C H A P T E R 1 1:
New Student"S-Si Yolly, pinatay s-siya..."
Hindi na maawat ang mga luha ko habang nakaupo sa isang sulok. Itinakip ko ang mga nangingnig kong kamay sa bibig ko at pinilit na huwag lakasan ang mga hagulgol ko.
"I-Iris, umalis na tayo. Pagabi na," wika ni Strent. "Isasara na ang mga classroom."
Matapos kaming makatakas, agad kaming bumalik dito sa classroom. Hindi pa rin maawat ang mga luha ko simula nang makita ko ang ginawa ni Dread kay Yolly.
Kaming tatlo na lang ang nasa loob ng classroom. Pagkapasok na pagkapasok ko ay agad akong naupo sa sulok at umiyak nang umiyak.
Tumingin ako sa kanya at umiwas siya ng tingin habang nakayuko.
Agad akong tumayo at hinawakan ang kamay niya. "S-Strent, balikan natin si Y-Yolly. Magsumbong tayo sa p-pulis."
Iyon na lang ang paulit-ulit na sinasabi ko sa kanila.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Napalunok siya at hinimas ang kamay ko bago niya ako titigan sa mata. "Hindi pwede, Iris. Kahit gusto ko man, siya na rin ang nagsabi at binalaan tayong huwag sabihin sa kahit sino ang nangyari at nalalaman natin. Bukas, kailangan nating magkunwaring walang alam. Magkunwari tayong normal lang ang araw natin."
Umiling-iling ako at bumitaw sa kanya. Agad akong umupo at isinubsob ang mukha sa tuhod ko. "P-paano ako aarteng normal kung nakasaksi ako ng pagpatay. P-paano ako makakatulog tuwing iniisip kong wala man lang tayong ginawa para iligtas siya?"
Npatingin ako kay Perv na nasa gilid. Nakaupo siya sa mesa habang nakahalukipkip. "Perv, h-humingi tayo ng tulong sa dad mo. He's mayor at makapangyarihan siya 'di ba? B-baka matulungan tayo."
Nagbuntong-hininga si Perv at nag-iwas ng tingin. "Sorry, Iris. Pero hindi ko kayang idamay ang pamilya ko tungkol dito. H-hindi natin alam kung gaano kalakas ang kapit ng organisasyon na iyon. Mas lalo lang tayong mapapahamak."
BINABASA MO ANG
La Vidente : Iris Madrigal
FantasyWRITTEN IN TAGLISH La Trilogy #1 Iris Madrigal, the girl who can sense danger, lived her whole life with guilt and conscience as she can't save everyone from peril. She tried to help others and stop every trouble that comes. Until one day, she disc...