Chapter 40: Metal door

46 3 0
                                    

C H A P T E R  4 0:Metal door

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

C H A P T E R  4 0:
Metal door

What is happening to Strent? Bakit bigla na lang nanlaki ang mga mata niya habang nakatulala?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

What is happening to Strent? Bakit bigla na lang nanlaki ang mga mata niya habang nakatulala?

Hindi ko alam pero tila biglang lumakas ang tibok ng puso ko sa kaba. Tila ako mismo ang natatakot sa kung ano man ang ibinulong ni Yolly kay Strent.

Hindi ko na namalayang nakatingin na pala sa akin si Yolly habang nakangiti. Tinanggal niya ang nakapatong na kamay sa balikat ni Strent at naglakad nang mabagal patungo sa akin.

"Hi be, nand'yan ka pala," wika niya kaya umayos ako ng tayo. "Kanina ka pa r'yan?"

Napalunok ako at napatingin sa nakatulala pa ring si Strent. Tila wala siyang pake sa presensiya ko. Umiling ako at pilit na ngumiti. "H-hindi naman. K-kakarating ko lang."

Ngumiti ako at humarap kay Yolly. "U-uhm, ano palang pinag-uusapan niyo ni Strent?"

Itinaas niya ang mga kilay saka inayos ang salamin gamit ang hintuturo. "Wala naman, about lang sa love, chos." Natawa siya. "Bakit be?"

Umiling ako at sinubukang hindi na pairalin ang kyuryosidad. "W-wala lang."

"Bakit ka nga pala nandito?"

Naging seryoso ang mukha ko at napahinga nang malalim. "G-gusto ko lang sanang itanong ang tungkol kay Mom."

Nakunot ang noo niya at binuksan nang maluwag ang pinto. Pinapasok niya ako at pumasok naman ako habang pinagmamasdan pa rin si Strent.

Anong nangyari sa kanya? Alam kong tanga siya pero bakit niya naman niliteral na nakatanga lang siya ruon?

Napatingin sa akin si Strent nang umupo ako sa upuang nasa tapat niya. Umupo rin si Yolly sa upuan sa may mesa.

La Vidente : Iris MadrigalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon