinundan si Naomi
"Naomi! Teka lang" napahinto si Naomi sa paglalakad ng marinig ang boses ni Suho
"Kung iniisip mo na nagkabalikan na kami, nagkakamali ka dahil hin--" pinutol ni Naomi ang sasabihin ni Suho
"Hindi mo kailangan mag-explain, at hindi ko kailangan ng explanation mo" napayuko naman si Suho
"Bestfriend mo lang naman ako, diba?"
****
VOTE & COMMENT Please (^-^)
-UaenaXOXO
BINABASA MO ANG
Bestfriend! I love you
RomancePara sayo ano ang LOVE? Love is like a rosary, full of mystery Love is blind Love is in the air Love is sacrifice at maraming pang iba... Maraming nasasaktan at nakakasakit dahil sa LOVE na yan Kung ikaw ang papipiliin.. Ang PUSO ba na nakakaramdam...