Chapter 55: Tortured

28 2 2
                                    

C H A P T E R  5 5:Tortured

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

C H A P T E R  5 5:
Tortured

C H A P T E R  5 5:Tortured

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

T H I R D P E R S O N
P.O.V

Kasalukuyang nakaupo si Iris sa metal na upuan habang ang mga kamay, paa, at ulo niya ay may mga metal upang hindi siya makaalis o makagalaw. Sa tabi nito ay si Strent na inihahanda ang mga syringe na gagamitin sa pagpapahirap kay Iris.

Ito na ang pangalawang araw ng pagpapahirap sa kanya. Kahapon ay hindi nila nagawang ituloy dahil nawalan ng malay si Iris sa sobrang panghihina matapos malaman kung paano gamitin ang matalik niyang kaibigan ng sarili nitong ama para lang sa gusto nito.

Unti-unti, nagbukas ang pinto na awtomatikong nagpakuyom sa kamao ni Iris. Pumasok ang nakangiting mukha ni Dominar at sumunod naman si Vrio at ang nakayukong si Catriona habang hawak-hawak siya ng isang goon.

Kahit sinabi na ni Catriona na umaanib siya kay Dominar noon pa man, hindi maaring makampante si Dominar kung kaya't hindi niya hinahayaang maging malaya ang nag-iisa niyang kagamitan sa paghahanap ng dalawa pang origin.

Hindi na sumama pa si Perv dahil alam nitong hindi niya kakayanin ang pagpapahirap sa kaniyang kaibigan.

Binigyan ni Dominar ng malambot na ngiti si Iris. "Iris, I want you to know na hindi mo na kailangang maranasan ito. Kung ayaw mong masaktan at humantong sa ganito, magtulungan tayo."

Iris glared at the smiling face of Dominar. "Wala akong pake! Kahit patayin niyo ako, hinding-hindi ako aanib sa 'yo! Kung si Phoebe nga ay hindi mo nagawang tratuhin nang maayos kahit na umanib siya sa 'yo, paano pa ako? Shutaka! Shutakanginaka! Wala kang kwentang ama! Ulol ka!"

"Iris~ Iris~" wika ni Dominar sa pakantang tono. Inilagay niya ang kaniyang mga kamay sa likod at nagpalakad-lakad sa loob ng silid.  "Huwag mong ikumpara ang sarili mo sa walang kwentang si Phoebe. She is nothing compared to the power you hold. She is nothing compared to who you are. Para sa akin, isa lang siyang instrumento para makuha ang loob mo pero tingnan mo naman, wala pa rin siyang kwenta."

La Vidente : Iris MadrigalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon