IKADALAWAMPU'T WALONG KABANATA

313 14 0
                                    

First time magkakaPOV ni Jonghyun dito :)

***

Jonghyun's POV

"Hello?! Asan ka ba Naomi? Kanina ka pa hinahanap dito sa resort!" Sabi ko kay Naomi nung bigla syang tumawag sa akin

"Si-sige, pabalik na a-ako dyan sa reso-sort" Teka, umiiyak ba sya?

"Umiiyak ka ba?" tanong ko sa kanya

"Hi-hindi ah! Sinisipon lang a-ako kaya ako ganito" Kahit sa boses lang, alam ko na nagsisinungaling sya

"Hays, Dahil na naman ba kay Suho?" Ilang segundo syang natahimik bago sya napaiyak

"Asan ka? Pupuntahan kita dyan"

"Nandito ako sa Uaena park, wag mo nang sabihin sa iba kung anong nangyayari sa akin"

"Sige, papunta na ako dyan" sabi ko pagkatapos ay inend call ko na

Agad akong pumunta sa kwarto samagpalit ng damit at kumuha ng pamasahe papunta sa park, nung binuksan ko yung wallet ko wala pa lang laman

"Sh*t, kapag minamalas naman oh"

*Tok* *Tok*

Sakto namang may kumatok sa pinto ng room ko, binuksan ko yun at nakita ko si June na nakangiti sa akin

"Sinong kausap mo dyan Jonghyun" sabi nya pagkatapos ay pumasok sya sa loob at inikot ang paningin nya sa buong room

"A-ah, wala!" napatingin sya sa akin pagkatapos ay tinaasan nya ako ng kilay

"Weh? May narinig akong kausap ka eh" What the fuck?! Narinig nya ang pinag-usapan namin?

"Kanina mo pa ako pinakikinggan sa kusina?" Lagi na lang ako sinusundan ng babaeng 'to, feeling ko tuloy pag minsan na may gusto na sya sa akin

"Hindi naman, napadaan lang ako dun" sabi nya sa akin, napatingin naman ako sa hawak nyang wallet

"Ahh, nakakahiya man sa'yo pero pwede pang pautang muna?" nanlaki naman ang mata nya

"Magkana ba? Saka saan mo gagamitin?! Baka sa kalokohan lang yan ahh! Naku!" pagbabanta nya sa akin

"Kahit 50 pesos lang, babayaran kita mamaya pag-uwi ko"

"Saan ka ba pupunta?" tanong nya sa akin sabay abot ng 50 pesos na puro piso sa akin. Grabe ha! Nang-aasar ba sya kaya puro piso ang binigay nya sa akin?

"Ah-eh, dyan lang sa ano, umm sa Funeraria" wala akong maisip na palusot kaya yun na lang ang nasabi ko

"Ano naman gagawin mo dun?" tanong habang tinataasan ako ng kilay

"Ibibili kita ng kabaong para mabawasan ang bwisit sa buhay ko!" bigla naman nya akong pinaghahampas at piningot sa tenga

"Anong sabi mo?"

"Wa-wala! Joke lang yun" Sabi ko pagkatapos ay tinulak ko sya sa kama, tumakbo naman agad ako papalabas ng room

***

Naomi's POV

"Ano bang nangyari?" tanong ni Jonghyun sa akin, hindi parin ako makasagot dahil hindi ko parin mapigilan ang pag-iyak

Kinuha nya sa bulsa nya yung panyo nya pagkatapos ay inabot sa akin

"Thank you" sabi ko sabay ngiti ko sa kanya

"Sige lang, iiyak mo pa yan para maubos na, pag naubos na saka mo na sabihin sa akin kung anong nangyari" tumingin ako sa kanya tapos bigla ko syang niyakap. Masaya ako dahil kahit hindi natuloy ang panliligaw nya sa akin ay nandyan pa rin sya para malabasan ko ng sama ng loob

"Pinuntahan namin kanina Si-si Suzy" bumitaw na ako sa pagkakayakap ko sa kanya sabay punas ng luha ko

"Ano?! Bakit nyo na naman pupuntahan ang bruhang 'yon? Eh diba break na sila?" sunod-sunod na tanong sa akin ni Jonghyun

"Nasagasaan sya kagabi, wala syang malay kaya ginamit nung nurse yung cellphone nya para tumawag ng relative o kaibigan nya, kaso sa dinami-dinami ng contacts nya si Suho pa talaga ang natawagan"

"So, paano ka nakasama?" tanong nya ulit.

"Nagdala ako ng pizza sa kanya kaninang umaga, pinapasok nya pa nga ako sa loob ng bahay nya ng biglang may tumawag sa kanya, pagkatapos nun nagmamadali na syang umalis kaso pinilit kong sumama kahit hindi ko alam kung saan sya pupunta" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng tumulo ulit ang luha ko kaya pinunasan ko 'yon

"Tapos?"

"Nung nakarating kami sa Hospital, bigla akong kinabahan kung sino ang pupuntahan namin dun, hanggang sa nakarating kami sa tapat ng isang room nandun si Suzy na walang malay, hanggang sa hindi ko na napigilan kaya bigla na lang ako umalis"

"Hindi ka man lang pinigilan umalis ni Suho?" Tanong nya

"Pinigilan nya ako, kaso ano bang magagawa nya? Eh gusto ko nang umalis eh dahil masakit na" bigla nyang hinawakan ang braso ko

"Gusto mo ng ice cream? Libre ko" tanong nya sabay turo dun sa manong na nagtitinda ng dirty Ice Cream

Nagnod ako tapos nginitian sya, favorite ko ang Ice Cream eh, tatanggi pa ba ako?

Bumili sya ng dalawang Ice Cream na nasa cone, inabot nya sa akin ang isa

"Naniniwala ka ba sa Forever?" Tanong ko sa kanya

"Oo naman, bakit?"

"Parang wala naman kasing Forever, kung may forever bakit maraming naghihiwalay? Bakit maraming iniiwan at nang-iiwan?" Tanong ko kay Jonghyun

"Diba napag-usapan na natin noon ang tungkol dyan? Hindi mo ba naalala?" Tanong nya sa akin, umiling na lang ako

"Hindi lahat naniniwala sa Forever, pero hindi ibig sabihin nun hindi yun totoo sadyang hindi lahat ng tao may Forever dahil katulad nga ng sabi mo, maraming naghihiwalay, maraming iniiwan at nang-iiwan, pero subukan mong tumingin sa paligid mo, tignan mo ang lolo at lola mo, oh diba?" Woah! Ang lalim ng pinaghugutan nya ha!

"Hays, oo na" sabi ko sabay ngiti sa kanya, ngumiti rin sya sa akin

"Gusto mong manood ng sine? Libre ko" Nagnod naman ako

***

Pagkatapos namin panoorin yung Avengers Age of Ultron ay naisipan na namin na umuwi na, malapit na rin kasing maggabi, hindi na kami nagpasundo sa driver nina Lolo at Lola nagtaxi na lang kami

"Uy! Jonghyun" sabi ko sabay kalbit sa kanya, nakatingin kasi sya sa bintana

"Bakit Naomi?" nginitian ko sya

"Thank you ha? Dahil andyan tuwing nasasaktan ako" pinisil nya bigla ang ilong ko

"Ok lang basta ikaw Naomi" hays, sana sayo na lang ako nainlove para hindi ko maramdaman ang ganitong sakit

****

VOTE & COMMENT Please :)

-UaenaXOXO

Sino na ang nakapanood sa inyo ng Avengers Age of Ultron?ヾ(●⌒∇⌒●)ノ

Bestfriend! I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon