Chapter 50: Surprise!

29 1 0
                                    

C H A P T E R  5 0:Surprise!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

C H A P T E R 5 0:
Surprise!

C H A P T E R  5 0:Surprise!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

T H I R D P E R S O N
P. O. V.

"MAGBABAYAD KAYO!"

Sa isang iglap ay lahat ng mga tauhan ng Vencer na naruon ay kinapitan ng mga sanga na gumagapang sa buong paligid sa mga paa nila.

"Paulanan niyo!" sigaw ni Dread at agad na hinugot ang mga sanga na nasa paa nito. Nagawa niyang makaalis nang walang kahiraphirap dahil sa lakas nito.

Sina Ara, Toshi, at Petra ay sinusubukan ding tanggalin ang kanila. Gamit ang kutsilyo na gawa sa tubig ay natatarantang hiniwa ni Ara ang mga sanga na nasa paa niya at nang makaalis ay tinulungan niya rin sina Petra at Toshi.

Lahat ng mga goons ay napatingin kay Iris at pinaulanan ng tranquilizer ngunit humarang ang mga sanga sa paligid matapos itaas ni Iris ang kamay niya. Agad na napaawang ang mga bibig nila nang biglang mawala si Iris sa kinatatayuan nito.

Sa isang iglap ay umalingawngaw ang tili ni Ara nang bigla na lamang sumulpot si Iris sa likod ni Petra at walang ligoy-ligoy na giniliitan ito sa leeg gamit ang isang matulis na sanga. Agad na nangisay si Petra at binawian ng buhay.

Tumalsik ang napakaraming dugo sa paligid. Sinubukang barilin ni Dread si Iris ngunit muli itong nawala na parang bula. Sumulpot ito sa likod ni Dread at akmang gigilitan din ito ngunit mabilis siyang nahawakan ni Dread sa kamay.

Ibinalibag ito ni Dread sa pader ngunit nagawang makabalanse ni Iris at nagawang mailagay ang mga paa sa pader na tila isang ninja.

Bumwelo si Iris at mula sa pader, tumalon siya sa direksiyon ni Dread ngunit mabilis na nagkaruon ng barier na gawa sa tubig si Dread na kinokontrol ni Ara.

Nabalutan silang tatlo nina Toshi ng barrier na gawa sa tubig kung kaya't walang nagawa si Iris kundi ang puntiryahin na lamang ang mga taong tauhan ng Vencer na patuloy siyang pinapaulanan ng tranquilizer habang sinusubukan nilang umalis sa mga sangang kumakapit sa paa nila.

La Vidente : Iris MadrigalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon