C H A P T E R 3 6:
New order"Bella!" Agad akong napayakap sa pinsan ko. She's still wearing the uniform of Soliman High and her small backpack with unicorn keychains.
It's already five in the afternoon. Narito na kami sa bahay nilang napakalaki. Kanina pa namin siya hinihintay at nag-taxi lang kami patungo rito.
Sinabi ko sa kanila na hindi ako nabura sa alaala ni Bella. Elena, Lance and Strent also tried calling their parents but they now can't remember them. Si Perv at Mica naman ay walang balak na tawagan ang sa kanila.
Mica just said she'll make her Mom worry at baka pauwiin pa siya sa kanila- which we really don't understand what she meant.
Si Perv naman ay sinabing matra-track lamang kami kapag tumawag siya sa tatay niya.
Hindi ko namalayang lumuluha na ako sa balikat ni Bella. Naramdaman ko rin ang pagyakap niya pabalik. "What happened, Iris? Bakit kayo nawawala? Nagtanan na ba kayo ni Strent?" Natawa siya.
Nagpunas ako ng mga luha at humiwalay sa kanya. Hinawakan ko ang mga balikat niya at hinarap sa akin. "B-Bella, I want you to listen to me."
Inilibot ko ang paningin ko. Bella's house was in a village kaya wala masyadong tao. Nasa likod ko lang sila Strent at ang iba pa.
"But first . . ." Napalunok ako at muling napatingin sa paligid. "P-pumasok muna tayo sa bahay niyo."
Tiningnan niya sina Strent na nasa likod ko at bigla siyang ngumiwi. "Kailangan ba talagang kasama si Perv?" bulong niya. "Saka kailan pa kayo naging close ni Elena? She's bullying you at ayaw ko na siya sa bahay."
Hinawakan ko ang mga kamay niya. "Please, Bella. I'll explain it to you later."
Nagbuntong-hininga siya at inayos ang hairpin na may unicorn design. "Well, may magagawa pa ba ako kung ikaw nagtanong?"
BINABASA MO ANG
La Vidente : Iris Madrigal
FantasyWRITTEN IN TAGLISH La Trilogy #1 Iris Madrigal, the girl who can sense danger, lived her whole life with guilt and conscience as she can't save everyone from peril. She tried to help others and stop every trouble that comes. Until one day, she disc...