C H A P T E R 43:
Find the La Vidente"Vencer . . . Academy?" halos pabulong kong tanong habang nakatulala.
Napatingin ako kay Ate Marlia nang hawakan niya ang mga kamay ko.
Ngumiti siya sa akin. "Tara."
Bahagya akong umiling at umatras. "T-that's Vencer . . ."
Umiling siya habang nakangiti pa rin. "Huwag kang mag-alala, abandonado na 'to. Hindi ka naman siguro papayagan ni Hellisha na sumama sa akin kung ipapahamak kita, 'di ba?" Bahagya siyang natawa.
Napalunok ako at tumango. Sa tingin ko naman ay mapagkakatiwalaan ko si Ate Marlia.
Naglakad kami patungo sa gate at pumasok. Hindi na iyon naka-lock at bahagya pang nakabukas. Halos mahulog ang panga ko sa laki ng buong lugar. May fountain sa gitna na hindi na gumagana. Sa likod nito ay isang napakalaking at grandeng gusali. Tila hotel iyon na abandonado sapagkat nababalutan na rin iyon ng mga halamang gumagapang na kulay black and white lang sa paningin ko.
Napatingin ako sa kaliwa at ganoon din. May isang napakagrandeng gusali rin. It looked like a modern palace that was abandoned.
BINABASA MO ANG
La Vidente : Iris Madrigal
FantasiWRITTEN IN TAGLISH La Trilogy #1 Iris Madrigal, the girl who can sense danger, lived her whole life with guilt and conscience as she can't save everyone from peril. She tried to help others and stop every trouble that comes. Until one day, she disc...