C H A P T E R 1 7:
Iam
Nanginginig na naman ako mula sa mga nasasaksihan ko. Makita ko palang ang mga baril ng mga lalaking may hawak kay Mica ay patuloy na bumabalik ang alaala ng pagkamatay ni Yolly.Tuluyan akong napaupo sa damuhan at tinitigan ang nanginginig na kamay.
No. This is not the time to be scared. Ayaw ko nang maulit ang nangyari kay Yolly.
Naikuyom ko ang mga palad ko at tatayo na sana ako mula sa pinagtataguan namin nang pinigilan ako ni Strent.
"Strent, bitiwan mo ako," may awtoridad na wika ko and I flashed a serious face ngunit hindi siya natinag. "Sabing bitawan mo ako."
Ngunit hindi pa rin siya natinag. He also flashed a serious face and I can't see any emotions in his eyes. "Being brat again, huh?"
Hindi ko alam pero nakakatakot ang boses ni Strent kapag walang emosyon at seryoso. Muli kong binawi ang kamay sa kanya at nag-iwas ng tingin. "S-sorry . . . "
Bahagya akong kumalma. Heto na naman ako. Ayaw na ayaw ko yung tinititigan ako ni Strent nang seryoso dahil natatakot ako. Hindi ako sanay kaya ako na ang sumuko.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Sorry about that," wika niya at pumikit nang mariin na tila pinapakalma ang sarili. "A-ayaw ko lang na mapahamak ka na naman sa pagpilit ng gusto mo."
Wala nang kumibo sa amin. Pilit kong pinapakalma ang sarili.
"Yow, guys."
Napatingin kami kay Perv nang magsalita siya habang nakasilip pa rin.
"Pumasok sila sa gubat," wika niya.
Bumaling ako kay Strent na napalunok. "K-kailangan na natin silang sundan, bago pa sila may gawin kay Mica," wika ko. "At kung sakali man na taga-Vencer sila, maaring sa research lab nila siya idadala. Then, we can now save everyone that became the organization's human guinea pig."
BINABASA MO ANG
La Vidente : Iris Madrigal
FantasyWRITTEN IN TAGLISH La Trilogy #1 Iris Madrigal, the girl who can sense danger, lived her whole life with guilt and conscience as she can't save everyone from peril. She tried to help others and stop every trouble that comes. Until one day, she disc...