IKAPITONG KABANATA

540 18 5
                                    

1 week later

Naomi's POV

Isang week na ang nakalipas nung nakipag hiwalay si Suzy kay Suho. Ang kapal naman ng mukha nyang saktan si Suho, sya na nga itong two timer, sya pa ang nakipagbreak

Ewan ko ba pero dinala na lang ako ng mga paa ko papunta sa bahay nina Suzy, gusto ko syang saktan, sabunutan, sampalin, suntukin, sipain nang maramdaman nya ang sakit na nararamdaman ni Suho ngayon, isa linggo na syang hindi pumapasok

"Umm.. Andyan ba si Suzy?"

"Opo, pasok po kayo, tatawagin ko lang po si Ma'am" pinagbuksan naman ako ng gate nung katulong nila at pinapasok sa bahay ni Suzy

Mamaya lang ay bumaba na si Suzy galing sa kwarto nya na may kasamang lalaki

"Oh anong kailang--" hindi nya naituloy yung sasabihin nya dahil lumapit ako agad sa kanya at sinampal

"How dare you?!" Sinampal din nya ako

"Ang kapal ng mukha mong saktan ang Bestfriend ko! Ikaw na nga tong Two timer! Ikaw pa talaga ang nakipagbreak?! Grabe ka Suzy! ANG LANDI MO!"

"Ano bang pakialam mo?! Ha?! Sino ka ba?! Dba bestfriend ka lang?! Bakit kung umasta ka dyan parang ikaw yung girlfriend! Umamin ka nga! May gusto ka ba kay Suho?!"

"Paano kung sabihin kong may gusto nga ako sa kanya?! Anong gagawin mo?" ewan ko ba pero kusa nalang lumabas sa bibig ko yung sinabi ko

"Sabi ko na nga ba ehh. Lumabas din ang totoo! Yaya! Palabasin mo na ang babaeng to at baka kung ano pa magawa ko dito!" nilapitan ako nung katulong nila at sapilitang pinalabas ng bahay nila

Napaiyak nalang ako sa nangyare, hindi ko kaya na nasasaktan si Suho, mahal ko na ba talaga sya?

Naisipan kong pumunta sa bahay ni Suho, nag aalala ako sa kanya. Mga ilang minuto lang ay nakadating na ako sa kanila, ginamit ko yung spare key ko para makapasok sa gate at sa kwarto nya kung saan natagpuan ko syang umiinom ng alak

"Ano ba Suho? Tumigil ka nga sa pag inom!" lumapit ako sa kanya at inagaw sa kanya yung baso nyang puno ng alak

"Naomi naman ehh! Hayaan mo na ako" lasing na nga talaga sya dahil medyo nahihilo na sya

"Hindi! Tumigil ka na sa pag inom mo! Lasing ka na ahh" lumapit ako sa kanya at inalalayan papunta sa kama nya, napatingin sya sa akin

"Wag mo akong iiwan katulad ng ginawa sa akin ni Suzy ha?" bigla naman akong may naramdaman sa tyan ko, parang butterflies?

"Oo naman, hinding hindi kita iiwan.." nakatulog na sya, mukha syang anghel pag natutulog

"Sana ako nalang.."

-------

Tinawag ko yung yaya nya para ikuha ako ng mainit na tubig at towel, hinubaran ko muna ng damit si Suho dahil pawis na pawis na sya kahit may aircon

"Eto na po yung Mainit na tubig at Towel na pinapakuha nyo" ang bilis naman kumuha nitong katulong na to, kakautos ko palang ehh

"Salamat po"

Lumapit ako kay Suho at pinunasan sya sa mukha nya at katawan, wag kayong green! Hindi ko pinunasan yung ibaba nya.. Yung alam nyo na

"Sana ako nalang Suho.. Ako nalang sana minahal mo" medyo mahina kong sabi, mabuti nalang tulog sya at hindi nya naririnig yung mga sinasabi ko.. Mahal ko na sya

Bigla naman syang nagising

"A-anong sabi mo?" mabuti nalang lasing parin sya

"Mahal kita.." bigla naman syang nagthumbs up. Gago talaga to, nagdadrama na ako ehh, mabuti nalang lasing to, kung hindi kanina ko pa to nasapak

Bigla naman nagring yung Cellphone ko

From: Mommy

Umuwi ka na Naomi! Alam kong nandyan ka kina Suho!

Susko si mommy lang pala

To: Mommy

Oshige po. Uuwi na ako

Tumayo na ako sa kama at akmang lalabas na sa kwarto ni Suho nang bigla syang magsalita

"Dito ka munaa.. Wag mo akong iwan" nabago ng sinabi nya ang isip ko. Sa tingin ko kailangan akong magstay dito hanggang bukas, naupo ulit ako sa tabi ni Suho

"Sige na nga.. Hindi na ako aalis"

To: Mommy

Hindi na po muna ako makakauwi ngayon, kailangan ako ng Bestfriend ko..

Pagkatapos kong itext si Mama, lumapit ako kay Suho at nahiga na rin sa kama, medyo inaantok na ako

-------

12: 00 am

Nagising ako bigla, naalala ko hindi pa pala ako kumakain ng dinner. Tssk lumabas ako ng kwarto ni Suho at nagpunta sa kusina nya para maghanap ng pagkain. Buti nalang may ulam at kanin pa

Binuksan ko yung Cellphone ko para tignan kung may text ako

From: Mommy

Ano?! Wag mo sabihing dyan ka matutulog? Baka may gawin kayong milagro dyan! Nakuu malilintikan kita pag may nangyare sa inyong dalawa ni Suho..

From: Mommy

Bakit hindi ka nagrereply? Anong ginagawa mo? Hmm bestfriend with benefits na ba ituu?

Napafacepalm nalang ako sa mga text sa akin ni Mama, OA naman nya masyado, saka Bestfriend with benefits daw? Yuck

Nagpatuloy na lang ako sa pagkain at hindi ko na binasa yung iba pang mga text ni Mama sa akin

Pagkabalik ko sa kwarto ni Suho, tulog na tulog parin sya, para syang anghel pag natutulog

Naisipan kong tignan yung mga gamit ni Suho, hindi kasi ako makatulog

"I-i Love you" bigla naman nagsalita si Suho, nanaginip siguro to

"I love--" hindi natuloy yung sasabihin ko dahil nagsalita ulit sya

"I love you... Suzy"

-------

VOTE & COMMENT Please :)

-UaenaXOXO




Bestfriend! I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon