IKAAPATNAPUNG KABANATA

156 13 1
                                    

Suho's POV

"Kuya! Kuya Siwon!" agad lumapit si Krystal kay Kuya ng makita nya itong naglalakad dala ang 3 baggages

"I miss you Kuya" sabi ni Krystal habang nakayakap kay Kuya, napatingin naman sa akin si Kuya at ngumiti

Napakaclose ni Krystal kay Kuya Siwon kaya hindi na ako magtataka kung bakit ganito na lang nya yakapin si Kuya after 5 years nilang hindi pagkikita

Naalala ko tuloy nung mga bata pa kami, silang dalawa lagi ang magkasama at sila rin ang laging magkakampi

"5 years na tayong hindi nagkikita Suho ah, pero ganyan pa rin ang height mo" pang-aasar sa akin ni Kuya. Sabi na nga ba, kawawa na naman ako sa dalawang 'to, tiyak pagtutulungan nila akong asarin

"Haha, mauunahan ko pa yatang tumangkad yan Kuya eh" sabi naman ni Krystal pagkatapos ay nag-apir silang dalawa. Hys

"Oo na, halika na Kuya at Krystal umuwi na tayo, gabi na" sabi ko sa kanila pagkatapos ay naglakad na ako palayo sa kanila

"Hihi, asar talo si Kuya"

"Hahahahaha"

★*゚*☆*゚**゚*☆*゚*★

Kanina pa ako nakatulala dito sa kwarto ko, naghihintay ng text mula kay Suho. 12: 00 am na ng madaling araw pero hindi ko alam kung nakauwi na sina Suho

Nababagot na talaga ko, hindi pa din ako makatulog. May insomnia na yata ako

Nabigla naman ako nung biglang may kumatok sa kwarto ko, biglang pumasok sa isip ko yung binasa kong the red book sa webtoons kanina kaya natakot ako, hindi ako tumayo at hindi ko bubuksan yung pinto, 12: 00 na no! Baka multo lang yan

Makalipas ang ilang segundo ay may kumatok ulit sa pinto pero walang nagsasalita. Hindi ko ulit yun pinansin, pero biglang sinundan ito ng malakas na pagkatok na ikinatakot ko pa lalo

"Naomi, Si Chorong 'to, buksan mo yung pinto, ano bang nangyayari sayo?" bigla akong bumangon at dali-dali kong binuksan yung pinto

"Bakit ang tagal mong magbukas ng pinto?" pabulong nyang tanong sa akin, napakamot naman ako sa ulo ko

"Eh.. Akala ko multo lang yung kumakatok he-he"

"Sus, walang multo dito sa bahay no!" pagkasabi nya ay biglang nagsarado yung pinto ng kusa

"Sinong nagsarado nun?" tanong ko sa kanya

"Ewan ko.."

★*゚*☆*゚**゚*☆*゚*★

"Naomi! Chorong! Gumising na kayong dalawa" sigaw ni mama sa amin mula sa labas ng kwarto ko 

Inalis ko ang pagkakayakap sa akin ni Chorong pati na rin yung kumot na nakabalot sa aming dalawa, mahimbing na mahimbing pa ang tulog ni Chorong.

Napuyat kasi kami kagabi dahil dun sa letcheng pinto na yun kaya hindi ko sya masisisi kung bakit hindi pa sya gising ngayon, hindi pa naman sya sanay sa puyatan

Iniwan ko muna si Chorong dun sa kwarto, ayokong istorbohin ang pagtulog nya

"Oh mabuti naman at bumangon ka na Naomi! Si Chorong hindi pa ba gising?" tanong sa akin ni mama na nasa kusina na at naghihiwa ng sibuyas

"Hindi pa, napuyat yata kagabi" sabi ko pagkatapos ay bumaba na ako ng hagdan

Dumiretso na agad ako sa kusina nung maamoy ko ang niluluto ni mama, hinding hindi ako magkakamali, bacon ang piniprito nya!

"Hep hep, hindi ka kakain hangga't hindi naghuhugas ng kamay" biglang pinalo ni mama yung kamay ko papalayo sa mga bacon

"Aist, sige na nga"

★*゚*☆*゚**゚*☆*゚*★

3: 00 na ng hapon pero andito lang ako sa kwarto, nakahiga sa kama habang nagbabasa ng paborito kong story sa wattpad, hanggang ngayon ay naghihintay pa rin ako ng text o tawag man lang mula kay Suho

Pero wala, wala kahit isa pa akong natatanggap mula sa kanya

Ako lang mag-isa dito ngayon sa bahay dahil magkasama si Chorong at Mama pumuntang palengke, hindi na ako sumama sa kanila dahil makakagulo lang ako sa kanila saka mabobored lang ako

Bigla namang nagring cellphone ko, agad ko itong kinuha para tignan kung sino yung tumatawag

0926******* is calling..

Sino kaya 'to? Hindi familiar sa akin yung number nung caller kaya nag-iisip pa ako kung sasagutin ko ba o hindi, hindi naman ito yung number na ginagamit ni Nightmare pero kahit na! Ang creepy kaya pag hindi mo kilala yung number na tumatawag sa'yo!

Hindi naman kaya si Suho 'to? Baka naman nakikitawag lang sya? Bigla akong napangiti sa inisip ko. Sinagot ko na yung tawag

"Hello?"

"Uy! Hello!"

"Hello! Sino ka ba?!"

Walang nagsasalita, hindi kaya prank call lang 'to. K*ng*na, kung sino ka mang caller ka, masunog sana ang buhok mo

"Layuan mo.."

"Si Suho.."

Bigla kong nabitawan yung cellphone ko pagkatapos kong marinig ang boses ni Nightmare, kailan ba nya ako titigilan? Ano bang mapapala nya sa ginagawa nya sa akin?

"Binabalaan kita Naomi"

Call ended

Natatakot ako, natatakot na talaga ko sa Nightmare na yan. Natatakot ako sa mga pwede nyang gawin, idagdag mo pa na hindi ko sya kilala, hindi ko alam kung kapitbahay ko ba sya, classmate o schoolmate, hindi ko alam kung bakit parang alam nya ang bawat kilos ko

Nagring ulit yung cellphone ko, kinuha ko agad ito at sinagot ang tawag ng hindi man lang tinitignan kung sino yung caller

"Ano bang kailangan mo sa akin?! Hindi mo na ba talaga ako titigilan?! Ano bang mapapala mo sa mga ginagawa mo? Sumagot ka!" sigaw ko

"Uhh, kumalma ka Naomi, si Suho 'to" Shit

"Ah, ha-ha-ha bakit ka napatawag Suho?" tanong ko sa kanya

"Nandito ako sa labas ng bahay nyo, pwedeng pakibuksan nung pinto?" napatayo ako bigla at nagmadaling lumabas ng kwarto papunta sa may pintuan

Kasama nya kaya Kuya nya?

Pagkabukas ko nung pinto ay nakita ko si Suho kasama ang kuya nya. Woah ang gwapo pala talaga ng kuya nya, magkamukha rin sila ni Suho, ang pinagkaiba lang ay ang height nilang dalawa

Matangkad ang kuya nya, samantalang si Suho, pandak

"Hello po? Pasok po kayo" sabi ko sa kanila pagkatapos ay nginitian ko sila

"Teka lang, parang namumukhaan kita" sabi sa akin ng Kuya ni Suho

"Nagkausap na po tayo dati sa Skype" sabi ko sa kanya, tumingin naman ako kay Suho

"Oh, Naomi right?" Nagnod na lang ako bilang yes sa tanong nya

"Maganda ka Naomi, sa tingin ko bagay kayo ng kapatid ko"

Dug dug

Ano daw? Bagay daw kami ni Suho?

*゚* ♥ *゚**゚* ♥ *゚* ♥

Vote & Comment Please ♥ヾ(●⌒∇⌒●)

-UaenaXOXO

Bestfriend! I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon