IKALABING TATLONG KABANATA

430 16 0
                                    

"Naomi!" tawag sa akin ni Suho nung nakita na nya ako, nandito ako ngayon sa park, magkita daw kaming dalawa

"Oh! Suho kanina ka pa dito? Sorry ha? Natraffic kasi ako huehue" tumayo sya

"Ok lang, tara na?"

"Huh? Saan tayo pupunta?"

"Magdedate"

Dug dug

Dug dug

"Huehue, just kidding, gusto ko lang makabawi sayo" hinampas ko sya sa braso nya

"Ouch! It is hurts" Wow, engrish

"Hue-hue tara na!"

-------

"Ito ang kakainin natin?"

"Oo masarap naman ahh" sabi nya sabay subo ng isang kwek-kwek

"Masarap naman, kaso.."

"Kaso ano?" tinignan nya ako

"Akala ko sa EXO Restaurant tayo kakain" tumawa sya bigla, napansin ko na parang nagsloslow mo sya at parang may nag iisparkle sya, anong nangyayari sa akin?

Kinusot ko ang mata ko at minulat ulit, nawala na yung mga sparkle

"Gusto mo dun?" nagnod na lang ako

"Ayoko ehh hahahahahahahahahahaha" tumawa ulit sya, hue-hue mabilaukan ka sana

Haayst macheck nga muna instagram ko

"Naomi!"

"Naomi!"

"Ano?!"

"Punta tayong EXO Restaurant" nanlaki mga mata nung sinabi nya yun

"Talaga? Dun tayo kakain?"

"Hindi! Tititigan lang natin yung mga nakain dun!" he said sarcastically

"Ayy.."

"Just kidding, dun na tayo kakain, ang choosy mo kasi"

"Yehey!" niyakap ko sya bigla

-------

"Uyy! Salamat ha? Nilibre mo ako tapos hinatid mo pa ako pauwi"

"Welcome! Basta ikaw Naomi"

"Naomi!!! Mabuti dumating ka na! Kanina ka pa hinihintay ng bisita mo!" sigaw ni mama nung papasok na kami ng gate

"Sige na, umuwi ka na Suho, kita na lang tayo sa monday"

"Sure ka? Ayaw mong makita ang gwapo kong mukha bukas?" kinindatan pa nya ako

"Oo, umuwi ka na kasi, may bisita pa ako" sabi ko habang tinutulak sya papalabas ng gate

"Bye!" nagwave na lang ako sa kanya bago sya sumakay ng kotse nya at umalis. Pumasok na ako sa bahay namin at nakita si May na nakaupo sa sofa namin

"Oh! Bakit ka nandito?"

"Huehue, magsulat ka naman dito sa slambook ko" Huhta. So nagpunta sya dito dahil lang dun?

"Wag mong sabihing nagpunta ka dito dahil lang dyan sa lecheng slambook na yan?"" nagnod na lang sya at ngumiti ng napakalapad saka inabot sa akin yung slambook nya

"Tsk, akin na nga!" hinablot ko sa kanya yung Slambook at naupo na rin sa sofa

"Kuya! Pakikuha naman nung ballpen ko! Please!" sigaw ko sa kuya na kasalukuyang umiiyak dahil sa paghihiwa nya ng sibuyas

"Mamaya na sis! Tatapusan ko lang itong ginagawa ko" ayst

"Mama! Pakikuha naman po ng ballpen ko! Please!" sigaw ko sa mama ko na nasa loob ng CR dahil naglilinis sya ng toilet bowl, yak yak kaderder

"Aba! Ikaw na ang kumuha anak! Ang baho-baho na nga dito ehh!" ok, ok naman ako, lahat sila busy. Mautusan na nga lang si yaya

"Yaya! Pakikuha naman po ng ballpen ko! Please!"

"Anak! Wala tayong yaya!" sigaw ni mama mula sa CR. Oo nga pala wala nga kaming yaya, nubayan. Ako na nga lang kukuha

"Ikaw na lang kasi kumuha Naomi" sabi sa akin ni May kaya pumunta na ako sa kwarto ko para kunin yung ballpen kong Faber Castel, pagkakuha ko nito bumalik na ako sa sofa at binuklat ko na yung Slambook ni May

Sinulat ko muna yung Full Name ko

Naomi L. Cruz

Tapos sinulat ko na yung mga favorites ko, etc

Nung natapos ko nang sulatan yun binalik ko na agad yun kay May

"Oh! Tapos na! Makakauwi ka na! Chuuupii na"

"Teka lang kasi! Nakalimutan mong isulat yung ideal type mo!" may ganun?! Bakit hindi ko napansin?

"Sorry naman, hindi ko napansin ehh" kinuha ko ulit sa kanya yung Slambook at sinulat yung Ideal Type ko

Ideal Type

1. Maputi

2. Mayaman

3. Matalino

4. Sweet

5. May A-B-S Ehuehue

6. Makulit

7. Magaling kumanta

8. Gentleman

9. Mabait

10. Ayyst wala na akong maisip :p

Nung natapos ko nang isulat yun, inabot ko na yun kay May

"Oh! Alis na!"

"Sige! Bye Naomi!" nagwave na lang ako sa kanya habang papalabas na sya ng gate namin

--------

Suho's POV

"Hello Hyeri?" pagdating ko ng bahay namin, agad kong tinawagan si Hyeri

"Oh! Suho! Bakit ka napatawag?"

"Nakapagdesisyon na ako"

"Ano na?"

".... Payag na ako, tutulungan kita"

-------

Naomi's POV

"Anak!" sigaw ni mama mula sa labas ng kwarto ko, binuksan ko ang pinto para makapasok sya sa loob

"Bakit po mama?" inabot nya sa akin ang isang makeup kit

"Anong gagawin ko dito?"

"Kainin mo anak! Masarap yan! Just kidding! Malamang ginagamit yan para pangmakeup" pamimilosopo ni mama sa akin

"Hindi ko na po kailangan nito" binalik ko sa kanya yung makeup kit

"Bakit naman anak?"

"Maganda naman po ako kahit walang makeup dba?" umiling si mama kaya nahampas ko sya bigla sa braso

"Joke lang anak! Syempre maganda ka, nagmana ka sa akin ehh, pero kailangan mo parin yan, sige na anak tanggapin mo na" inabot nya ulit sa akin yung makeup kit

"Sige na nga, thank you ma"

------

Pagkalabas ni mama ng kwarto ko, kumuha ako ng dress sa closet ko at sinuot ito tapos sinubukan ko na rin yung makeup na bigay sa akin ni mama

Tumingin ako sa salamin at nakita ko ang sarili ko..

Woah.. Spell Beautiful N-A-O-M-I

-------

VOTE & COMMENT Please :)

-UaenaXOXO


Bestfriend! I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon