IKAAPATNAPU'T APAT NA KABANATA

113 8 0
                                    

Masyadong mabilis ang naging mga pangyayari, nandito na ako ngayon sa hospital at 8: 00 na ng gabi, sigurado akong nag-aalala na sina Mama sa akin pero ayokong iwan si Suho, hindi ako aalis dito hangga't hindi ako nakakasiguradong maayos sya

Biglang tumunog yung cellphone ko at nakita kong nagmessage pala sa akin si Chorong sa facebook

Chorong: Nasaan ka na Naomi? Kanina ka pa namin hinihintay ni Tita

You: Sorry kung pinaghihintay ko kayo pero hindi pa ako makakauwi

Chorong: Bakit? Nasaan ka ba?

You: Nasa Western Medical Hospital ako
You: Nabaril si Suho

"Ate Naomi! Asan si Kuya?!" Napatingin ako dun sa pinanggalingan nung boses at nakita ko si Krystal at ang Kuya Siwon nya na papalapit sa akin

Nakapajama at nakasuot ng bunny slippers si Krystal, hindi na siguro sya nakapagpalit ng damit sa sobrang pagmamadaling pumunta dito dahil sa nangyari kay Suho

"Asan si Kuya Suho?!" Tanong ulit sa akin ni Krystal, kita ko sa mga mata nya ang lungkot. Yung Kuya Siwon naman nya ay hindi parin nagsasalita

"Nandun sya sa loob" sabi ko sabay turo dun sa room, agad naman silang nagpunta dun sa tapat ng room hindi pa sila pwedeng makapasok dahil ongoing palang yung operation

"Anong nangyari kay Suho?" Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala si Kuya Siwon

"Ka-kasalanan ko po ang lahat, kung hindi ako niligtas ni Suho hindi sya magkakaganito. Sorry po, patawa--" Bigla nya akong hinawakan sa balikat ko kaya naputol ang sasabihin ko

"Naiintindihan ko, wala kang kasalanan Naomi" Hindi ko na napigilan yung luha ko at kusa na itong pumatak

"Tha-thank you"

"Tama si Kuya, ang mabuti pa ay umuwi ka muna Ate Naomi maaga pa ang pasok mo bukas" Naupo si Krystal sa tabi ko

"Wag kang mag-alala babalitaan ka namin pag natapos na ang operation" Si Kuya Siwon

"Sige, tama ka Krystal kailan ko ng umuwi iniintay na rin kasi ako nina Mama at Chorong"

Pagkarating ko sa bahay namin ay agad akong sinalubong ng yakap ni Mama, nasabi na siguro ni Chorong ang nangyari kay Suho

"Anong nangyari? Ok ka lang ba?" Tanong sa akin ni Mama

"Ok lang ako ma, pero si Suho hindi"

"Ano ba kasing nangyari nak? Pakiexplain, labyu!" pabirong sabi ni Mama. Ganito talaga sya pag may problema ako, dinadaan nya sa jokes hindi nya ipinapakita ang lungkot.

"Niligtas po ako ni Suho mula sa mga lalaking gustong dumukot sa akin kaya lang sya ang napahamak" Lumapit sa amin si Chorong at kinuskos ang likod ko

"Alam mo ang mabuti pa, kumain ka na baka masira pa ganda mo pag nalipasan ka ng gutom!" sabi ni Chorong kaya natawa naman ako kahit papaano

"Baliw ka talaga"

★*゚*☆*゚**゚*☆*゚*★*゚*☆

Kring! Kring!

