Happy 10k BILY! Salamat sa mga nagbabasa nito kahit weekly lang at maiikli lang yung updates, Thank you rin sa matyatyagang nagvovote at comment dyan. Kamsahamnida!
~~~*
"Manong, huminto po muna kayo" sabi ko nung nasa tapat kami ng bahay ni Suho
"Kakausapin mo ba sya?" tanong ni Rence sa akin, umiling lang ako
Tinitignan ko si Suho mula sa loob ng kotse, mabuti na lang at hindi nya kami napapansin. Ngayon na ang flight ko papuntang new york
Ayokong sabihin sa kanya na aalis na ako dahil baka pigilan nya ako at hindi na ako makaalis, kailangan ko nang umalis para makalimutan ko na ang nararamdaman ko sa kanya
"Manong tara na po, baka malate pa ako sa flight ko" sabi ko kay manong Joseph
Naomi's POV
"Ano? Nakausap mo si Suho kahapon?" tanong sa akin ni Jonghyun, nasa canteen kami ngayon, kaming dalawa lang absent kasi yung tatlong luka
"Oo, pero nung nalaman ko na sya pala yung naglagay ng sulat sa locker ko, umalis na agad ako" sabi ko sa kanya
Biglang namang nagring yung cellphone, kinuha ko yung cellphone mula sa bulsa ko at nakita ko ang text ni Hyeri
Sorry Naomi kung hindi na ako nakapag-paalam sa'yo, aalis na ako ngayon, babalik na akong new york
-Hyeri
Aalis na sya? Bakit hindi nya sinabi sa akin? Alam ba 'to ni Suho? Teka, bakit ko ba iniisip kung alam ni Suho ang tungkol dito?
Napatayo ako bigla at tumakbo papunta sa gate, gusto ko syang makita bago man lang sya makaalis. Napahinto ako sa paglalakad ng tumunog ulit ang cellphone ko
Hephep, alam ko ang iniisip mo ngayon. Wag mo na akong habulin, hindi mo na rin naman ako maabutan, sayang lang ang effort mo. Mamimiss kita, wag kang mag-alala uuwi din ako tuwing bakasyon at pasko, kung gusto mo nga umuwi pa ako pag birthday mo. Basta ikaw na ang bahala kay Suho
- Hyeri
"Naomi!" napalingon ako sa likod ko para tignan kung sino ang tunawag sa akin at nakita ko si Jonghyun na hingal na hingal
"Bakit ka ba biglang tumakbo? Anong meron?" tanong nya sa akin habang hinihingal
"Nagtext si Hyeri" sabi ko sa kanya habang naglalakad na kami pabalik sa canteen, naiwan pa namin dun ang pagkain namin
"Nagtext lang naman pala eh, ano bang sabi?" tanong nya nung nakarating na kami ng canteen, mabuti naman at nandito pa rin ang mga pagkain namin
"Aalis na sya, babalik na sya ng new york" sabi ko pagkatapos ay kumagat ako sa cheeseburger
"Kailan ba sya aalis?" tanong nya
"Ngayon" napatayo sya bigla at papunta syang gate
"Oy! Saan ka pupunta?" pasigaw kong tanong sa kanya, napahinto sya sa paglalakad at hinawakan ang braso ko
"Puntahan natin sya" sabi nya sabay hila sa akin papunta sa gate
"Teka lang Jonghyun! Hindi na natin sya maabutan, sayang lang ang effort natin" hinawakan ko ang braso nya para pigilan sya
"Wag na daw natin syang sundan" niyakap nya ako at kinuskos sa likod pagkatapos ay bumalik na sya sa upuan nya
***
BINABASA MO ANG
Bestfriend! I love you
RomancePara sayo ano ang LOVE? Love is like a rosary, full of mystery Love is blind Love is in the air Love is sacrifice at maraming pang iba... Maraming nasasaktan at nakakasakit dahil sa LOVE na yan Kung ikaw ang papipiliin.. Ang PUSO ba na nakakaramdam...