3 weeks after..
Hyeri's POV
"Mahal mo na sya? Seryoso ka ba dyan sa sinasabi mo Hyeri?" tanong sa akin ni Rence, nandito kami ngayon sa isang fast food restaurant, isang linggo na rin ang nakalipas simula ng mag-umpisa ang pasukan nina Suho kaya si Rence na ang madalas kong kasama
"Oo" maikling sagot ko sa kanya pagkatapos ay sumubo ako ng ice cream
"Eh di wala palang silbi ang pagpapanggap nyo?" tanong nya sa akin and I nodded
"Kahit naman nagbreak na silang dalawa, hindi pa rin ako magagawang mahalin ni Sehun mukhang si Suzy lang ang natauhan at bumalik ang feelings para kay Suho" sabi ko kay Rence
"Mahal pa ba sya ni Suho?" tanong nya
"Sa pagkakaalam ko hindi na, may iba nang mahal si Suho"
"Sino?"
"Si Naomi"
Naomi's POV
Tatlong linggo na ang nakalipas simula nung nagvacation kami sa resort nina Suho, nag-umpisa na rin ang klase nung isang linggo medyo naninibago pa nga kami nina April, May at June dahil kailangan na naming gumising ng maaga
"Uy Naomi! Pahiram naman ng pencil mo, pwede?" tanong sa akin ni Chorong, oo nga pala nakalimutan kong sabihin sa inyo na dito na rin pumapasok si Chorong, nadagdagan na naman ang mga kaibigan ko dito sa school
"Sure!" Sabi ko kay Chorong pagkatapos ay inabot ko sa kanya ang extra pencil ko
Hindi ko na nga pala kaclassmate si Suho, nagpalipat na kasi kami ni Jonghyun sa ibang section, sa section 2 mas mababa ito sa section ko dati pero ok na rin kaysa makasama ko pa si Suho sa isang section kaso nga lang naiwan sina April, May at June sa section 1
Hindi ko parin nakakausap si Suho, maliit lang naman itong school kaya imposibleng hindi kami magkita, sadyang iniiwasan ko lang sya ayoko na kasing umasa at masaktan
2 weeks na rin pala ang nakalipas simula ng naging magkarelasyon sina June at Jonghyun, biglaan nga eh
Nag-uusap parin naman kami ni Krystal, hindi naman porke iniiwasan ko ang kuya nya ay iiwasan ko narin sya, wala naman akong naging balita kay Hyeri simula nung nag-umpisa na ang pasukan, hindi ko nga alam kung nakabalik na ba sya sa new york
"Uy! Hindi ka pa kakain sis? Recess na tayo oh" tanong sa akin ni Chorong kaya narealize ko na kanina pa pala ako nakatulala dito, haha
"Naku, sorry may iniisip lang ako, tara na kumain na tayo" tumayo na ako at magkasabay na kaming lumabas ni Chorong sa canteen
Nung nakarating na kami ng canteen, nandun na agad sina April, May at June, absent si Jonghyun kaya hindi kami kompleto ngayon
"Kanina pa kayo dito?" tanong ko kay May at nagnod naman sya
"Mas una kasi ang recess time namin sa inyo kaya maiiwanan namin kayo dito mamaya" pag-eexplain naman sa akin ni June habang tinutusok-tusok yung carbonara nya, mukhang namimiss nya si Jonghyun
"Ah ganun ba? Sige bili lang kami ng pagkain ni Chorong, dyan muna kayo" sabi ko at hinila ni Chorong papunta sa bilihan ng pagkain, nakapila kami ngayon at nasa dulo pa kami
Bumili kami pareho ni Chorong ng favorite pasta namin, ang carbonara, mag pinsan nga talaga kami, pagbalik namin sa table ay nagreretouch na yung tatlong maria
"Oy! Bakit nagreretouch na kayo?" tanong ni Chorong sa kanila
"Mag-uumpisa na yung klase namin kaya kailangan na namin kayong iwan" sabi sa akin ni April habang naglalagay sya ng lipstick
"Pwede bang dito muna kayo kahit 10 minutes lang?" tanong ko sa kanila, for sure hindi nila ako matitiis
"Hindi pwede eh" sabi sa akin ni May
"Kahit ilibre ko kayo tommorow?" napaisip sila saglit bago sumagot ng sabay-sabay
"Hindi talaga pwede" I smell something fishy Lol hininga siguro nila yun
"Bakit ba kasi hindi pwede? Hindi naman siguro kayo mamumura since bihira naman kayo malate sa klase" tanong ko sa kanila
"Hindi pwede kasi pogi yung teacher na magtuturo sa amin mamaya" Ah ayun pala
"Ah kaya pala todo retouch kayo ngayon?" tanong ko sa kanila at sabay sabay naman silang nagnod
"Ah Naomi, alis na kami parating na si Sir sa room, bye!" Hys, bakit ba lagi na lang akong iniiwan?
Pagkatapos naming kumain ni Chorong, pumunta muna ako sa locker ko para kumuha ng mga libro para sa mga susunod na subject, si Chorong naman ay dumiretso na sa room
Habang naglalalad ako papunta sa locker room ay kumakanta ako, kinakanta ko yung Rum pum pum by f(x), nung nakarating na ako sa locker room binuksan ko agad yung locker ko, nagmamadali na kasi ako lalo na at malapit ng mag-umpisa ang next class namin
Nung pagkabukas ko sa locker ko, may nakita akong letter tsk, ano 'to? Love letter?
Naomi, magkita tayo sa rooftop ng building na 'to mamayang 4: 30, gusto kitang makausap
P.S. Alam mo na kung sino ako, hindi ko na kailangang sabihin
Hyeri's POV
"Naomi? Diba yun yung bestfriend nya?" tanong sa akin ni Rence
"Oo" maikling sagot ko
"Wow, anong plano mo ngayon? Hindi ka naman pala mahal ng lintek na Suhong 'yan" sinamaan ko sya ng tingin bago ako nagsalita ulit
"Ewan ko, siguro magmomove-on na lang ako at kakalimutan ko ang feelings ko for Suho" sabi ko sa kanya pagkatapos ay tumingin ako sa labas ng bintana
"Ikaw bahala" sabi nya sabay subo ng ice cream
Kailangan ko 'tong gawin, ayokong umasa sa wala, takot na akong masaktan oras na rin siguro para bumalik ako sa New york mas mapapadali ang pagmomove-on ko dun, magiging masaya na lang ako para kay Suho at Naomi kung sila nga para sa isa't isa
Suho's POV
1 week na ang nakalipas simula nung mag-umpisa ang classes pero hanggang ngayon wala pa rin akong lakas ng loob na kausapin si Naomi, mahal ko na sya pero hindi ko alam kung mahal pa nya ako
Nandito ako ngayon sa rooftop ng isang building dito sa school, iniintay ko si Naomi dito kung nabasa nya nga ang letter, hindi ako nagpakilala dahil baka hindi sya pumunta, habang inaantay ko sya ay nakikinig muna ako ng mga kanta sa cellphone ginagamit ko yung Headset na regalo sa akin ni Naomi nung birthday ko last year
Actually kakatapos lang ng birthday ko nung May 22 pero walang Naomi na pumunta, inantay ko pa naman sya
"Hoy! Lalakeng nakatalikod! Ikaw ba ang naglagay ng letter sa locker ko?" Tanong sa akin ng isang babae na obvious naman na si Naomi
Humarap ako sa kanya kaya nagulat sya
"Suho?" tanong nya sa akin, imbis na sagutin ko ang tanong nya ay unti unti akong lumalapit sa kanya habang sya naman ay paatras ng paatras
Bababa na sana sya pero nahabol ko sya at hinawakan ko ang braso nya
"Wag ka munang umalis Naomi, gusto lang kitang makausap"
"Ano naman ang gusto mong pag-usapan?" tanong nya sa akin habang nakatalikod parin sya sa akin
"I want to talk about us, Naomi maha--" naputol ang sasabihin ko ng inalis nya ang kamay ko sa braso nya
"Us? Walang tayo Suho" sabi nya bago sya tuluyang bumaba ng rooftop
Ganito ba ang nararamdaman ni Naomi noon? Ang sakit, sobrang sakit
****
Napublish na pala ang una kong Oneshot sa IU Oneshot Stories, I hope you'll like itVOTE & COMMENT Please ヾ(●⌒∇⌒●)ノ
-UaenaXOXO
BINABASA MO ANG
Bestfriend! I love you
RomancePara sayo ano ang LOVE? Love is like a rosary, full of mystery Love is blind Love is in the air Love is sacrifice at maraming pang iba... Maraming nasasaktan at nakakasakit dahil sa LOVE na yan Kung ikaw ang papipiliin.. Ang PUSO ba na nakakaramdam...