C H A P T E R 3 3:
Answers"Tell me now the informations you know about the organization."
"What, Mica?" tanong ko. "You are really asking that right now? We can talk about it later. Nasa bingit pa tayo ng kamatayan and it's not yet time for th--"
"So you want me to just ask these questions if we're already a cold body?" Tinaasan niya ako ng kilay. "Kahit kailan ay walang ligtas na lugar sa atin-- sa inyo. Simula pa lang nang malaman niyo ang tungkol sa organisasyon ay nasa bingit na kayo ng kamatayan."
Itinaas ni Perv ang mga kamay niya na tila sumusuko at halos hindi na siya huminga dahil kaunting galaw niya lang ay tutusok sa kanya ang kutsilyo.
"O-okay. I'll tell you just please don't point the knife on my neck. Flat Iron, let me handle this."
Napabuntong-hininga n lang ako at tumango. Agad na tinanggal ni Mica ang nakatutok na kutsilyo sa leeg ni Perv at maging ang napakatulis na lapis kay Elena.
Napahawak si Perv sa leeg at bahagyang pinunasan ang dugo mula sa maliit na sugat niya na gawa ng kutsilyo ni Mica. "You made me bled. Next time, ako naman ang may itututok sa 'yo and I'll make sure you'll scream out of pleasure and pain."
Napangisi siya kaya napangiwi na lamang kami sa kabalastugan ng isip niya.
"Stop with your pervertness. I need answers now."
Napabuntong-hininga si Perv at tumango. "I'll tell you now." Napatingin siya kay Lance. "Itabi mo muna ang sasakyan."
Tumango si Lance at agad na pinaandar ang sasakyan hanggang sa liblib na lugar. Napakadilim at wala ng masyadong street lights. Hindi ko rin alam ang oras ngayon pero paniguradong madaling araw na.
Masakit na rin ang katawan ko at inaantok na ako pero nais ko ring tanungin si Perv sa mga bagay-bagay. Hindi ko alam bakit tila nabawasan ang galit ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
La Vidente : Iris Madrigal
FantasyWRITTEN IN TAGLISH La Trilogy #1 Iris Madrigal, the girl who can sense danger, lived her whole life with guilt and conscience as she can't save everyone from peril. She tried to help others and stop every trouble that comes. Until one day, she disc...