IKALIMANG KABANATA

612 23 1
                                    

Suho's POV

"Babe, saan mo gustong kumain?" tanong ko kay Suzy

"Kahit saan, basta kasama lang kita ok na" lalo naman nyang hinigpitan yung pagkakahawak nya sa aking braso at sumandal sya sa balikat ko

"Wait lang ha? Tatanungin ko lang si Naomi kung may alam syang magandang restaurant" napabitaw naman sya sa pagkakahawak nya sa braso ko

"Si Naomi na naman?"

"Suzy naman ehh, dba napag-usapan na natin ito? Hindi ka dapat magselos kay Naomi, Bestfriend ko lang si Naomi"

"Sige na nga" nagpout naman sya at kiniss ako sa cheeks

"May tiwala naman ako sayo na hindi mo ako lolokohin" dagdag pa nya

"Yun naman pala ehh, tawagan ko lang si Naomi ha?" nagnod na lang sya

*Calling  Naomi*

Sinagot naman agad ni Naomi yung tawag ko

"Hello? Suho bakit ka napatawag?"

"May kailangan kasi akong itanong sayo"

"Ano naman yun?" napatingin naman ako bigla kay Suzy dahil para syang bata na yakap yakap ang teddy bear nya na galing sa akin

"May alam ka bang magandang restaurant?"

"Umm.. Oo dun sa may EXO st. Maraming magagandang restaurant dun! Bakit mo ba natanong?"

"Magdidinner kasi kami ni Suzy ngayon"

"Ahh ganun ba? O sige bye na!"

"Teka lang! Naomi!" pinatay naman nya agad yung call, ano na naman kayang problema ng babaeng yun? Tsskk

"Oh anong magandang restaurant ang sinuggest ni Naomi?" tanong ni Suzy

"Dun sa EXO st. Marami daw dun"

"EXO st.? Yuck ang cheap naman"

"Suzy! Wala naman mawawala kung itatry natin dun dba?" pag-eexplain ko sa kanya

"Ok fine! Sige na"

"Good" nagsimula naman akong magdrive papuntang EXO st.

-----

Pagkatapos naman kumain ay inihatid ko na agad si Suzy sa bahay nila dahil baka mapatay pa ako ng tatay nya pag gabi nakauwi si Suzy, pagkatapos ko syang ihatid naisipan ko munang pumunta sa bahay ni Naomi, nasa labas na ako ng bahay nya ngayon

"Naomi!" agad naman bumukas yung pinto nila at lumabas yung mama ni Naomi

"Oh Suho! Bakit ka nandito? Gabi na ahh"

"Gusto ko lang pong puntahan si Naomi" binuksan naman nya ang gate para papasukin ako

"Ganun ba? Pumasok ka na sa loob, puntahan ko lang si Naomi ha?"

"Sige po" pag pasok ko sa loob agad naman akong naupo sa sofa nila, yung mama naman ni Naomi ay pumasok sa kwarto ni Naomi

Naomi's POV

"Naomi" ang ingay naman

"Naomi!!" nagising ako sa sobrang gulat, nakita ko si mama na nakaupo sa kama ko

"Mama naman ehh, ang sarap na ng tulog ko ehh"

"May bisita ka" sino naman kaya yung bisitang yun na umistorbo sa masarap kong tulog?

"Meron na naman? Sino ba?" ang galang ko sa mama ko no? HUEHUE

"Si Suho, bilisan mo na nag-iintay na sya dun" hinila naman ako ni mama papalabas ng kwarto ko at nakita ko si Suho na nakaupo sa sofa

"Hi!" pinilit kong ngitian sya

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko habang bumaba ng hagdan

"Kailangan ba may dahilan? Hindi ba pwedeng gusto ko lang puntahan ang napakaganda kong bestfriend?" pambobola nya

"Sus! Kilala kita Kim Joonmyeun! Hindi ka pupunta dito nang walang dahilan"

"Wala nga kasi" napansin ko naman na bumaba rin ng hagdan si Joonmyeun

"Teka may pusa ka?" tanong ni Suho

"Oo, Suho i want you to meet Joonmyeun" binuhat ko naman si Joonmyeun

"Wow! Sa akin mo talaga pinangalan, love mo na love mo talaga ko Naomi"

"Yuck, hindi no!"

"Ehh bakit sa akin mo pinangalan?" tanong ni Suho

"Bakit masama ba? Kailangan may dahilan?"

"Hindi naman"

"Yun naman pala ehh"

"Saan mo naman napulot yang pusa na yan?"

"Hoy! FYI hindi ko napulot si Joonmyeun, binigay sya sa akin ni Jonghyun"

"Hindi mo nga napulot! Baka naman kung saan lang nakuha ni Jonghyun ang pusang yan"

"Hoy! Hindi ganun si Jonghyun! Hindi sya cheap na katulad mo"

"Ako pa talaga ang cheap ngayon?"

"OO" sigaw ko sa kanya

"HOY! LQ NA NAMAN  BA KAYONG DALAWA?" sigaw ni mama mula sa kusina

"YUCK! LQ? MAGBESTFRIEND LANG PO KAMI" sabay naming sigaw namin ni Suho

"Hahahaha" nagkatinginan na lang kami ni Suho at natawa na lang kaming dalawa

"Oh sige na, umuwi ka na! Gabi na ohh 8: 30 na kaya!"

"Sige na nga, sabi mo ehh"  naglakad na sya papalabas ng bahay

"Bye Naomi! Bye po tita!"

"Oh sige iho! Mag iingat ka pag uwi mo" sigaw ni mama

"Opo!" sigaw ni suho mula sa labas ng bahay namin

Kaya mahal na mahal ko yang si Suho ehh pati ba naman si Mama kaclose nya, teka ano bang iniisip ko? Antok lang siguro ako kaya kung ano-ano na naiisip ko, makatulog na nga lang

"Mama, tulog na ko ha?"

"Oh sige anak!" kiniss naman nya ako sa cheeks at pumunta na sya ulit sa kusina, ako naman ay pumunta na sa kwarto ko para matulog

-----

VOTE & COMMENT please! :)

Bestfriend! I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon