C H A P T E R 2 4:
Culprit"Bella!" Agad akong tumakbo patungo sa nasusunog na booth ngunit naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Strent mula sa likod. "Strent, ano ba? Bitiwan mo ako! Nasa loob pa raw si Bella! Kailangan ko siyang iligtas!"
"Iris, huminahon ka muna. May mga pumasok na sa loob para iligtas siya," rinig kong wika niya. "Mapapahamak ka lang. "
May mga guards ang pumalibot sa nasusunog na booth upang walang makapasok. Pinaalis din nila kami at sinabihang huwag nang makialam.
May mga guards at ibang estudyante pa ang may dalang balde ng tubig mula sa cr upang puksain ang apoy dahil paparating pa raw ang bumbero.
Hindi pa tuluyang nakakain ng apoy ang buong booth nila Bella and fortunately, the other booths were taken down immediately to prevent the bigger fire.
"Bella!" muli kong sigaw sa booth at nanginginig na ako sa takot. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pilit pa rin akong niyayakap ni Strent upang pigilan ang pagwawala ko.
Kung may nangyaring masama kay Bella, hinding-hindi ko mapapatawad si Venice at Perv at ang buong organisasyon.
Speaking of Perv, I know that he was the one who made the fire! That freaking traitor! Inutusan siya ni Venice!
'Di kalaunan ay may lumabas na isang mula sa rescue team habang akay-akay ang isang lalaking estuyanteng walang malay at tila may paso sa paa.
Hanggang sa lumabas din ang dalawang lalaki habang buhat-buhat si Bella kaya agad akong napatakbo sa kanya. Inilagay siya at ang isang kaninang lalaki sa stretcher.
"Bella!" Pupuntahan ko sana siya ngunit pinigilan ako ng mga rescue team at sinabing mamaya na lamang daw.
Hindi na ako pumalag pa dahil nakahinga na ako nang maluwag nang makitang wala namang natamo si Bella na paso o kung ano mang sugat. Maaring nawalan lamang siya ng malay kaya't hindi siya ang na-sense ko kundi ang kasama niyang may natamo. Siya rin ang sumundo kay Bella kanina kaya malapit siya sa akin at na-sense ko siya.
BINABASA MO ANG
La Vidente : Iris Madrigal
FantasyWRITTEN IN TAGLISH La Trilogy #1 Iris Madrigal, the girl who can sense danger, lived her whole life with guilt and conscience as she can't save everyone from peril. She tried to help others and stop every trouble that comes. Until one day, she disc...