Bumangon agad ako sa kama at in-off yung alarm clock nung tumunog ito, umaga na at kailan kong pumasok

Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko sina Mama at Chorong na busyng busy. Si Mama ay nagluluto habang si Chorong ay nag-aayos ng bag nya

"Oh, ang aga mo yatang nagising Naomi?" tanong sa akin ni Chorong

"Anong maaga? Malelate na nga tayo eh" matamlay kong sagot kay Chorong

"Papasok ka?!" Pasigaw na tanong sa akin ni Mama

"Bakit naman po hindi ako papasok?!" Nagkatinginan muna si Mama at Chorong pagkatapos ay lumapit sa amin si Mama

"Kaya mo na ba?" tanong sa akin ni Mama

"Opo naman ma! Saka wala naman akong mapapala kung magmumukmok lang ako dito" Napangiti si Mama dahil sa sinabi ka

"Tama ka nak, hala sige na! Bilisan nyo at malelate na kayo!"

★*゚*☆*゚**゚*☆*゚*★*゚*☆

Mabuti naman at hindi kami natraffic sa byahe kaya nakaabot parin kami ni Chorong sa first subject namin ngayon. Marami ring nagtatanong sa akin kung bakit wala daw yung lalaking nagbubuhat ng bag at books ko papunta dito sa room

Hindi ko na lang pinapansin yung mga tanong nila at nanahimik na lang, ayoko munang pag-usapan ang tungkol dun kailangan kong magfocus ngayon

Dumating ang recess at lunch break ng kulang kami, tinanong nila May ang nangyari pero si Chorong na lang ang sumagot

"Hay nako, kanina pa ganyan yang si Naomi, nakaconfine kasi si Suho sa hospital" Speaking of Suho, hindi parin ako tinetext ni Krystal kung ano na ang nangyari kay Suho kaya bigla kong kinuha yung cellphone ko

Krystal, ano na ang nangyari sa operation?

"Uy Naomi! Kung hindi mo kakainin yang food mo, ako na lang haha" Si Jonghyun, kanina pa nila ako pinapatawa pero hindi umuubra sa akin, nag-aalala parin kasi ako dahil hindi ko alam kung ano ng nangyari kay Suho

Ilang minuto lang din ay nagreply na sya

Succesful yung operation kagabi, pero hindi pa nagigising si Kuya hanggang ngayon. Pasensya na nga pala Ate Naomi dahil hindi kita nareplyan kagabi, nakatulog na kasi ako

Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib nung mabasa ko yung text kaya naman ay napangiti ako, pero hindi ako dapat makampante dahil hindi pa sya nagigising

"Uy! Ngumingiti na sya oh!" si April

"Guys, succesful daw yung operation!" sabi ko sa kanila

"Talaga? Mabuti naman kung ganun!"

★*゚*☆*゚**゚*☆*゚*★*゚*☆

Pagkatapos nung klase namin ay hindi na ulit ako sumabay kay Chorong sa pag-uwi, gusto kong puntahan si Suho, dumaan muna ako sa Supermarket para bumili ng mga prutas bago ako pumunta ng hospital para naman may maibigay ako kay Suho

Excited ako, excited na excited na akong makita si Suho, namimiss ko na sya.

Pagdating ko dun sa hospital ay agad akong dumiretso dun sa room ni Suho, nandito si Krystal pero wala ang Kuya Siwon nya, may inaasikaso siguro

"Salamat nga pala dito sa mga prutas, Ate Naomi" Sabi sa akin ni Krystal, suot parin nya yung suot-suot nyang pajama at t-shirt kagabi

"You're welcome Krystal, basta kayo ni Suho" Sabi ko kay Krystal pagkatapos ay tumingin ako kay Suho na wala paring malay, mas gwapo pala sya pag natutulog

"Mahal mo talaga si Kuya no?" Biglang tanong sa akin ni Krystal

"Oo naman" Hinawakan ko ang isang kamay ni Suho at pinisil yun

Bigla namang bumukas yung pinto ng room at pumasok sa room ang isang bruha

"Anong ginagawa mo dito Suzy?!"

★*゚*☆*゚**゚*☆*゚*★*゚*☆

Sorry nga po pala kung natagalan at maikli yung update ko ngayon! Busy lang po talaga, sana maintindihan nyo (≧◡≦)

Vote & Comment Please (^▽^)

-UaenaXOXO













Bestfriend! I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon