C H A P T E R 4 5:
My fault"Iris, gising!"
Agad akong nagmulat ng mga mata at napabilikwas ng bangon habang habol-habol ang hininga ko. Natatarantang inilibot ko ang mga mata ko sa buong paligid at agad na nanlaki ang mga mata ko nang bumungad ang pamilyar na silid.
Napaawang ang bibig ko. Was it all a dream? Panaginip lang ba ang nangyari kina Ate Marlia?
I'm in my room in the hideout right now!
"S-sila Hellisha," wika ko at sinubukang tumayo ngunit napadaing nang sumakit ang likuran ko.
"I-Iris . . ."
Napalingon ako sa tabi ko at bumungad sa akin si Shizy na nakahawak sa kamay ko habang patuloy na rumaragas ang mga luha sa mga mata niya. Napatingin ako sa kamay ko at agad na napaawang ang bibig nang makita ang napakaraming bandage sa kamay at braso ko.
So . . . what happened was all r-real?
Unti-unting tumulo ang mga luha ko habang nanginginig ang ibabang labi nang mapagtanto ko ang lahat. Agad akong tumingin kay Shizy nang may maalala.
"S-Shizy . . . w-where's Hellisha? N-na-rescue niyo na ba—"
Napatigil ako nang umiling siya. "I-Iris . . . i-ikaw lang ang nadatnan namin duon sa gubat. K-kayo ni Elena lang ang natira."
Mahinang umiling ako. "N-no. S-si Hellisha, b-buhay pa siya! I never saw that she was dead! Nakatakbo pa siya!"
Umiling-iling siya. "I-Iris, si Perv mismo, narinig niya ang lahat ng nangyari kay Hell."
Sa pagkakataong 'yon ay tuluyan na akong natulala. My tears were continously flowing from my eyes that I even tasted my salty tears.
BINABASA MO ANG
La Vidente : Iris Madrigal
FantasyWRITTEN IN TAGLISH La Trilogy #1 Iris Madrigal, the girl who can sense danger, lived her whole life with guilt and conscience as she can't save everyone from peril. She tried to help others and stop every trouble that comes. Until one day, she disc...