IKATATLUMPU'T PITONG KABANATA

239 12 0
                                    

"Ahh, so ok na kayo ni Suho?" tanong sa akin ni Jonghyun pagkatapos kong iexplain sa kanya ang nangyari kanina. Nandito kami sa kwarto nya, nahhiiya ako ngayon sa kanya dahil napakalinis nya sa kwarto nya

Pagkagaling namin sa Sky Ranch ay dito na ako nagpahatid sa bahay nina Jonghyun. Magkikita ulit kami mamaya ni Suho para ihatid ako pauwi

"Oo" simpleng sagot ko sa kanya

"Akala ko ba magmomove-on ka na sa kanya?" tanong nya sa akin, magsasalita na sana ako ng bigla nyang tinakpan ang bibig ko

"Hindi mo na kailangang sagutin ang tanong ko dahil alam ko na ang sagot dun" sabi nya habang nakatitig sa mga mata ko

"Hindi mo sya natiis no?" tanong nya sa akin habang nakatakip parin ang kamay nya sa bibig ko kaya nagnod na lang ako

Napabuntong hininga naman sya bago nya inalis ang kamay nya sa bibig ko

"Basta kung saan ka masaya, susuportahan kita" sabi nya sa akin pagkatapos ay ngumiti sya

Tumingin ako sa relo ko para tignan ang oras pagkatapos ay tumayo na ako

"Aalis ka na agad?" tanong sa akin ni Jonghyun habang nakaupo parin sa sahig

"Hindi ah! Maaga pa naman eh, nagugutom lang ako kaya pupunta sana ako sa kusina" sabi ko sa kanya pagkatapos ay nginitian ko sya, tumayo naman sya at lumabas ng kwarto nya

"Ikukuha lang kita ng Ice cream sa refrigerator" sabi nya bago sya bumaba ng hagdan

Ang lakas din ng trip nitong si Jonghyun pag minsan, ang lamig na nga dito tapos Ice cream pa ang ipapakain nya sa akin pero since gutom na talaga ako, hindi na lang ako aangal

Pag kalipas ng ilang minuto ay nakabalik na rin si Jonghyun sa kwarto nya at dala na nya ang Ice cream saka may dala rin syang mga cones at isang ice cream scooper

Napangiti naman ako nung nakita ko ang flavor ng Ice cream, alam talaga ni Jonghyun ang mga favorites ko

"Favorite mo ang chocolate at strawberry diba?" tanong nya sa akin pagkatapos ay kumagat sya dun sa Ice cream nya

"Oo, akala ko hindi mo na maalala yung favorite flavor ko ng ice cream" sabi ko sa kanya pagkatapos ay pinisil ko yung ilong nya

"Sus, ako pa" sabi nya pagkatapos ay tumawa sya ng mahina

Pagkatapos naming ubusin yung Ice cream, naisipan namin manood ng isang movie since maaga pa naman

"Favorite mo talaga 'tong Big hero 6 no?" tanong nya sa akin pagkatapos ay binigyan nya ako ng tissue at pinunas ko ito sa luha ko

Nandun na kami sa part na nagsacrifice si baymax kaya ako umiiyak, ilang beses ko na 'tong napanood pero ang lakas parin ng dating sa akin ngayon

Napatingin naman ako sa relo at nakita ko na 6: 30 na pala ng gabi kaya bigla akong napatayo, hays ang bilis talaga ng oras

"Aalis na ako jonghyun, gabi na kasi eh baka inaantay na ako ni mama sa bahay" sabi ko kay Jonghyun habang inaayos ko yung mga gamit sa bag ko

"Sige, gusto mo ihatid pa kita?" tanong nya sa akin

"Ah, wag na lang magkikita pa kasi kami ni Suho" sabi ko sa kanya bago ako lumabas ng kwarto nya

***

"Bakit ang tagal mo?" tanong ni Suho sa akin nung pagkadating ko sa park na malapit lang sa bahay ni Jonghyun, dito nakapark ang kotse ni Suho

Bestfriend! I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon