IKADALAWAMPU'T TATLONG KABANATA

408 14 2
                                    

"Lolo! Lola!" napatakbo na lang ako papalapit sa kotseng sinasakyan nila, miss na miss ko na talaga sila since nung pasko ko lang naman sila nakilala gustong gusto ko nang makipagbonding sa kanila, siguro nakita ko na sila noong bata pa ako pero matagal na yun

Pagbaba nila ng kotse ay agad ko silang niyakap

"Oh Naomi! Kanina pa kayo dito?"

"Opo lola"

Napatingin naman si lola sa likuran ko

"Andito rin pala si Marco at si Chorong! Halika nga kayong dalawa" medyo nakakatakot yung boses ni lolo kaya siguro lumapit na rin agad sina kuya at si chorong sa kaniya

"Bakit po lolo?" tanong ni Chorong kay lolo habang si kuya naman ay nasa likod ni chorong at walang imik, yung totoo?! Lalaki ka ba talaga kuya? Ikaw pa talaga ang natakot imbis na si Chorong

Tinitignan muna sila ni lolo at lola bago nagsalita si lolo

"Payakap naman kami! Namiss ko ang mga apo ko!" sabi nya sa amin kaya naggroup hug kami

Napansin ko na yumakap rin sa amin sina mama at tita Grace pati na rin si Jonghyun, wow, feeling nya part of the family sya, hinila naman sya ni April papalayo sa amin

"Wag ka ngang makiyakap sa kanila! Hindi ka naman part of the family ehh" sabi pa nito sabay hampas sa braso ni Jonghyun

"Sorry na, nadala lang ako"

***

"Maiwan muna namin kayo dyan ha?" sabi ni mama kina lolo at lola na nasa kwarto nila kailangan daw nila ng time para sa isa't isa, kakapasok lang namin ngayon sa hotel, 4:30 na ng hapon kaya hindi na ganun kainit hindi katulad kanina, balak naming magswimming ngayon nina Chorong inaantay lang namin syang matapos sa pag-aayos ng mga gamit nya

Habang hindi pa sya tapos sa pag-aayos, naisipan ko munang pumunta sa room nina April, May at June, nakita ko rin dun si Jonghyun, naisipan nya sigurong pumunta muna dun lalo na at mag-isa lang sya sa room nya

"Dumating na ang pinadeliver nyong pizza! Sinong magbabayad?" tanong ni Jonghyun kina April, May at June, nagpadeliver pala sila ng 2 box ng pizza?

"Ikaw na magbayad April!" sabi ni June na naglalaro ngayon sa cellphone nya habang nakaupo sa sofa

"Bakit ako? Si May na lang, mayaman naman sya ehh" sabay turo kay May

"Tsk, sige na ako na ang magbabayad" tumayo sya at lumapit dun sa nagdeliver ng pizza at binayaran ito, agad ko naman silang tinanong

"Bakit ba kayo nagpadeliver ng pizza?" tinitigan muna nila ako bago nagsalita si June

"Gusto kasi naming ibigay yan sa lolo at lola mo, bilang thank you na rin dahil nakasama kami sa family outing nyo, pasensya na kung yan lang nakayanan namin"

"Sus! Ok lang naman na hindi na kayo magbigay ng pizza sa kanila"

Napatingin sa akin si Jonghyun

"Yun naman pala ehh! Pwede naman palang hindi, bakit bumili pa kayo?" tanong nito kay June

"Nakakahiya kasi na wala man lang kaming naibigay sa kanila! Itutulad mo pa kami sa'yo na walang hiya" medyo napalakas ang pagkakasabi nya dun

"Eh di wow" yun na lang ang nasabi ni Jonghyun kaya natawa na lang kami

Chorong Calling...

"Ah! Sige, tinatawagan na ako ni Chorong ehh, magswiwimming na kami, gusto nyong sumama?" tanong ko sa kanila

"Mamaya na lang kami Naomi! Mag-aayos pa kami ng gamit ehh" sabi naman ni May

***

Hindi ko akalain na ganito kaganda ang resort nya, may 2 swimming pools at may beach din, nandito kami ngayon ni Chorong sa swimming pool pinagbilinan kasi kami ni lola na wag kaming lalangoy sa beach dahil malapit nang maggabi, delikado daw

Actually, ang lamig ng tubig dito sa pool idagdag mo pa yung malamig na simoy ng hangin, feeling ko sisipunin ako pagkatapos nito

"Hindi ka pa ba nilalamig?" tanong ko kay Chorong pero umiling lang sya, seryoso? Ang lamig na kaya!

Umahon ako sa pool at naupo na lang sa gilid ng pool, gusto kong pagmasdan na lumubog ang araw, napatingin ako sa beach may nakita akong lalaki dun at babae, teka

Si Suho at Hyeri ba yun? Andito rin pala sya, hindi ko sya napansin sa kotse ni Suho

"Huy! Hindi ka ba magswiswimming? Ano bang tinitignan mo dyan?" tanong naman ni Chorong kaya napatingin ako sa kanya

"Ang lamig kasi ng tubig, ginawin pa naman ako, papanoorin ko na lang na lumubog yung araw!" sabi ko sabay tingin ulit sa beach pero wala na dun sina Suho at Hyeri, ang bilis naman nilang umalis dun, haiszxt

***

Suho's POV

"Gising na Hyeri!" napatingin naman ako kay Krystal

"Ayaw talagang magising ehh, ang himbig na ng tulog nya! Ikaw nga ang gumising sa kanya" sabi ko na lang, lumapit naman si Krystal kay Hyeri, paano kaya nya gigisingin si Hyeri? Nagulat naman ako ng biglang sinampal ni Krystal si Hyeri

"Aray naman! Bakit mo naman ako sinampal?" tanong agad ni Hyeri ng magising sya sabay hawak sa kaliwa nyang pisngi na namumula na ngayon dahil sa sobrang lakas ng sampal ni Krystal

"Ayaw mo kasing magising ehh! Nasa resort na po tayo!" sabi ni Krystal kay Hyeri, nilibot naman ng mata ni Hyeri ang kwarto, dito namin sya dinala ni Krystal kanina

"Asan ako?" tanong nito

"Nandito ka sa kwarto ko, may pagkain sa kusina baka gusto mong kumain" sagot ko kay Hyeri

"Teka lang, ibig sabihin binuhat nyo ako papunta dito?" tanong pa ulit ni Hyeri, umiling si Krystal bago nagsalita

"Pinabuhat ka namin sa driver ni Kuya"

"Labas tayo?" pag-aaya ni Krystal, bago pa makapagsalita si Hyeri ay lumabas na ng kwarto si Krystal, kanina pa kasi nya gustong magswimmingsa beach inaantay lang nyang magising si Hyeri

"Tara na" sabi nya pagkatapos ay bumangon sya at sabay na kaming lumabas ng bahay, katabi lang ng bahay ko dito ang hotel na tinutuluyan nina Naomi ngayon

Ng makarating kami sa may beach, nakita ko na agad si Krystal na lumalangoy medyo malayo na sya, nakakahiya mang sabihin pero mas magaling syang lumangoy sa akin kaya wala syang takot kahit gaano pa kalalim ang dagat o pool na nilalanguyan nya

Napatingin naman ako sa bandang likod at nakita ko si Naomi na may kasamang babae, pinsan nya siguro yun

"Langoy tayo?" nagnod na lang ako pagkatapos ay hinubad ni Hyeri ang sando nya at yung shorts nya sabay takbo papunta sa dagat, hinubad ko na rin yung t-shirt ko at sinundan sina Hyeri at Krystal

***

Naomi's POV

Gabi na kaya pinapasok na kami ng hotel nina lola, saka ang lamig na rin dun. Dun kami nagdinner sa labas ng hotel, may restaurant din kasi dun sina Suho, pinaghalong korean, japanese, at Chinese ang menu nila doon kaya medyo marami akong nakain, sina lolo at lola naman ang nagbayad ng bill namin

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na agad ako sa kwarto ko, may bago na kasi akong pinagkakaabalahan maliban sa pag-iisketch at pagdudrawing ng chibis, nagsimula na rin akong magsulat ng mga stories

Yung story ko ay about sa magbestfriend na nafall in love sa isa't isa, ang cliche no? HAHAHAHA. Bigla namang nagring yung Cellphone ko kaya kinuha ko agad ito mula sa bulsa ng pantalon ko

Krystal Calling...

*****
VOTE & COMMENT Please :)

-UaenaXOXO

Bestfriend! I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon