Chapter 34: Good night

45 5 2
                                    

C H A P T E R 3 4:Good Night

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

C H A P T E R 3 4:
Good Night

"The man w-who killed my grandmother and s-sister

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"The man w-who killed my grandmother and s-sister."

Agad ako napapikit habang takip ang tainga nang marinig ko ang matitinis na tunog na iyon.

"Iris, anong nangyayari?" rinig kong tanong ni Strent at nang imulat ko ang mga mata ay black and white na ang paningin ko.

"S-Strent, may na-sense ako. Kailangan na nating umalis dito," wika ko at agad na hinarap si Lance. "L-Lance, umali--"

Agad akong napatigil nang biglang binitawan ni Mica si Perv at agad na pumunta patungo sa pinto ng sasakyan.

"Mica!" Hinawakan ko ang kamay niya. "Saan ka pupunta?"

"I'll get out of here. Kung hindi niyo maibibigay ang kailangan ko, wala nang sense ang pagsama ko sa inyo." Agad niyang binawi ang kamay niya at pinunasan ang mga luha. She composed herself.

Tumabi na rin si Elena at binuksan na ni Mica ang pinto. Perv looked like he's in a deep thought at nakatulala lang.

"Mica, huwag kang lumabas, maari kang mapahamak! I sensed danger!" Agad ko siyang sinundan palabas ng sasakyan.

"Iris!" rinig ko ang sigaw ni Strent. "Hayaan mo na siya. Hindi mo siya mapipilit."

I can't let Mica go away. Baka siya ang na-sense ko!

Nang makalabas ay tinanaw ko si Mica na naglalakad na patungo sa kabilang banda ng kalsada.

Napapikit ako nang bahagya nang may tumamang liwanag sa mukha ko at nang silipin ko iyon ay nanlaki ang mga mata ko nang matanaw ang itim na van na patungo sa direction ni Mica.

May dumungaw na lalaki sa bintana ng van. Lalong nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakasuot ito ng uniporme ng guard na mula sa school namin.

La Vidente : Iris MadrigalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon