Warning: Lots of Changing POVs
~·~·~·~·~·~·
Suho's POV
"Anong sabi mo? May gusto ka sa akin?" tanong ko kay Naomi nung narinig ko ang pinag-uusapan nila ni Krystal
"Wala ah! Teka lang ha? Natatae ako" sabay takbo nya papuntang CR
"Sabi ko sayo ehh, may gusto sayo si Ate Naomi, Manhid ka lang" sabi ni Krystal sa akin pagkatapos ay nagpunta na ulit sya sa pool
Totoo kaya?
May gusto ba talaga sa akin si Naomi?
Naomi's POV
"Shit!" sigaw ko nung pagpasok ko sa loob ng CR pagkatapos ang sinampal-sampal ko ang mukha ko
"Waaah!" bigla naman may kumatok sa pinto ng CR
"Ok lang kayo Miss?"
"Oo, ok lang ako!" sigaw ko mula sa loob
Ilang minuto lang din at lumabas na ako ng CR, nagulat ako nung makita ko si Krystal na nasa labas ng CR
"Ano? Success ba?" hinampas ko naman sya sa braso at tumawa
"Umamin ka na kasi kay Kuya!"
"Ano naman ang aamin ko?!" kinurot nya ako bigla sa braso
"Aray!"
"Huling huli ka na nga tumatanggi ka pa" hindi ako sumagot
"Hayszxt ano bang pinoproblema mo? Natatakot ka ba na baka hindi ka gusto ni Kuya? O ayaw mong masira ang pagiging bestfriend nyo?"
"Pareho" hinawakan nya ako sa balikat at nagsalita
"Wag kang mag-alala, ako ang bahala sayo" sinabi nya yun sabay kindat
"Sure ka?"
"Sure!"
Hyeri's POV
"Magkano ito lahat?" tanong ko dun sa saleslady
"1, 320 pesos po lahat ma'am" agad kong inabot yung bayad ko pagkatapos ilagay sa plastic bag yung mga pinamili ko ng saleslady
Papalabas na sana ko ng shop ng nakarinig ako ng familiar na boses
"Saan mo gustong kumain love? Libre ko!" alam nyo na kung sino no? Walang iba kundi si Sehun kasama ang isang mangkukulam
"Oh Hyeri! Andito ka rin pala! Kamusta ka naman? Akala ko naman nagkukulong ka na sa kwarto dahil hindi ka makamove-on" sabi ni Suzy nung makita nya ako, kumalma ka Hyeri wag mo syang awayin sa harap ni Sehun at ng maraming tao
Humarap ako sa kanya
"Ok lang ako! Nakamove-on na ako, masaya na kami ni Suho!"
"Ganun ba? Ahh sige tara na Sehun, kumain na tayo" lumabas na sila ng shop
Nahahalata ko na ang selos ni Suzy sa amin ni Suho, malapit ko nang makuha ulit si Sehun
Suho's POV
Kanina ko pa tinitignan sina Krystal at Naomi na nag-uusap at nagtatawanan sa may gilid ng pool, ano kayang pinag-uusapan nila?
Naisipan kong lumapit sa kanila, nung papalapit na ako sa kanila ay tumigil sila sa pag-uusap at tumahimik
"Anong problema nyo? Lumapit lang ako, tumahimik na kayo" hindi sila nagsalita at nagbulungan pagkatapos ay tumalon sila sa pool
Ano bang nangyayare?
Naomi's POV
Nag-uusap lang kami ni Krystal nang mapansin kong papalapit na sa amin si Suho, naalala ko tuloy yung sinabi sa akin ni Krystal kanina
Subukan mong wag syang pansinin para hanap-hanapin ka nya
Ewan ko ba kung tama ang sinasabi sa akin ni Krysyal, hayszxt
Sinenyasan ako ni Krystal kaya tumigil kami sa pag-uusap nung lumapit na sa amin si Suho
"Anong problema nyo? Lumapit lang ako, tumahimik na kayo" tinignan ako ni Krystal at binulungan
"Magswimming na tayo, wag mo muna syang pansinin hihi" nauna syang tumalon papunta sa pool sumunod naman ako
Habang lumalangoy ako ay tinitignan ko din si Suho na malungkot na nagpunta sa cottage hahahaha
Mamaya lang ay unti-unting umahon sa pool yung mga classmates namin para kumain, ako na lang ay naiwan
"Naomi! Hindi ka ba kakain?!" sigaw ng isa naming classmates, teka parang may kulang sa mga classmates namin? Ahh si Jonghyun pati sina April, May at June
Kaya pala walang nangungulit sa akin ngayon, hayszxt
"Kakain ako! Wait nyo ko!" nakaramdam na ako ng gutom kaya kakain ulit ako, huehuehue
Pero bago pa ako makaahon ay may naramdaman akong kakaiba sa mga paa ko
"Tulong!" hindi ko maigalaw ang mga paa ko
Nagpanic yung mga classmates ko pero wala man lang tumutulong sa akin, mga walanghiya kayo!
Hindi na ako makahinga pero bago pa man ako mawalan ng malay ay nakita ko ang isang lalaking tumulong sa akin at inahon ako sa gilid ng pool hanggang sa nawalan na ako ng malay..
-----------
VOTE & COMMENT Please :)
-UaenaXOXO
BINABASA MO ANG
Bestfriend! I love you
RomancePara sayo ano ang LOVE? Love is like a rosary, full of mystery Love is blind Love is in the air Love is sacrifice at maraming pang iba... Maraming nasasaktan at nakakasakit dahil sa LOVE na yan Kung ikaw ang papipiliin.. Ang PUSO ba na nakakaramdam...