Chapter 38: It's her

55 4 4
                                    

La akong maisip na title ng chapter HAHAHHAA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


La akong maisip na title ng chapter HAHAHHAA

C H A P T E R 3 8:
It's her

C H A P T E R 3 8:It's her

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Get out of here. Run, Iris."

Unti-unti kong iminulat ang mata ko at bahagya akong napapapikit nang tumambad sa akin ang napakaliwanag na fluorescent.

Unti-unti akong bumangon at napahawak sa ulo ko nang bahagya iyong sumakit. Shuta, I felt like there's a big dumbell in my back. Napakabigat ng pakiramdam ko.

Wait, where am I again?

Inilibot ko ang paningin ko at napansing nasa isang kama akong maliit at nasa loob ng isang maliit na silid. May mesa sa gilid ng kama at may isang bookshelf at cabinets sa gilid.

This room is just an ordinary room, nothing peculiar. Napatingin ako sa sarili ko at iba na ang suot kong damit. Nakasuot na ako ng asul na damit at isang jogging pants. Napatingin ako sa braso ko at nakunot ang noo ko nang makitang nakatahi na ang mga sugat ko.

Humawak ako sa ulo ko at sinubukang alalahanin ang mga huling nangyari at agad na nanlaki ang mga mata ko.

Shuta! We're caught by the Vencer Organization! I need to get out of here!

Dali-dali akong tumayo. Asa'n sila Strent?

Inilibot ko ang paningin ko ngunit walang bintana dito sa loob. Agad akong pumunta sa pinto at hinawakan ang door knob.

Huminga ako nang malalim bago sinubukang pihitin iyon. Shuta, I hope it's unlocked. Napahinga ako nang maluwag nang tuluyan kong nabuksan ang pintuan at hindi naka-lock ang kuwarto ko.

Dali-dali akong lumabas ngunit napatigil  nang mapansing tila ordinaryo lamang ang paligid. This seems so different from what I've imagined what Vencer's research lab looked like.

La Vidente : Iris MadrigalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon