C H A P T E R 3 9:
Whisper"W-what the impyerno?" Halos mapasigaw na si Elena habang nakaturo kay Yolly na nakangiti lamang. "I-ikaw ang Commander na tumutulong sa katulad namin? I-ikaw na pabebeng pokpok at ner—"
"Iniinsulto mo ba si Commander?" Masamang nakatingin si Hellisha kay Elena. "Gusto mo bang magilitan ng leeg?"
Napaatras ang kilay ni Elena at tila natakot ito kay Hellisha. Agad siyang kumapit sa braso ni Perv. "Babe, she's threatening me oh! Kung sad girl si Mica, angry girl naman 'yang babaeng 'yan."
Natawa lamang si Yolly sa kanila. We're here at the huge living of the hideout. Nalaman kong nasa loob pala ito ng isang bundok at mahirap hanapin. May tatlo rin itong palapag at ang entrance ng hideout ay may sandamakmak na traps.
Sa unang unang palapag, kung nasaan kami, ay ang sala at ang kuwarto ni Yolly. May tig-iisang kuwarto kami sa baba at ng iba pa. Sinabi ni Yolly na 18 na kaming lahat ditong naninirahan.
Dito sa sala ay sampu kaming nag-uusap. Sila Elena, Strent, Perv, Mica, Yolly, Melvin, Lance, Hellisha at ang isa sa pinakamatanda sa grupo nila Yolly na ang pangalan ay Marlia. She's a transwoman at 32 na raw siya.
"Alam mong angry girl ka, your tingin is nakakakilabot," nakangiwing wika ni Elena ngunit ngumisi lamang si Hellisha.
"My name is Hell. Huwag mo 'kong tawagin ng angry girl, 'di pa tayo close at hinding-hindi iyon mangyayari," wika ni Hellisha. Unlike how I always see her, hindi na siya naka-hood which exposes her hair na hindi lumalagpas ng balikat. "Alam mo bang pumapatay ako ng mga katulad mong maarte?"
"Where's my pake though?" wika ni Elena at umirap.
"P-pero sinabi n-nina Iris na pinatay ka nila," halos pabulong na wika ni Lance habang nakatingin nang maiigi kay Yolly.
BINABASA MO ANG
La Vidente : Iris Madrigal
FantasyWRITTEN IN TAGLISH La Trilogy #1 Iris Madrigal, the girl who can sense danger, lived her whole life with guilt and conscience as she can't save everyone from peril. She tried to help others and stop every trouble that comes. Until one day, she disc...