Chapter 6: Doomed

105 14 73
                                    

C H A P T E R  6:Doomed

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

C H A P T E R 6:
Doomed

"Iris! Hoy, Iris! Haller?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Iris! Hoy, Iris! Haller?"

Nagbalik ako sa reyalidad nang bahagya akong tinampal ni Bella. "What the unicorn is happening to you? Kanina pa ako nagkukuwento sa pinapanuod kong Barbie and the secret door. But you looked spaced out."

Napatingin siya sa lamesa kung nasaan ang slice ng pizza na nahulog ko. "And you're wasting food. Hindi mo ba pupulutin 'yan? Wala pa namang five minutes."

Napalunok ako at napatingin kay Bella kung saan black and white lamang ang kulay niya at gano'n din sa buong paligid.

Napailing na lamang ako. "N-nothing. I think, I'll go back to my classroom."

"Huh? 'Di pa tapos ang reccess ah? Iiwan mo 'ko?" Nag-pout pa siya at inayos ang hairpin na may unicorn design. "Sige na nga. Babalik na rin ako sa room. Kailangan ko pa palang mag-design for the upcoming event ng school natin next month."

Naglakad na ako pabalik sa classroom habang agresibong pinagmamasdan ang paligid na black and white pa rin.

Ano na naman kayang mangyayari ngayon dito sa school? I hope na hindi tulad ng nangyari last week about sa Hooded Girl na iyon.

Sino nga ba ang nasa three meter radius and layo sa akin kanina? Marami ang mga estudyante at teacher kanina sa cafeteria. Si Bella kaya?

Iwinaksi ko na lang iyon sa isip at kinapa ang bulsa ng skirt upang kunin ang cellphone ko. Nanlaki ang mga mata ko nang hindi ko iyon mahagilap. Shuta! Nawawala!

Freak! Baka nasa cafeteria! Mabilis na naglakad ako pabalik sa cafeteria. Habang naglalakad ay may nabangga ako. Nagmamadali ako kaya 'di ko iyon napansin.

"Punyeta, bakit ba kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?"

Napatingin ako sa kanya at nanlaki ang mga mata ko nang teacher pala iyon. Pinupulot na niya ang mga papel na nahulog niya matapos akong mabangga. Hawak niya ang cellphone sa isang kamay at nakatapat iyon sa tainga niya.

La Vidente : Iris MadrigalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon