Chapter 63: Game Over

28 1 0
                                    

C H A P T E R 6 3: Game Over

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

C H A P T E R 6 3:
Game Over

Nakatulala lamang silang lahat lalo na si Iris sa kabilang bahagi ng bangin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakatulala lamang silang lahat lalo na si Iris sa kabilang bahagi ng bangin. Gulong-gulo ang isip niya. Hindi niya maproseso ang nangyayari.

Imposible. Imposibleng tra-traydurin sila ni Perv. Perv is her twin! Kanina, nag-iyakan lang sila. Tapos biglang gano'n? Hindi niya maintidihan. It doesn't make sense for her.

Napalingon si Strent kay Kleya. Nakakuyom ang kaniyang bionic arm but he heaved a sigh and tried to compose himself. "Hindi mo ba ulit kayang gumawa ng panibago?"

Hingal na hingal, napalunok si Kleya at umiling. "H-hindi ko na kaya. For sure, matatagalan din akong makagawa..." Nakagat niya ang pang-ibabang labi nang makita ang dismaya ng mga kasama. "S-sorry..."

Ipinitik ni Toshi ang mga daliri niya dahilan upang mapatingin sa kanya ang lahat. "Wala na tayong oras. naririnig ko na ang ibang kalaban na papunta dito."

Nataranta ang karamihan at nagsimulang umiyak ang ibang mga kasamahan nila na inalo naman nina Lance at Steven.

"Ano nang gagawin? Make a tulay ulit! We need to cross this cliff!" Natatarantang wika ni Elena. Pinasadahan niya ng tingin ang mga kasamahan. "Wala bang kayang mag-telepoet sa inyo?"

"Kahit magawa natin, hindi tayo makakatakas. Wala na si Miyah!" wika ni Lance at nasapo ang ulo habang umiiling-iling. "Ano bang nangyayari kay Perv. Imposibleng iwan niya si Mica!"

Tiningnan ng hinang-hinang si Mica si Lance nang walang emosyon. "You're disgusting."

"Y-yeah..." Napatango-tango si Iris habang nakatingin sa mga puno sa kabilang bahagi ng bangin. "This doesn't make sense..."

Nagsimulang magbulungan ang lahat. Ang ibang batang extrano ay tuluyan nang naiyak sa nangyayari. They're hopeless. Hindi na sila makakatawid papunta sa dalampasigan at higit sa lahat, wala na sa kanila ang tanging taong magagawa silang alisin sa isla na ito.

La Vidente : Iris MadrigalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon