Chapter 23: A gift from Vencer

37 6 1
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


C H AP T E R  2 3:
A gift from Vencer

C H AP T E R  2 3:A gift from Vencer

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Napag-alaman ni Andrew na ang mga taong malapit sa nagtra-transfer— na sa tingin niya ay kinuha ng organisasyon— ay hindi na maalala ang taong iyon o hindi kaya'y nasasabi na nagtra-transfer talaga ito. At sa tingin ni Andrew ay may ginagawa ang organisasyon upang manipulahin ang alaala nila," wika ni Strent habang binabasa ang isang papel na nasa loob ng envelope.

Ang isa sa mga papel ay isang letter na mula kay Andrew at naglalaman ng mga impormasyon ukol sa organisasyon. Nakasulat din duon na sinimulan niya iyong isulat at mag-research simula nang marinig niya ang usapan namin sa rooftop.

I was amazed that Andrew was able to research a lot of things that's really dangerous and important just because it piqued his interest.

Nandito na kami sa isang parke malapit sa dorm nila Chen. Dito na rin namin sinumulang tingnan ang mga nilalaman ng envelope.

"Pero paano nila nagagawa 'yon?" tanong ni Perv kaya napataas ang aking kilay.

"Why don't you ask yourself?" I whispered.

Narinig 'ata iyon ni Perv dahil narinig ko siyang bumuntong-hininga. Nakita kong umiwas siya ng tingin sa akin.

"Memory alternation," sagot ni Strent. "Maaring may isa mula sa kanila ang may ability na baguhin ang mga alaala ng isang tao. Pero sa tingin niyo ba, may mga kapangyarihan din ang mga nasa Vencer?"

"Yes." Tiningnan ko si Perv. "I know someone who have special ability which is from Vencer."

Nakita kong umiwas ng tingin si Perv mula sa akin at napabuntong-hininga. Naruon pa rin sa mata niya ang sakit na hindi ko maintindihan.

La Vidente : Iris MadrigalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon