IKASAMPUNG KABANATA

466 15 0
                                    

Naomi's POV

"Suzy?"

"Sehun?"

Anong ginagawa nilang dalawa dito?

"Teka kilala mo sya Hyeri?"

Tinitigan lang ako ni Hyeri at lumabas na ng Restaurant. Sinundan ko sya kaya naiwan si Suho sa loob

"Uyy! Hyeri! Ano bang problema?" sinigawan ko na sya dahil papasakay na sana sya ng taxi

"..." wala syang nasabi, tumulo na lang luha nya

Pagpasok ko sa loob ng restaurant nakita ko na sinuntok si Suho nung Sehun

"Ano ba?! Tumigil na kayo!" lumapit agad ako kay Suho na nakaupo ngayon sa sahig dahil sa suntok ni Sehun

"Umalis na tayo Suho!" hinila ko na si Suho papalabas ng Restaurant

"Bakit mo pa pinatulan yung lalaking yun?!"

Hindi sya makasagot sa tanong ko

"Dahil ba kay Suzy?" tinignan nya lang ako

"Dahil ba kay Suzy? Sumagot ka!"

"Putang ina Naomi! Oo, Oo na! Dahil kay Suzy dahil mahal na mahal ko parin sya! Masaya ka na?! Nasagot ko na yang tanong mo! " natahimik na lang ako bigla nung sinigawan nya ako

"I-I'm Sorry!" bigla syang lumapit sa akin pero lumayo ako sa kanya

"Wag kang lalapit sa akin!" agad akong tumakbo at sumakay ng taxi

"Naomi! I'm Sorry!" rinig kong sigaw nya sa akin pero hindi ko na sya pinansin

"Manong sa Uaena Ville po tayo"

------

*Knock*  *Knock* pagdating ko sa bahay ko ay dumiretso na agad ako sa kwarto ni Mama

"Oh? Naomi! Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" tanong sa akin ni mama nung pumasok ako sa kwarto nya na umiiyak. Lumapit ako sa kanya at niyakap ko sya

"Ano bang problema anak? Lovelife ba yan?" nagnod nalang ako

"Bakit? Anong ginawa sayo ni Jonghyun?"

"Mama, hindi ito tungkol kay Jonghyun.."

"Ehh kanino?"

"Kay Suho ma.." tinitigan ako ni Mama bigla

"Kay Suho?" nagnod na lang ako tapos niyakap nya ulit ako

"Mahabang kwento ma.."

--------

"Mahirap yang sitwasyon mo anak dahil mahal pa pala ni Suho si Suzy"

"Oo ma. Pero mahal ko sya.."

"Pero nasasaktan ka na, Marami pa namang iba dyan ahh"

"Saka bestfriend lang ang tingin nya sayo" Tinitigan ko lang si mama. Pakiramdam ko ngayon ay hindi na nauubos ang luha ko sa kakaiyak ko

"Ok lang yun ma. Umaasa parin ako na mapapansin nya ako" inabot nya sa akin yung panyo nya at pinunas ko sa luha ko

"Basta anak. Pag sobra ka nang nasasaktan, tumigil ka na ha?" nagnod na lang ako at niyakap ulit sya

"I Love you mama"

"I love you too anak"

-------

Suho's POV

"Shit naman. Sagutin mo tawag ko Naomi" napamura nalang ako dahil ayaw sagutinni Naomi yung mga tawag ko

"Sir! May bisita po kayo!" rinig kong sigaw ni Yaya mula sa labas ng kwarto ko

"Sige po, lalabas na po ako" agad akong lumabas ng kwarto ko at nakita ko ang kapatid ko na nakaupo sa sofa

"Kry-Krystal?"

"Hi kuya!" bakit sya nandito? May sarili naman syang bahay ahh. 3 kasi kaming magkakapatid pero magkakaiba ang tatay namin, ang astig ng nanay namin no? Pangalawa ako at bunso naman si Krystal. May kanya kanya kaming bahay. Si kuya Siwon naman ay nasa USA kasama si Mama

"Anong ginagawa mo dito?"

"Dito na ako titira kuya"

"Ha? Pero bakit? May bahay ka naman ahh!" ano?! Dito na sya titira, NO WAY

"Gusto ko lang. Bakit may angal ka?"

"Wa-wala naman. Hihi sige dun ka na lang matulog sa guest room"

"Good" umakyat na sya ng hagdan habang ako naman ang nagbubuhat ng mga gamit nya =__=

"Pakibilis naman sa pagbubuhat ng gamit ko kuya!"

"Hoy! Hindi mo ako katulong!" napakabait nyang kapatid no? Ang bigat kaya ng mga gamit nya! Ano kayang laman nito. Parang puro bato ehh

"Aish. Bilisan mo na lang kase"

"Oo na" pumasok na sya sa guest room at sinarado ang pinto, haayst napabuntong hininga na lang ako.

Dito na nagsisimula ang pagdudusa ko sa sarili kong bahay =__=

-------

VOTE & COMMENT Please :)

-UaenaXOXO

Bestfriend! I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon