C H A P T E R 3 7:
Saved by an unexpected person"Iris."
Napabaling ako kay Strent at tiningnan siya nang walang buhay. Nakayuko siya at hindi ako kayang tingnan s mga mata.
"I-Iris, alam kong mahirap tanggapin na mula sa-"
"She's not from Vencer," halos pabulong kong wika. "My cousin isn't from that organization, I already told you."
Muli akong dumungaw sa ibaba ng rooftop ng building na kung nasaan kami. Halos mga puno't damo lang ang makikita sa ibaba. I wanted to say to Strent to stay away from me but I can't talk anymore. Sumasakit na ang lalamunan ko.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Strent. Hinawakan niya saglit ang balikat ko saka naramdaman ko na ang pagkawala ng presensiya niya. Umalis na siya. Buti naman.
Nasa abandonadong building kami malapit sa parteng gubat dito sa Soliman High. Wala ng mga tao rito kaya dito napagpasyahan nilang magtago. Wala na akong nagawa dahil pagkagising ko ay narito na kami.
Naninikip pa rin ang dibdib ko. I feel like I'm dead.Bella is the only person whom I most trusted. She's my cousin, my best friend. At hindi ko kayang tanggapin na parte siya ng organisasyon na iyon, na parte siya ng mga taong nagpapahirap sa amin.
Ilang araw na ba ang lumipas simula no'ng mangyari iyon? Kahapon lang. Pero pakiramdam ko'y umiyak ako ng ilang buwan.
Dito na rin kami kumakain at natutulog. May ibinigay pa si Bella na pera kay Strent upang panggastos namin.
Gano'n kabait si Bella. Kaya imposibleng maging parte siya ng organisasyon na iyon.
"Madrigal."
BINABASA MO ANG
La Vidente : Iris Madrigal
FantasyWRITTEN IN TAGLISH La Trilogy #1 Iris Madrigal, the girl who can sense danger, lived her whole life with guilt and conscience as she can't save everyone from peril. She tried to help others and stop every trouble that comes. Until one day, she disc...